A smile is plastered on my lips as I entered the building. Iba ang saya na dulot ng pag amin ni Frost sa akin kagabi.
Lalong lumapad ang ngiti ko nang pagbukas ko ng pinto ng office ay ang gwapong mukha ni Frost ang nakita ko habang may kausap na katrabaho.
Nagtama ang mga mata namin. I smiled and winked at him bago siya lagpasan. Nagulat ako nang bigla nitong hawakan ang palapulsuhan ko bago ako iharap sa kanya.
Inilapit niya ang labi niya sa aking tenga.
"Good morning misis" he playfully whispered on my ears before he quickly planted a kiss on my cheek.
Saglit akong natigilan dahil sa ginawa niya. Napahawak ako sa pisngi ko kung saan niya ako hinalikan. I glared at him bago tumalikod at pumunta sa table ko.
Buti na lang walang nakakita ng ginawa nito dahil busy at konti pa lang ang mga tao.
Inayos ko ang mga folder na nakatambak sa table ko dahil hindi ko natapos gawin.
Napapitlag ako nang biglang may humawak sa beywang ko at ginuide ako papasok sa opisina ni Frost.
Hinampas ko agad ang kamay niya nang makapasok kami sa opisina niya.
"Ano ba mamaya...."
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang patakan niya ng halik ang labi ko. Napanguso ako dahil sa ginawa nito pero pinatakan niya lang ulit ang labi ko nang halik. Napangiti ako nang sa pangatlong paghalik niya ay nagtagal na ang kanyang labi sa akin.
Iniyakap ko ang mga braso ko sa kanyang leeg at ipinulupot naman niya ang kanyang braso sa aking beywang.
Aga aga ang landi mo Frost!
"Did you have a good sleep baby?" tanong nito sa gitna ng paghalik niya sa akin. I just nodded and continued kissing him.
I am so satisfied with his morning kisses.
Sabay kaming napatigil ni Frost sa ginagawa nang may kumatok sa pintuan. Sinuklay ni Frost ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri at humabol pa ng isang halik bago buksan ang pintuan.
"A sorry gift for you" napapikit ako nang marinig ang boses ni Aliyah. Nasa likod ako ng pintuan kaya hindi ako nakikita nito.
Tinignan ako ni Frost at tinaasan ko siya ng kilay. He just smirked at me.
"I'm really sorry sa nangyari kagabi. Please accept my gift love" malandi nitong sabi.
Love? Anong love?! Baduy mas maganda pa rin ang misis and He's taken now b*tch!
Lumabas ako mula sa likod ng pinto at nakita ko ang pagkagulat sa mata ni Aliyah. I sweetly smiled at her before I looked at Frost.
"Baby, I'm hungry. Wala pa akong breakfast" pag iinarte ko sa harapan nito at inilapat pa ang aking kamay sa dibdib niya.
Nakita ko kung paano umikot ang mata ni Aliyah dahil sa ginawa ko.
"Love" tawag ni Aliyah kaya sabay kaming napalingon ni Frost sa kanya. "This is your favorite" at inabot ang paperbag.
Tinignan ko si Frost at pinaningkitan ko siya ng mata.
Subukan mong kunin yan maghanap ka talaga ng bagong asawa!
Napangiti ako nang hindi niya tinanggap ang paper bag. Pumwesto ako sa harapan ni Frost at ako ang kumuha sa paper bag. Humigpit ang hawak ni Aliyah dito na tila ayaw ibigay sa akin. Nakikipagsubukan siya ng tingin sa akin.
Biglang kumalabog ang puso ko nang biglang ipulupot ni Frost ang braso niya sa beywang ko at patakan ako ng halik sa ulo sa harapan ni Aliyah.
Kita ko ang pagkalukot ng mukha ni Aliyah. Lumuwag din ang hawak niya sa paper bag kaya naman nakuha ko yun.