Totoo ba ang mga aswang?!
(REAL LIFE ASWANG STORY)
WARNING❗❗❗ MASYADONG NAKAKATAKOT AT BAWAL SA MGA MAHIHINA ANG LOOB❗ANG KWENTO NA ITO AY PERSONAL NA KARANASAN NG ISA SA MGA SENDER
"Totoo ba ang mga aswang?"lagi kong naririnig sa panahong ngayon. Ang kwentong ito ang magpapatunay na totoo ang mga aswang. Nangyari ito noong ako ay nasa college pa. November 2001 sa isang lugar sa Cebu. May isang lugar sa Cebu na kilala noon na pugad talaga ng aswang. Itago mo nalang ako sa pangalan na Roi. Hindi ko na babanggitin ang lugar dahil ibang-iba na ito ngayon.
Biyernes nang umaga, at napagdesisyonan naming mag tropa na mag hiking. Nasa paanan lang nang bundok ang bahay ko kaya hinintay ko nalang na dumating silang dalawa. Sigaw nang sigaw si mama nun kasi nga ayaw n'ya kaming umakyat ng bundok. Kilala kasi ang bundok na 'yon bilang pugad ng mga nilalang na kumakain ng laman. In short, aswang.
Sa kabila nang pagsagabal ni mama ay nagpatuloy pa rin kami. Total, umaga pa naman at wala naman sigurong aswang kapag umaga. Isang paniniwala na sa kalaunan ay pinagsisihan ko. Narating namin ang pinakamataas na parte ng bundok nang tanghali. Nagpasya kaming doon na muna magpahinga at kumain. Pero napakamot kaming tatlo dahil pagbukas namin ng bag, wala pala kaming baon.Ang tanga talaga namin.
"Nagugutom na ako pre, parang gusto na kitang kagatin"biro ko kay Arnel. Binato naman n'ya ako ng sanga at nagkunwari na natatakot.
"Umayos kayo. Wala na tayong lakas para bumaba. Kailangan natin ng pagkain"wika ni Cris. Napatigil kami nang may umusok mula sa ibaba. Walang amoy ang usok pero sigurado kaming bahay 'yon. Isang bahay na may maraminh tao ang bumungad sa amin. Masayang nag uusap ang mga tao at parang may handaan. Kumukulong tubig mula sa malaking kawa ang nasa gitna ng kumpol na tao.
"Jackpot! May handaan. Makikikain tayo"masiglang wika ni Arnel. Babaeng maputi at may kulubot sa mukha ang sumalubong sa amin. Bahid sa kanyang mukha ang labis na kagalakan. Hindi namin siya kilala kaya labis ang aming pagtataka.
"Upo muna kayo dito habang hinahanda ang pagkain"wika n'ya sabay ngiti ng malaki. Ngumiti lang ako nang pilit at tumango. Umalis na ang babae at naiwan kami sa isang silid. Sa silid may pinto papunta sa labas at isang pinto sa gilid. Naiihi ako kaya nagpasya akong lumabas ngunit hinarangan ako nang isang lalaki at pinaupo. Nakangisi rin s'ya nang malaki ngunit may napansin akong kakaiba.
Halos hindi maubos ang laway na umaago mula sa bibig ng lalaki. Agad akong nagkwento sa dalawa ngunit tinawanan lang nila ako. Tumingin ako sa ilalim ng sahig at bigla akong napatalon. Ang bahay kasi ay gawa sa kahoy at kawayan pero malaki. Biniyak na kawayan ang sahig at kitang-kita ko sa ilalim ang isang batang nakatingala. Nakangisi rin s'ya at biglang nagwika.
"Ulam"wika n'ya sabay turo sa'kin. Natawa naman silang dalawa at tinukso ang bata. Agad akong naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang isang silid na may malaking mesa. Walang nakalagay sa mesa maliban sa mga malalaking lubid. Kakaiba ang lamesang gawa sa kahoy dahil may kanal ang gilid nito. Tapos sa sulok may butas papunta sa ilalim ngunit isa lang ito. Napakamot ako at nagtaka.
"Para saan naman ang butas"wika ko sa aking sarili. Babalik na sana ako sa kanila nang marinig kong mag wika ang isang malalim na boses.
"Sino uunahin natin sa tatlo. Gutom na mga kasamahan natin"wika ng isa. Agad akong napasilip sa labas at nakita silang nagsasandok sa malaking kawa. Wala pa rin itong laman kaya mas kinabahan na ako.
"Pagsabayin nalang natin" wika ng isa. Hindi na maganda ang kutob ko kaya mabilis akong bumalik sa dalawa. Patawa-tawa lang ang dalawa habang inaasar ang bata sa ilalim.
"Alis na tayo"pabulong kong wika sa kanilang dalawa.
"Bakit? Gutom na ako"labag ni Arnel.
"Asan ang baboy? Diba walang baboy o kung anong kakainin?"mabilisang tanong ko sa kanila. Pabilis nang pabilis tibok ng aking puso.
"B-Baka nakatago sa kusina...d-diba?" Nauutal na wika ni Arnel sabay ngiti ng mapakla. "Diba?"ulit n'ya.
"Galing ako sa kusina at walang nakahain. Tayo ang gagawin nilang pagkain! Aswang sila"pabulong kong wika. Napatigil ako nang pumasok ang babae na may dalang plato na may nakahain na sisig. Napakamot ako dahil wala namang nagluto ng sisig. Ang dalawa naman, naglalaway na sa sisig.
"Busog pa po kami"wika ko sabay ngiti ng pilit sa babaeng matanda. Pilit kong hinaharangan ang babae para hindi makalapit sa dalawa ngunit bigla akong nagutom. Para bang may nagtutulak sa akin para kainin ang sisig.
"Roi!"sigaw ng isang pamilyar na boses. Agad na pumasok ang isang lalaki na may dalang itak"humanda ka sa akin bata ka!" wika ni tatay. Galit na galit niyang tinitigan ang babae. Kasama n'ya ang ibang kapitbahay namin.May dala silang baril at itak. Napangiti naman ako nang makita sila tatay.
"Ikaw awring! Huwag kang magkakamaling galawin ang anak ko! Kung hindi uubosin ko ang lahi n'yo!"sigaw ni lolo. Sa awa nang dyos naka uwi naman kami nang ligtas. Tama nga ang hinala ko. Kung hindi dahil kay tatay at mga kapitbahay namin, marahil naging pagkain na kami ng aswang. Para sa mga kabataan ngayon, makinig kayo sa mga magulang n'yo. Hindi sila perpekto pero ginagawa nila ang mga nakakasakal na bagay para sa kaligtasan n'yo.
Makalipas ang ilang taon, nagpasya ang mayor ng lugar na patayin at palayasin ang angkan ng mga aswang sa bundok. Ngayon po ay napakaganda na ng lugar at kilala na itong pasyalan ng Cebu. Kaya sa mga nagtatanong kung totoo ba ang aswang, alam nyo na ang kasagutan. Salamat po sa pagbabasa at dito ko na tinatapos ang personal kong kwento.
Ingat kayo palagi❤