Hindi ko alam kung papasok ako ngayon knowing what happened yesterday parang wala akong mukhang maihaharap kay Frost.
Nakatayo ako ngayon sa elevator at hinihintay na bumukas ito. Napalingon ako sa gilid ko ng may tumabi sa akin. She looked at me from head to toe before she smirked.
Napairap ako dahil sa ang aga aga attitude agad. Bumukas ang pintuan ng elevator at nauna siyang pumasok so hindi na ako sumakay. Ayokong sumabay kay Aliyah baka ano lang magawa ko sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay nang mapansing hindi ako sumakay. I also raised my eyebrows at her. Ano ikaw lang pwedeng mag taray. Papasara na ang elevator nang biglang umayos ito ng tayo at may kinawayan sa likuran ko. Sinubukan nitong pigilan ang elevator pero huli na siya at nagsara na ito.
Napalingon ako sa likuran ko at agad na napaatras nang mapagtantong si Frost pala ang kinakawayan nito. Humarap agad ako sa pinto ng elevator.
Bwisit naman! Sana pala sumakay na ako!
Huminto si Frost sa tabi ko at hindi ko siya binabalingan ng tingin. I am just tapping my feet on the floor tapos titingin sa taas.
"Good morning" sabi nito pero nagkunwari akong walang narinig para hindi na kami mag usap.
"Good morning, Mrs.
Salvador" tumindig ang mga balahibo ko sa batok nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa ibabaw ng tenga ko. Napaharap ako sa kanya na agad ko namang pinagsisihan dahil super lapit na ng mga mukha namin.His eyes stopped on my lips kaya napakagat ako dito dahil nailang ako sa ginawa niya. Kita ko ang paglunok ni Frost bago siya kusang humiwalay sa akin.
"Go...od Mor....ning sir" nauutal kong sabi dito. Biglang bumukas ang elevator at sumakay si Frost pero parang hindi ko kayang sumabay sa kanya.
"Get in" utos nito nang napansing hindi ako gumagalaw.
"Maghahagdan na lang ako" sabi ko at aalis na sana.
"Oh sige maghahagdan na din ako" sabi nito at lalabas na sana sa elevator pero pinigilan ko ang paglabas niya. Inilapat ko ang palad ko sa dibdib niya. Napapikit ako sa inis dito.
"Fine. Sasakay na" iritado kong sabi sa kanya.
"Sus, tsansing" sabi ni Frost at tinignan ang palad kong nasa dibdib niya na nakapatong. Agad ko yung inalis dun.
"Feeling neto! mas marami pa akong lalaking mas matigas ang dibdib na nahawakan noh kesa sayo" pagsisinungaling ko dito para lang masalba ang sarili sa kahihiyan.
Nagulat ako nang bigla nitong hawakan ang beywang ko at hilahin ako papasok sa elevator. Sunod sunod ding pumasok ang mga empleyado sa loob kaya nasiksik kami sa pinakadulo.
"Tell me you're lying" sabay sabay na lumingon ang mga ulo nang nasa loob ng elevator sa gawi namin dahil sa baritonong boses nito.
Nagpatay malisya ako sa tanong niya. Bahala siya dyan. Eksena ka ah.
"Jezreel Tanya Mercado" tinignan ko siya ng masama dahil sa pagbanggit niya ng buo kong pangalan. Nakabusangot na naman ang mukha niya
"Ano?!" iritado kong tanong sa kanya "mukha ka na namang nalugi sa mukha mo. Ayusin mo nga yan"
Nakarinig ako ng ilang tawanan. Tinignan sila ni Frost at mabilis silang nagsipag iwas ng tingin. Lalong kumunot ang noo ni Frost nang tumingin sa akin. Tumagilid na ito para maharap ako.
Ang aga aga naman Frost!! Mamaya mo na ko pakigilin pwede ??
"Tell me you're lying" may diin na sabi nito.