Hindi yan ASO. AAWANG yan!
WARNING❗
Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa aswang o magpapasalamat dahil sa nangyari. Itago mo nalang ako sa pangalan na Roben.
OFW ako at may kasintahan ng dalawang taon. Sexy at maganda itong si Mitch kaya naman nangako ako sa kanya na after 1 year ko sa Japan ay magpapakasal kami. Syempre hindi ko na sya papakawalan.
Pauwi na ako nang pinas at syempre pina alam ko sa kanya.
"Ano?!" gulat na tanong nya na ipinagtaka ko."S-Sige...kami ni pareng Rodel susundo sayo"biglaan bang naging malumanay ang boses n'ya. Baka naiirita lang dahil alas tres pa ng umaga ako tumawag. Doble ang saya ko nang marinig na sasama si Rodel. Magkababata kami nun at bestfriend.
Nang makita ko ang aking soon to be Misis ay kaagad ko s'yang niyakap. Hinalikan ko s'ya ngunit ngumisi lamang s'ya at hindi gumanti. Baka naninibago lang. Kinagabihan ring 'yon ay nag-inuman kaagad kami ni Rodel. Sampung case ng Red Horse ang nilaklak namin.
"Pare wala nang pulotan"lasing na wika ko kay pareng Rodel.Hindi s'ya sumagot dahil nalunod na sa alak. Maya-maya ay may narinig akong pagaspas ng ibon. Masyadong malakas ang tunog para sa isang ibon kaya nagtaka ako. Tipsy lang ako dahil malakas ang tolerance ko sa alak. Maya-maya ay may narinig akong pagaspas sa may malaking puno. Dahil naka inom ay biglang kumulo ang aking dugo.
"Tumahimik ka nga! ang ingay mong ibon ka!"malakas kong sigaw kaya nagising si Mitch. Lumabas s'ya para tignan ang nangyayaring kagulohan. Sinigawan nya ako dahil ang ingay ko raw. Hindi ko nalang s'ya pinansin at ibinaling ang tingin sa malaking puno.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang may makita ako. Isang anino nang tao na nakatayo sa may sanga. Nakaharap lang s'ya sa kwarto ni Mitch at hindi gumagalaw.
"P-Pre aswang"bulong ko kay Rodel na malapit nang mahulog sa upoan.
"Nays wan! gawin nating pulotan"wika nya sabay pikit. Bumagsak s'ya sa upoan at gumulong-gulong sa lupa. Hindi ko nalang s'ya pinansin at binalik ang tingin sa anino ngunit bigla itong nawala. Hindi ko nalang pinansin dahil ang inisip ko nun ay namalik mata lang ako.
Pumasok ako sa loob at binuksan ang pinto ni Mitch . Isang taon din akong nangulila at nais ko nang maka puntos sa kanya. Ngunit laking gulat ko nang hindi n'ya ako pansinin at gumulong lang paharap sa dingding.
"TSK. lasing kana. matulog ka nalang"
"Naku..mas mainit pa tong nararamdaman ko kaysa sa ulo mo"mahina kong bulong bago bumigat ang aking mga mata. Biglaang nandilim ang aking paningin.
Nung sumunod na gabi, habang natutulog kami ay may biglang bumagsak sa bubong. Na naging dahilan para akoy magising. Pipikit na sana ako para bumalik sa pagtulog ngunit may tunog na naman akong narinig sa itaas. Parang tao na palakad-lakad lang sa bubong. Kaagad ko namang tinungo ang labas at pilit na sinisipat ang itaas ng bubong. Baka kasi may magnanakaw.
Ngunit laking gulat ko nang mapansin ko ang hitsura nang nasa itaas. Parang babae dahil mahaba ang buhok pero malapad naman ang mga braso na parang lalaki. Palakad-lakad lang s'ya habang nakayuko at para bang may hinahanap sa bubongan.Napansin kong nakahubad s,ya nang humarap s'ya sakin.
"Putang*nang manyak ka!"sigaw ko sabay bato ng kahit ano sa kanya. Kaagad naman s'yang tumalon sa malaking puno at biglang naglaho. Isang maitim na ibon lang ang lumipad palayo at wala nang tao sa puno.
Kinaumagahan ay gumising na naman akong bad trip. Pangalawang gabi na at hindi pa rin ako naka puntos kay Mitch. Umalis ako nang araw na 'yon para mamigay ng invitation cards. Hindi sumama si Mitch dahi masakit daw ang kanyang ulo. Gabi na nang matapos sa pamimigay. Napasarap kasi ang kwentohan namin ng iba kong kamag-anak.
Alas onse na siguro 'yon ng gabi nang makita ko si MItch sa may pinto na may hawak na pinggan. Palingon-lingon sa paligid na para bang may hinahanap.
' Oh mahal. sino hinahanap mo?" pagtataka kong tanong sa kanya.
"Ah wala. yung maitim na aso lang. Ipapakain ko sana itong mga buto."
Napakamot ako nang marahas. Maitim na aso? Eh wala kaming alagang aso. Inisip ko nalang na may nagbigay ng aso samin. Umupo ako sa may sala at hinayaan si MItch sa kanyang ginagawa. Mahirap na. Baka magalit na naman at hindi ako pagbigyan.
"Ayan na 'yong aso"wika n'ya sabay lakad palabas. Agad naman akong napabalikawas mula sa upoan at mabilis na lumabas. Nanlaki ang aking mata nang makita ang Aso.
Maitim! NAPAKA ITIM na aso!.
"HINDI YAN ASO! ASWANG YAN!"mabilis kong hinila papunta sa loob si Mitch . Kitang-kita ko paano binuka ng aso ang napakalaki nitong bibig sabay takbo samin. Kaagad kong sinara ang pinto. Hindi naman pinilit ng aso na makapasok sa loob.
Dahil sa TATLONG beses na pang-aaswang na 'yon ay napatunayan kong tama ang aking hinala. Cancel ang kasalan namin ni Mitch at hiniwalayan ko s'ya. Hindi ko lubos maisip na magagawa n'ya ito sa akin. Pinalayas ko s'ya sa bahay. Hindi na rin nagpakita si pareng Rodel matapos nyang malaman ang ginawa ko kay Mitch. Isang buwan na akong lulong sa alak at sigarilyo. Tanging mga hikbi lang ng kalungkotan ang maririnig sa buong bahay. Malaki ang pasasalamat ko sa aswang dahil may nalaman akong isang bagay.
Bagay na matagal tinago ni Mitch sakin