Start of Season 2
[A/N: Di ko na hiniwalay dahil continuation lang naman talaga. Hohoho.]
Red's POV
Hindi ko naman akalain na dito ako pag-aaralin ni Mama. Ang nakakaloko pa doon eh dito rin nag-aaral sina Sab. Nakita ko kasi yung picture ni Cyrus sa isang bulletin board. Humagalpak nga ako sa kakatawa nung makita ko yun. Sikat pala si mokong. Sayang, hindi ko kaklase si Sab.
Sab. Sab. Sab. Ang galing din naman ng babaeng yun. Hindi na ako pinapatulog gabi-gabi. Feeling ko tuloy first kiss ko siya. Grabe, ang kamandag. Sumakit puso ko doon ah.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~"
Ang sarap naman ng tunog na yun. Mga babaeng tumitili kapag nakikita ako. One of the most beautiful sound in the world.
Hindi ko pa rin talaga maalis ang pagka-gwapings ko. Kasalanan ito ng parents ko.
"Okay, class. That's all for today. Be sure to bring your requirements tommorrow."
"Yes, Ma'am."
Hay salamat. Natapos na rin ang first day of school.
"Red, right?"
Wow. Ang ganda naman.
"Yep!"
"Uhm..."
Ui, si Sab ata yung dumaan ah.
"Sige, nice meeting you classmate."
"Ugh..."
Tapos nagmadali na akong tumakbo. Nasaan na yung babaeng yun? Ayun, sa may locker malapit sa stairs. Takbo naman ako.
"Hi, miss."
"Bye, sir."
"Oi, bakit ka naman suplada? Parang hindi tayo magka-text gabi-gabi ah."
"RED!"
Hehe. Inaamin ko na lagi ko siyang tinetext. Eh sa nagrereply naman siya. Alam ko na ang kahinaan niya. May paraan na ako para mag-reply siya. Iba talaga si Sab. Hindi siya yung mag-rereply dahil sinabihan mo siya ng maganda. Mag-iinarte pa yan tapos hindi na mag-rereply. Kaya ayun iba ang approach ko sa kanya. Buti nga hindi pikon eh.
"Oh, wag ka ng magalit. Hatid na kita."
"Baliw ka na ba? Sabay kami ni Jas."
"Eh di hatid ko na kayong dalawa. O baka naman kasabay mo si Cyrus."
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?