Amy Elefane with Harrison Elefane and Pete Elefane
39m • 🌎Our dalaga ❤️
❤️😮👍🏻 347
Comments
Vilma Blanco
Si Harrison na yan?
—
Amy Elefane
Oo mare. All grown up ☺️Nadia Gracilla
Bagay pala kay Hari maging cowgirl tita 😻
—
Harrison Elefane
🙄🙄🙄
—
Amy Elefane
Yes hija 🥰 ang hirap nga pilitin na kuhanan ng litraro. Hanggang dyan lang ang kinaya ng persuasion ko. 😂
—
Faith Felipe
Camera shy talaga tita. Buti nakuhanan naming picture dati na natutulog 🤭
—
Harrison Elefane
Ma ang dami kaya nilang pinagawa sa'kin para mapagod ako at maunang makatulog. Kaya nila ako napicture-an na ganon TvT
—
Amy Elefane
Keep it up girls 😂 more sleep overs!Pete Elefane
Miss you three
—
Amy Elefane
Miss ka na rin daw ni Evie papa 🥰
—
Harrison Elefane
Miss u Pa :3
—
Harrison Elefane
Pa, parang 'di ka po miss ni Mama. Sabi lang niya si Evie nakakamiss sa'yo.
—
Harrison Elefane
'Di ka po yata namimiss Pa 🙀
—
Amy Elefane
Ay wag ka makinig dito sa anak mo papa. Puro siya aral, hindi napapansin loneliness ko. 😂
—
Pete Elefane
Gusto na ba ni Evie ng ading mama?
—
Harrison Elefane
Ano ba yan bakit po rito kayo nag-uusap ng ganiyan.
—
Amy Elefane
You asked for it anak 😂Messenger
good girls ft. hari bad girl
Today 7:16AMNadia:
Grabe one week break langFaith:
Buti nga may break e
Sabi sa'kin nung pinsan ko sa ibang school daw wala. Diretso class sila the day after ng exam
Or next week, kung end ng weekdays yung examHari:
Nakakaiyak naman yan.Faith:
Kamusta Baguio
Asan pasalubong naminHari:
Keychain.
Gusto niyo walis?Nadia:
Ihahampas namin sa'yoHari:
GUARD MAY MANANAKIT
Grabe. 'Di na lang maging grateful.
May strawberry kayo rito hmp.Faith:
Thankx
Thanks*
Tatanggapin naman namin kahit ano. Joke lang e 🙄
Sapat na nga iyong nakauwi ka ng ligtas ❤️Hari:
Heh.
Bayaran niyo 'to magtthank you na lang mali pa spelling.Faith:
TYPO KASINadia:
Hari gusto ko walis bigyan mo 'ko TvT
Ano ginawa niyo sa Baguio
Nagulat na lang ako may post si Tita Amy
'Di man lang sinabi sa'tin Faith <//3Hari:
HASHAHSAHSHASH two days lang kami don, may ginawa lang si Mama kaya gumala kami konti.
Idaan na lang namin ni mama sa house niyo yung walis Nads.Faith:
Ako rin huhuHari:
Heh. Ngayon gusto mo rin.
Sige, sabihin ko kay Mama.
Ay, 'di ko nasagot tanong ni Nads.
Papatayo kami resthouse sa Baguiooo HASHAHSAHSHASH
Gusto ni Papa pag-uwi niya may pagbabakasyunan kami e, hindi lang dito sa city ganon.Faith:
City din yung Baguio ah
Gago ilang walis binili niyoHari:
DITO SA CITY NATIN
Tsaka ewan ko kung ilang walis. Basta marami kasi binili ni Mama lahat ng kulay nung hawakan (?) 'di ko alam tawag.
Basta yung handle ng walis TvT
Nasa school na kayo?Nadia:
Kumakain palangFaith:
Mala-late yan, alam ko na
School ka na hari?Hari:
Oo. Kakapasok ng gate.
May tao na kaya sa room? Baka multuhin ako.
Feel ko sobrang aga ko today. Much maaga than my other pasoks.
Pero last week ako nauna. Sa buong building.
Wala akong kasama for a long time tapos dumating si Kaiserthon.
Parang wala pa rin akong kasama kasi 'di naman siya nagsasalita.Nadia:
Matatakot mga multo sa'yo vebsHari:
Ang pait ng ugali mo Nadia.Nadia:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
May mga classmate tayong sobrang aga pumasok
Kulang na lang sila magbukas ng school eHari:
Luh. Oo nga.Faith:
Oo nga, ka dyan
Ikaw tinutukoy ko
May tao na dyan?Hari:
Nakakainis ka TvT
Oo, meron na.
Si Kaiserthon, siya palang.
Paano 'to nakakatagal dito mag-isa
'Di ba siya natatakot?Nadia:
Matatakot nga multo sa inyoHari:
Baka may social anxiety yung multo.
Hay same.Nadia:
Nakakatakot lang presence niyo pareho 🤭Faith:
Cleaner ka ba hariHari:
Today?
'Di ah. Wednesday ako.Faith:
Bakit ka may dalang walisHari:
Ha? Pano mo alam
Nasa school ka na?
Bakit hindi tayo magkasamaFaith:
Bumibili ako sa cafeteria tapos nakita kita
Alangan habulin kita 'di ba sino ka baHari:
ANG PAPAIT TALAGA NG UGALI NIYOFaith:
Joke lang. Labyu
Hinihintay ko kasi sukli ko. Walang barya kaya sabi ko babalikan ko na lang mamaya
Bakit ka nga may dalang walisNadia:
H'wag mo awayin baby ko FaithHari:
THANKS NADS 😞<3Nadia:
Ikaw ba baby koHari:
:---(((
Ayoko naNadia:
SYEMPRE IKAW
BABY KO YAN SI HARI
Faith h'wag mo nga awayinFaith:
Ok ok hindi na
So bakit ka may walisNadia:
'Di niya talaga bibitiwan yang walis. Sagutin mo na nga HarrisonHari:
Ilalagay ko rito sa room.
Ang mahal mahal ng tuition tapos yung walis hindi nakakawalis.Faith:
Ang bait naman ng baby naminHari:
Heh. Kadiri.
Bahala kayo dyan, ngayon baby niyo ako.Faith:
Nagtatampo ka ba
Tingin ka sa pintoNadia:
UY ANONG MERONHari:
Binilhan niya ako corn dog hehehe.
Ganitong apology lang tatanggapin ko ha
Nadia, take notes!
Delivered