FOUR

Nakatingin lang ako sa magkahawak naming mga kamay habang sya ay naglilibot at namimili ng palabas sa sinehan na gusto nyang panuorin.

Hindi ko alam pero hindi ako pumapalag everytime she holds my hand.

It's like as if, matagal na namin tong ginagawa before at matagal na kaming nagkasama.

Pilit kong iniisip kung saan ko ba sya nakilala or kung nagkakilala na nga ba kami dati? Pero hindi at wala talaga akong matandaan.

Atsaka, bakit ko nga ba iniisip yun? Imposibleng makipagkaibigan ako sa baliw na to. Hindi pa ko nababaliw.

Wag na kayong magtanong kung bakit kami magkasama ngayon..

Natatandaan nyo pa naman siguro yung sinabi nya sa Chapter 3.

*Flashback*

Ngumiti sya at sa gulat ko, niyakap nya ako.

Tangina! Baliw talaga sya!

Ewan ko pero gumanti ako ng yakap at bumulong sakanya, "Kung sino ka mang baliw na babae ka, magagantihan din kita sa panghihiya mo saakin." banta ko sakanya.

She whispered back, "Pagagantihin naman kita e, pero bago yun kailangan mo muna akong i-date."

"No way!"

"Yes way."

*End of Flashback*

Naalala nyo na? Good.

Bakit ba ang tagal nya mamili ng panunuorin? Gusto ko ng matapos to at makaganti sakanya.

"Ano na?" tanong ko nung huminto na sya sa pagtingin-tingin.

"Ah, Hehe.. Aero..?"

"Hm?"

"Mag World's of Fun nalang muna tayo." nakangiti nya pang sabi saakin.

"Puta. Ang gulo mo! Una ayaw mong sabihin pangalan mo, pangalawa nagyaya ka manood ng sine, and now you're telling me na mamaya nalang tayo manood at mag WOF nalang muna tayo??" badtrip na tanong ko sakanya.

Ang tagal kaya naming paikot-ikot kakatingin nya ng mga palabas. Tapos sasabihin nya, mamaya nalang? Nakakagago lang.

"Ano bang problema mo? E sa pagkakatanda ko, ako naman gagastos lahat ah. Nagrereklamo ka pa dyan. Halika na." hila nya saakin pagkatapos.

Wala na kong nagawa. Nakalimutan ko kasing SIYA nga pala ang gagatos. Tch. Imba men!

February 14 (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon