Ipinarada ni Ocean ang kanyang sasakyan sa tabi ng isang makipot na kalye. Wala naman na siyang alam na pwede niyang pagparadahan ng sasakyan niya sa residential area na iyun. At nais na rin niyang maghanp on foot para madali siyang makapagtanong.
Bumaba siya ng kanyang sasakyan at napansin niya agad ang mga mata ng ilan sa mga residente na nasa labas ng mga bahay ng mga ito na nakatuon ang mga mata sa kanya. Alam niya na sinisipat na siya ng mga ito dahil sa isa siyang bagong mukha.
Nagpalinga-linga muna siya pero at magalang siyang tumango sa mga taong nakakasalubong niya ng tingin. At nagpasya na siyang lapitan ang isang matandang lalaki na nakaupo sa isang mahabang upuan na gawa sa kahoy sa harapan ng kulay pula na gate na maraming mga bulaklak. At habang naglalakad siya palapit ay dama na niya ang mga mata nitong nakatuon sa kanya.
"Uhm magandang tanghali po, pwede po bang magtanong?" ang kanyang magalang na tanong sa matandang lalaki. Na nakatingala sa kanya.
"P'wede naman ano iyun?" ang tanong nito sa kanya at halata ang interes sa mga mata nitong pinasadahan siya ng tingin.
"Uhm, alam niyo po ba ang bahay ni Bret?" ang tanong niya. Nakita niyang kumunot ang noo ng matanda at sa sandali na iyun ay bigla tuloy siyang napaisip na baka nickname lang ni Bret ang alam niya.
"Bret, anong...apelyido?" ang kunot noo na tanong nito sa kanya at napatayo na ito mula sa mahabang upuan na kinauupuan nito.
Ocean grimaced dahil sa hindi niya alam ang isasagot sa matandang lalaki at napakamot ang kanyang kanan na kamay sa kanyang noo.
"Uhm pasensiya na po, eh, hindi ko po kasi alam ang apelyido niya, uhm, estudiyante po siya sa Unibersidad de San Clemente, fine arts student po siya," ang tanging sagot niya bilang description kay Bret, "matangakad na chinito?" ang dugtong pa niya.
Nakakunot pa rin ang noo ng matanda at napakamot na ang kamay nito sa medyo kalakihan na nitong tiyan na natatakpan ng kulay puti na suot nitong sando. At dahil sa hindi rin nito alam ang isasagot sa kanya ay nagpatulong na ito.
"Neng!" ang malakas na pagtawag nito at bahagyang humarap pa ito sa bahay na nasa likuran nito para tumawag ng malakas. "Neng!"
"Ano iyun?" ang kunot noo na tanong ng isang matandang babae na lumabas sa harapan na pintuan ng bahay at nang makita siya nito ay mas lalong kumunot ang noo nito na tila ba sinisipat siya ng mga mata nito.
Humakbang ito palabas hanggang sa bakal at kulay pulang fence. Sumilip ito sa mga pagitan ng bakal at sa kanya na nakatuon ang mga mata nito.
"May kakilala ka ba na Bret?" ang tanong ng matandang lalaki na mukhang asawa nito, maputi daw na singkit at nag-aaral sa San Clemente," ang dugtong pa nitong impormasyon. At doon ay nagliwanag ang mukha ng matandang babae at mukhang nakilala na nito ang kanyang hinahanap.
"Ah, yung anak ni Tessa, si Terrence niya, Terrence Piñol ba?" ang tanong nito sa kanya at isang ngwi na ngiti ang kanyang isinagot sa matandang babae.
"Ah si singkit?"! ang gulat na tanong ng matandang lalaki na mukhang nagulat din sa sinabi ng asawa nito.
"Uhm ang totoo po hindi ko po ala, ang alam ko lang po na pangalan niya at Bret," ang kanyang pag-amin.
Tumangu-tango ang matandang babae, "eh siya lang ang alam ko na nag-aaral sa San Clemente at pasok sa deskripsiyon mo," ang dugtong pa nito sa kanya.
"Uhm siguro nga po siya na iyun, saan ko po ba siya, p'wede na punatahan?" ang kanyang magalang na tanong.
"Ay iyun, yung kulay green ang gate na may nakasulat na 1521, dun ang bahay nila, Bret pala ang pagkakakilala mo sa kanya?" ang tanong ng matandang lalaki at tumango siya bilang sagot.
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romantizm"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...