AHFOS - 12

4 1 0
                                    

"Hoy Ezerie!". Sambit ni Drick. "Look, ok! I'm Sorry! Hindi ko naman talaga sinasadya." Sambit nya muli

"Sorry mo mukha mo!". Sabi ko bago pumasok sa loob ng bahay. Kairita talaga yung lalaking yon. Magsama sila!

"O, bakit parang nag sisigawan ata kayo ni Drick?". Sabi ni Nanay Cecille. "Wala yon Nay, hayaan na natin sila. Masyado atang napagod maghapon. Ano ano na nasabi". Ani ko.

"Osige, sya Iha mag pahinga kana roon sa kwarto mo kami na ang bahala rito." Ani ni Nay Cecille. Nag paalam na ako kay Nanay Cecille. Para na rin makapagpahinga na ako.

Nang makapasok na ako sa aking kwarto ay nagpahinga muna ako sa aking balkonahe. Binuksan ko ito at naupo upang mag pahangin na rin. Ramdam ko ang simoy ng hangin. Nag isip isip ako ukol sa nakaraan ko. Huwag akong multuhin ng aking nakaraan.

Ano ang kailangan mo Flinth Ryz Savaro. Tapos na, tapos na ang lahat Ryz. Wala na.

Inayos ko na ang balkonahe ko. Pumasok na ako at isinara ito. Ginawa ko ang mga naka gawian ko sa gabi. Nag hilamos ako, nag sipilyo, inayos na ang aking hihigaan at tsaka humiga at nag dasal.

Maya maya ay nakatulog na rin ako dahil sa pagod. Kinaumagahan ay wala namang ganong ganap ngunit pupunta rito ang mga kaibigan ni Driel.

Pag baba ko ay nakita kong abala ang aming mga kasama sa bahay, tinanong ko si Ate Yna kung ano ang ganap.

Dahil sa pagkakaalam ko ay ang mga bisita ay ang mga kaibigan ni Driel. "Ezerie, dadating ang mga kaibigan ni Driel ngunit sinabihan kami na maghanda. Hindi naman ito ganon kagarbo hindi ba?". Tanong nito saakin.tito

"Anong hindi magarbo Ate. Halos ihanda nyo na nga ang lahat". Sabi ko rito. "Hayaan muna, sya mag ayos kana paparating na sila tiyak na mamaya'y mas abala pa kami rito". Sabi ni Ate Yna bago ako iwanan rito sa kusina.

Umakyat ako muli para i'asikaso ang mga dapat asikasuhin. Mamaya ay aalis ako dahil ilalakad ko ang mga papeles na ito sa opisina ni Tito.

Inayos ko ang aking higaan dahil hindi ko pala ito naligpit bago ako lumabas ng kwarto. Pagkatapos nito ay tinignan ko ang orasan alas diyes na ng umaga.

Pumunta na ako sa aking banyo at naligo na. Pagtapos ay nagsuot ako ng Halter Strap pang itaas at Flare sa pang ibaba at sa sapatos naman ay Stiletto  ang aking sinuot. Nag make up na rin ako ng very light.

Bumaba na ako pagkatapos nito, kinuha ko ang mga papeles at nakitang abala pa rin sila para sa mga bisita.

A Heart Full Of SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon