SEVEN

"Kuya, pumayag ka naaa.."

"Ayoko."

Kanina pa ko kinukulit ni Aeth na makipagkita sa pinsan daw ng kaibigan nya. Na more like ay makipag 'blind date'.

"Kuya, Valentines naman ngayon e.. tsaka wala ka namang date, wala ring magagalit kaya pumayag ka na."

"NO."

"Hay nakuu kuya, don't tell me.. Si Feb.14 pa din? Ghad! It's been 3yrs. Uso mag move-on, try mo."

Takte! Kung hindi ko lang to kapatid kanina ko pa to nabatukan.

Pinaalala na naman kase yung babaeng yun.

3yrs..

Tatlong taon na din pala nakakalipas.

Asan na kaya sya?

After nung date na yun 3 years ago. Hindi ko na sya nakita.

Bumalik ako sa store kung saan kami unang nagkita kinabukasan. Hoping na baka andun sya.. pero wala. Ni anino nya, wala.

Hindi ko alam pero hindi ko na sya makalimutan pagkatapos ng araw na yun. It's like as if she awaken something inside me na hindi ko alam kung ano.

Am I inlove?

I don't know..

Nagkaroon naman ako ng mga girlfriends after that pero hindi din mga nagtatagal.

Lagi kaming nagkakaproblema.

Palagi akong may nakikitang mali sakanila.

That's why I really don't know kung anong nararamdaman ko para kay Feb.14.

Atsaka may isa pang katanungan saakin na gusto ko mabigyan ng kasagutan.

Hindi lang pala isa, nadami.. Isa na dun ay kung paano nya nalaman ang buong pangalan ko.

Nung sumunod na taon, Valentines Day, bumalik ulit ako sa store na yun pero wala pa rin sya.

Last year, I also did the same.. as usual, hindi ko pa din sya nakita.

And now..

Today, Feb.14. Another Valentines Day. Plano ko sana ulit bumalik sa store kung saan ko sya nakita..

Kaso, mukhang di ako matutuloy ngayon . Panira tong si Aeth, masyadong makulit.

"Move on? C'mon, Aethellia Mikael Sandoval. You very well know na hindi naging kami. Ni hindi ko nga kilala yung tao, why would I move on?"

"Ew, kuya! Drop the Mikael will you?" she said rolling her eyeballs. Ang arte.

"Tss." itinigil ko ang paglalaro ng xbox atsaka tumayo.

"Kuya! Where are you going?!"

"Saan at anong oras?" walang gana kong tanong sa kanya.

"You mean.. waaaah! sa Kameha Mall, 2 o'clock. Antayin mo nalang sya dun. Thankyou Kuyaaaaaa!" mahigpit nya akong niyakap pagkatapos.

Kung hindi ko lang talaga to kapatid. Tsk!

February 14 (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon