Unknown 05: 2nd Day: 1st Meet Up?

6 0 0
                                    

Charm's PoV

@ Condo w/ the girls

"So girl, ano ang sabi ni Sir Zyler? Bakit daw nagkaganon?" Tanong ni Trix. Haha! Natatawa talaga ako dito kasi magmomove one na daw sya. Hmm. Lets see..

So, ayon kinuwento ko sa kanila ang napag usapan namin ni Kuya sa Shop.

"Eh pano naman nya naging fiance yung Drakes na yun?" Tanong ni Nace.

"Yun na nga eh. Psh! Sabi niya di ko na daw kailangan malaman! Grrr! Nag iinit talaga ang dugo ko don sa babaeng yun!" Galit kong sabi.

"Naku girls! 10:00 pm na! Matulog na tayo maaga pa tayo bukas." Trix

"Yeah! Goodnight girls!" Paalam ko sa kanila sabay plakda sa kama ko.

Zzzzzzzzzzzzzz....

-----

"Gisingin nyo na!"

"Psh! Mag isa ka! Gusto ko pa mabuhay no! Pakakasalan ko pa ang prince charming ko! Ikaw na manggising dyan Trix! Tutal basted ka naman ng prince charming mo eh!"

"Oi. Oi. Nananahimik ako dito tapos papakelaman nyo ko? Tss! Wag ganun 'dre!"

"Ayan ka na naman sa pagkatibs mo Trix eh!"

"Hoy anong tibs! Suntok gusto mo?"

"Hey guys! Ssshhh!"

"Ano ba yan! Natutulog ang tao eh!" Sigaw ko sa mga bruhildang nandisturbo sa aking beauty sleep.

"Hoy bruha! Anong oras na naghihilik ka pa? Tengene! Nakabihis na kami't lahat lahat tulo laway ka pa? Baka naman plano mong maligo na dyan at 6:30 na?" Pangangaral pa ni Nics.

"Oo na po Manang Nics!" Pang aasar ko pa sakanya sabay takbo sa banyo! Bwahaha! Para kasing manang kung makapangaral eh!

-----

Pagkatapos ko maligo kumuha nalang ako ng tinapay at uminom ng gatas na tinimpla na ni Vain para sakin pagkatapos ay sumunod na sa kanila sa kotse.

"Sa wakas after 123456789 years lumabas na rin sa kanyang palasyo ang munting prinsesa! Psh!" Sabay irap pa ni Nics.

"Anong problema ni Manang?" Pabulong kung tanong kay Ace.

"Ewan ko sayo! Manang ka kasi ng manang! Ayan tuloy nagalit si dragona! Bwahaha!" Sagot pa niya na mukhang narinig ni Nics.

"Dragona your face! Sa ganda kong to?" Tingnan mo to! May pagkabipolar ata! Kanina lang parang dragon ngayon naman lalagpasan pa ata ang hangin ni Yolanda! Psh! Ang yabang!

"Ehem! Excuse me bess! Kung may maganda man sa ating lahat, well im very proud to say na----" di ko na natapos pa ang sasabihin ko ng may sumabat na asungot!

"Ako yun! Ang dyosa ng ating grupo! Walang iba kundi ang nag iisang si Nace Dein!" Proud na sabi pa ni Ace!

"Hoy! Ako kaya!" Ako

"Ako nga!" Nace

"Ako!" Giit ko pa.

"Hey kids stop that! Para talaga kayong bata! Para walang away magaganda tayong lahat!" Sabi pa ni Leigh.

"I know right!" Sang ayon din ni Trix.

"Hahaha! Eh di tayo na conceited!" Tatawa tawang sabi ni Nics.

Nagtatawan lang kami hanggang sa makarating kami sa school.

-----

@Premium Section Classroom

The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon