005

17 2 2
                                    

Messenger

Jackson Montemayor
Today 12:09PM

Hari:
San ka?

Jackson:
Room lang babe
Bakit?

Hari:
Pasalubong. Galing kami Baguio 'di ba

Jackson:
O.. oo nga pala
Ako na punta dyan sa inyo babe

Hari:
Nasa labas na ako ng classroom niyo.
But balik na lang yata ako mamaya. May ginagawa pa yata kayo ni Janine.
Sent


good girls ft. hari bad girl
Today 12:17PM

Hari:
Hiii
Naglunch na kayo?

Nadia:
Nandito palang sa cafeteria. Haba ng pila
San ka? Bigla kang nawala

Hari:
Ah.. binigay ko pasalubong ni Jackson.

Nadia:
"Ano sabi?" Pinapatanong ni Faith
Lowbatt siya e

Hari:
Ayun.. nakita ko silang sa sulok ng classroom ni Janine.
Magkausap.
Ewan ko kung usap lang pero ayokong i-overthink.

Nadia:
Anong ginawa mo

Hari:
Took a photo.

Nadia:
Ha?

Hari:
Hala. Hindi ko pala nasabi sa inyo?

Nadia:
GIRL HINDI
ANO YAN

Hari:
Kasi
Nung nagstart manglamig si Jackson and napansin kong nawawalan na siya ng time and interest
Naka-gather ako ng mga screenshot tsaka photos nila ni Janine na magkasama.
Hindi rin naman ako nahirapan kasi may nagsesend sa akin ng photos nila together.

Nadia:
OMG
IPOPOST MO BA SA FB
Remind me not to get on your bad side. Ayokong sumikat sa maling paraan

Hari:
Uy hindi ko ipo-post hahahaha.
Nilagay ko sa isang gdrive. Ise-send ko sa kanya.

Nadia:
So, hindi mo pa nasesend?
Si Faith yan ^

Hari:
Hindi pa.

Nadia:
Ano pang hinihintay mo

Hari:
Timing?

Nadia:
Gaga 'di pa ba enuf resibo mo
Ilan na yan?

Hari:
70+
Kasama screenshots ng comments nila sa posts na naka-hide sa'kin.
Tsaka yung mga ini-story ng friends ni Jackson and friends ni Janine.

Nadia:
OMG
Paano mo nakikitaaa if naka-hide sa'yo

Hari:
May nagsesend nga sa'kin lagi 😭
'Di ko nga kilala, e. Dump account lang.
Last na sinend niya sa'kin, yung sa mall pa last week.
Tapos may mga story ng friends ni Jackson tsaka posts.

Nadia:
OMG...?
Sino kaya yan
Baka friend lang din ni Jackson? Hindi kaya?

Hari:
Ewan... hindi ko masabi or makilala kasi photos lang sinisend niya.
Kapag sinusubukan ko siyang kausapin, sini-seen lang ako TvT
Anw, puntahan ko na lang kayo dyan.

Nadia:
Stay ka na muna sa classroom
Pag-order ka na namin, dyan na rin kami kakain
And may bayad 'to

Faith:

Faith:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Seen

Today 5:47PM

Faith:
Potek Harrison nasaan ka na naman
Tuwing break at lunch nawawala
Pati ba naman tuwing uwian

Hari:
AY SORRY
May meeting student council e.
Uwi na ba kayo?

Nadia:
Sinundo kami ni Aidaaan
Gala sana tayo :(( pero bukas na lang para kumpleto tayo

Hari:
Yaaaay sigeee.

Faith:
Pano ka uuwi?
Sunduin ka ba ni Tita Amy?

Hari:
Hindiii. May pinuntahan sila ni Evie, e.
Nandito pa naman si Jackson.

Nadia:
Sige, ingat kayo
Naka-motor si Jackson 'di ba?
Sure ka ba Hari

Hari:
Kung hindi kay Jackson, pwede naman akong mag-book ng ride.
Sige na. Start na meeting namin.
Nandito Kaiserthon katabi ko TvT

Faith:
Ay, treasurer siya 'di baaa

Hari:
Oo. May pinapagawa si Pres sa'min huhu.
Kami raw maniningil sa ibang officer.
'Di ba dapat auditor kasama niya don ???!

Nadia:
Chile. At least tahimik lang si Kaito 'di ba
Kahit irapan mo yan nang irapan, baka hindi pa niya mapansin 🤭

Hari:
Matutuyuan ako laway dito.

Faith:
Magdala ka na lang tubig
Ayaw mo rin naman yan kausapin

Hari:
Tama.
Faith, you're so bright, no.
Bakit 'di ka na lang maging light bulb

Nadia:
NAIIMAGINE KO
UMIILAW NOO NI FAITH

Faith:
GRABE HINDI NAMAN MALAKI NOO KO

Nadia:
WALA AKONG SINABING MALAKI

Hari:
Faith, sa'yo nanggaling yan 😭
Sent

Always, Right?Where stories live. Discover now