Chapter 7

807 22 0
                                    

Busy ako sa pag aayos ng mga folder na nasa table ko ngayong araw. Ang daming pinapagawa ni Frost dahil may malaking kumpanya silang bibilhin sa Amerika. Kaya naman, heto at tambak kami sa trabaho.

Napahilot ako sa batok ko nang makaramdam ng ngawit at pagod. Napaayos ako ng upo nang makita si Summer na may kargang napaka cute na bata na papalapit kasama ang isang magandang babae. Bigla akong kinabahan pero naglaho naman yun nang bigla itong ngumiti sa akin. Bahagya pa akong nagulat dahil ang huli naming pagkikita ay bakas dito ang inis sa akin.

"Good morning Jezreel. How are you?" bati nito sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Napalunok muna ako bago sumagot.

"Good morning sir. I'm good po" nauutal kong bati sa kanya.

"This is my wife, Jeah and our daughter Winter. Winter, say hi to your tita Jez" pakilala ni Summer sa cute na bata.

Tumayo ako para sana kamayan si Mam Jeah pero nagulat ako ng yakapin ako nito at halikan ang pisngi ko.

"Welcome to the family" nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. "Hi Tita Ganda!" bati sa akin ni Winter.

"I would like to apologize how I reacted last time. We were all shookt with the news kaya nadala lang ng emosyon. I hope you understand"

Mabilis akong umiling dito.

"No worries po. I understand. Lahat naman po ata tayo nagulat" sagot ko dito.

"What are you saying to her?" seryosong tanong ni Frost pero lumambot agad ang tingin nito ng makita si Winter. Lumapit ito kay Jeah at hinalikan ang noo Bago kinuha si Winter kay Summer.

"I miss you Tito Frost! You're too busy. You don't have time for me na po" reklamo ng bata sa kanya.

"Sorry, princess. Bawi si tito soon" sabi nito sa pamangkin.

"I was apologizing to Jez for what happened last time" kalmadong sabi ni Summer.

"Buti naisipan mo" masungit na sabi ni Frost. Napangiti na lang si Summer bago sinuntok ng pabiro ang kapatid sa braso.

"By the way, iwan ko muna si Winter. May lalakarin lang. Busy yung dalawa eh and Winter is really missing you. Pagtulungan niyo na muna ni Jez. Practice na din in the future" tumatawang sabi ni Summer bago lumingon sa akin.

Agad akong nag iwas ng tingin sa kanila dahil sa hiya na naramdaman.

"Summer! Ikaw talaga" saway ng asawa nito "Don't mind him Jez" ngiti sa akin ni Jeah. Tumango lang ako dito.

Hinatid ni Frost at Winter ang mag asawa. Bumalik ako sa pagt trabaho para kahit papaano ay mabawasan ang gawain ko.

"Tiiittaaaa Jeeeeezzzzzz" napalingon ako sa matinis na boses ni Winter na ngayon ay tumatakbo na nakataas ang dalawang kamay papunta sa akin. Nginitian ko siya at sinalubong ng yakap.

"Let's go out po" yaya nito sa akin. Hindi agad ako nakasagot dito dahil nakita ko ang tambak kong trabaho.

"Leave it. Hindi ka titigilan ni Winter hanggat di ka umuoo" sabi lang ni Frost habang pinapanood kung paano pilit na umaakyat si Winter sa kandungan ko.

"Tita Jez up" sabi nito nang hindi siya makaakyat. Napangiti ako nang makita ang magandang mata ng bata. Kinarga ko siya at inupo sa kandungan ko.

"Where do you want to go?" tanong ko dito.

"Starcity" sigaw nito. Lumapad ang ngiti ko dahil matagal ko na ring gustong puntahan yun.

"Is that our baby Winter?" sabay sabay kaming napalingon sa boses ni Aliyah. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit at kunin nang walang pasabi ang bata sa akin.

Salvador Series #2: Melting His Frosted HeartWhere stories live. Discover now