Sulat Sa Panyo (One Shot)

933 39 15
                                    

Sampung taon na rin pala ang nakalilipas ng mangako siya sakin........

"Pangako babalikan kita after 5 years."

"Pangako ko sayo ikaw lang at wala ng iba pa."

"Pangako ko sayo na magpapakasal tayo pagkauwi ko."

Ang lahat ng pangako niyang yun ay napako na dito sa puso ko,ang sakit lang na malaman na hindi na siya muling babalik pa dito sa tabi ko.At ang masakit pa dun ay kinalimutan ka na ng taong kahit kailan ay hindi mo nagawang kalimutan na sa araw araw siya lang ang iniisip mo,ang sakit lang di ba? =(

Pero wala na atang mas sasakit pa na sa tagal ng yun hanggang ngayon umaasa ka pa rin na babalik siya kahit na ilang araw nalang at ikakasal na ako sa taong hindi ko naman talaga mahal.

Yeah Arranged Marriage lang ang lahat,pinaglaban ko siya,ipinaliwanag ko sa magulang ko na babalik pa siya,pero may magagawa ba ako kung ang mismong taong gusto kong ipaglaban ay matagal ka na palang isinuko. 

Nandito ako ngayon sa lugar kung saan kami laging nagkikita,ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.....

Uupo na sana ako ng may napansin akong panyo na nakaipit sa butas nung puno.

Kinuha ko yung panyo at tinignan,akala ko simpleng panyo lang ito na naiwan nung nagmamay ari sakanya pero nagkamali pala ako,dahil may nakasulat sa panyo,kaya naman binasa ko ito.

Dear Lala,

Kumusta ka na? Sana nasa maayos kang kalagayan ngayon,alam mo? Ang hirap,ang hirap  palang mabuhay kapag wala ka.Noong nasa UK ako mas lalo kong narealize na,sa bawat araw na lumilipas mas lalo pa kitang minamahal at sa bawat taon na lumilipas mas lalo kong narealize na ikaw lang talaga at wala ng iba.

Gusto na kitang makasama at makita pero hindi muna ngayon,I'm Sorry.......

-TanTan-

Bigla nalang akong napaiyak,naging triple ang sakit na naramdaman ko ngayon,si Tantan,siya ang childhood sweetheart ko,siya ang first love ko,naiinis ako,kung gusto niya ako makita,bakit hindi pa ngayon? Tantan makipagkita ka na sakin dahil kung papipiliin ako kung sinong dalawa sainyo,ikaw ang pipiliin ko.

Kaya please lang huwag mo na akong pahirapan pa.Sana hindi pa huli ang lahat sa atin.

-----

Bumalik ako kinabukasan,medyo nanlumo ako dahil walang panyong nakaipit doon sa puno kaya napagdesisyunan kong bumalik nalang ulit sa ibang araw,bumalik ulit ako kaso wala ulit akong nakita,at hindi pa rin siya nagpapakita sakin.

Sulat Sa Panyo (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon