Kasalukuyang nagbobrowse si Blyther ng mga folders ng resume ng mga teacher applicants. Nakaupo sya sa kanyang swivel chair at seryosong pinag-aaralan ang mga papel ng mga qualified applicants na nakapatas sa kanyang mesa. Namimili sya nang gusto nyang unahing iinterview base sa laman ng papers nito. Nasa labas ng opisina nya ang mga applicants as of the moment at naghihintay lang na ipatawag nya sa kanyang clerk.
Nasa panglimang resume na sya ng kumunot ang kanyang noo at nagsalubong pang lalo ang dati na nyang salubong na mga kilay pagkabasa sa printed name ng applicant sa folder na hawak nya.
PERTINENT PAPERS OF ZANDREAJ ZAMEERAJ R. STA. MARIA.
Binuklat ito ni Blyther at agad tumutok ang mga mata nya sa ID picture na nakaattached sa resume nito. Dumagundong ang dibdib ni Blyther. Agad nagvoice message sa clerk sa labas ng kanyang office.
"Send Miss Sta. Maria in, now."
Hindi mapigilan ni Zandreaj ang pagkabog ng kanyang dibdib ng marinig ang boses sa intercom sa table ng office clerk.
"Miss Sta. Maria?" Tanong ng clerk sa kanya nang makitang sya ang tumayo.
"Yes ma'am." Sagot ng babae.
"It's your turn, please get inside. Good luck." At ngumiti ito sa kanya.
Saglit na chineck ni Zandreaj ang sarili sa mirror glass na dingding ng opisina, humugot ng malalim na buntong-hininga bago humakbang papasok.
Nakayuko at nagbabasa ng papers si Blyther.
"Close the door and have a seat." Sabi nito na hindi nag-aangat ng tingin.
Isinara ni Zandreaj ang pintuan bago umupo sa bakanteng upuan sa mismong harap ng mesa nito. Ipinatong nya ang magkasalikop nyang kamay sa kanyang kandungan at pilit ginawang normal ang kanyang paghinga.
"Your paper says you are a single parent to a two-year old boy?" May pagkumpirma sa boses nito na hindi pa rin nagtataas ng tingin.
"yes sir." Malinaw na sagot ni Zandreaj.
"Why?" Napasinghap si Zandreaj ng mag-angat ng mukha si Blyther at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. Mababakas ang galit doon.
"Vyb..."
"Don't call me that..." Madiing putol ni Blyther sa sasabihin nya pa.
Gumuhit ang matinding sakit sa mukha ni Zandreaj.
"I'm sorry...I'm so sorry...Hindi napigilan ni Zandreaj ang mapaiyak.
BINABASA MO ANG
PRETTY LITTLE DEVIL 2 (He's Ours)
RomanceAfter their SHS graduation, Vyrr Blyther was offered full scholarship as varsity player at the university Dreigh is attending in USA. For four years, he battled against homesickness and longingness for Zandreaj just to fulfill his childhood dream. A...