4

886 39 4
                                    

tristan pov

hindi ko maiwasan na mapangisi ng makita ko sya sa aking harapan na titig na titig sa aking mukha

nice to meet you, mi esposa....................ani ko sa kanya, kita ko ang kaba sa kanyang mukha

yumuko at kinuha ang ibang nahulog sa kanyang hawak na mga papel at niligay iyon sa kamay nya

im sorry, hindi ko napansin na nagulat kita.............nakangiting ani ko sa kanya, lalo akong napangiti ng makita kong pumula ang kangyang pisngi

so cute!!!

lalapitan ko na sana sya ng biglang merong humawak sa aking kamay at niyakap iyon, bigla nalang naging blangko ang aking mukha ng makita ko sya

hi! tristan.............magiliw nyang bati sa akin, tatanggalin ko na sana ang  kanyang kamay sa aking braso ng hilahin nya ako papalayo sa harapan ni mi esposa

tumigil kami dito sa tapat ng pinto ng opisina ng aking kapatid pero wala dito si talia dahil kasama nya si tucker ngayon sa brazil para puntahan sila lola lolo doon

hindi na ako sumama dahil ayoko na hindi ko nakikita ang aking iniibig, madali akong nagungulila sa kanya kapag hindi ko sya nakikita

pinuntahan mo ba ako dito?.......kinikilig nyang ani sa akin

hindi ikaw ang pinunta ko dito at isa pa, sinabihan na kita na itigil mona ang mga kalokohan mo dahil kapag paulit ulit mo itong ginawa at napuno ako sayo, hindi ako mag dadalawang isip na patayin ka kahit bestfriend ka ng kapatid ko....................ani ko sa kanya at umalis na sa kanyang harapan

bumalik na ako sa kaninang inalisan namin, pero nadismaya ako ng hindi ko na sya makita doon


luca pov

oh anong nangyari sayo at nag mamadali ka?.............ani sa aking gerome ng makita nya ang ginawa ko

muntikan ko na kaseng mabangga si sir tristang sa office kanina?....................ani ko sa kanya, nagulat naman sya sa aking sinabi

nako nakakatakot nga,mabuti hindi ka nya sinasante kase yung iba napaalis agad.............aniya sa akin

yun nga, sana hindi mangyari.......ani ko sa kanya at niligay sa gilid ng aking mesa yung mga papel

kumuha na ako ng cart at mga plastic container  box na 2500ml yung size para lalagyanan ng mga order tapos isa isa ko doon nilagay yung sampong papel tapos iniwan ko doon yung natitira pang 50 pcs paper doon sa mesa at nag tungo na sa malaking stockroom ng warehouse na ito kung saan kami kumukuha ng mga order

alam nyo ba kung ilan employee ang nag tatrabaho sa warehouse na ito? 300 plus kaming mga nag tatrabaho dito kaya makikita tlag ang lahat ng tao dito ay busy sa kanilang mga ginagawa

habang nag lalakad ako papasok ng stockroom agad kong tinignan ang mga order isa isa at nilagay iyon sa  container kasama ng mga order

umabot ako ng 20 minutes bago ko makuha ang lahat bukod nalang sa huling box, kay miss dina gonzalez from cavite

ang kanyang mga order ay dalawang highlighter na black, isang set ng lipgloss, isang set ng make up brush, isang lip liner, concealer, at limang lipstick na ang mga kulay ay cherry, maroon, dalawang red at pink lahat yun ay nilagay ko na sa box bago bumalik sa aking puwesto kanina

nilagay ko sa gilid ng aking mesa ang cart at nag simula na mag packaging

syempre hindi lang basta basta ang pag papackage namin ng mga order, meron sari-sariling lalagyan ang mga produckto na lalo pang ikinaganda nito at ang pinaka lalagyan nilang lahat ay isang black at silver na box at tatalian pa ito ng ribbon na gold na lalo nang ikinagalante tapos nun ay ilalagay na namin sya sa karton na sakto lamang sa box na iyon at tinape namin ng logo nang talia cosmetics at nilagay na iyon sa gilid ko


ganun lang ang routine ko hanggangs sa umabot na ng 7pm at hapunan na naming lahat, tumigil muna kami sa trabaho at nagpunta sa canteen

kita ko ang buffet table kung saan nakalagay ang sampong ulam na puwede naming pag pilian, ito yung ikinaganda kapag nagtrabaho ka sa pamilya ng mga ty at wilson, libre kana sa pagkain hindi tulad ng iba ay mag babayad ka pa

habang nakapila ako habang hawak ang plato ko, kumuha ako ng kaldereta, sisig, dalawang pritong manok at kanin,  nag tungo na ako sa kakainan kong mesa at nilapag ang pagkain ko doon

umupo na ako at nag simula na kumain, alam kong kumakain na yun sila lorenzo dahil meron pang natirang ulam kaninang tanghali at puwede nila iyong initin, tinuruan ko naman sila kung wala ako sa bahay

kain lang ako ng kain ng makita ko sila gerome at albert na umupo sa tapat ko, ganun lang din ang ginawa nila tulad ng ginawa ko kanina at kumain na

luca invite kita sa birthday ng anak ko sa sabado................ani sa akin ni gerome habang kumakain

sige ba, lalaki ba ang anak mo?............ani ko sa kanya tumango naman sya sa akin

sige bibili na din ako ng regalo nya, 2 year old na pala yung panganay mo ahh...............ani ko sa kanya, ngumit naman sya at nag simula na kaming mag kuwentuhan tungkol sa buhay namin


hanggang sa matapos na kaming mag hapunan bumalik na kami sa aming mga trabaho at ginawa muli ang mga gawain namin



2 hours later.............

nag unat ako ng katawan ng matapos ko na magawa ang aking trabaho, iligpit ko na ang aking mga kalat at hinatid ang mga box sa delivery area namin dito meron mga taong mag aasikaso nito, matapos kong maihatid agad akong bumalik sa puwesto ko at inayos ang aking mga gamit at pinatay ang mga machine na ginamit ko kanina

kinuha ko na ang aking bag at nag paalam na sa iba na aalis na ako, mamayang 12 ng gabi mag sasara ang warehouse, ang iba kase dito at fulltimer talaga mula umaga hanggang gabi

pag kalabas ko ng malaking gate, nag tungo na ako sa malapit na terminal dito at nag pahatid sa terminal ng mga bus para makauwi na ako dahil maaga pa ako papasok bukas sa shop




habang sakay sakay ako ng tricycle kinuha ko ang aking eraphone at nag patugtog dahil gusto ko irelax ang aking pagod na katawan






...............bahay.............

pag pasok ko sa bahay, tahimik na paligid ang sumalubong sa akin, agad akong natungo sa kuwarto at nakita ko ang aking mga kapatid na natutulog sa kanilang kama, kumuha na ako ng damit pang bahay at nag hilamos ng buong katawan pero hindi kasama yung uluhan ko




tbc

 

You rape me! Mr. possessive man ( COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon