Ferdinand POV
Ngayon ang huling araw namin sa ospital bago ma discharge si Imelda
Ilang araw na din ako dito para samahan siya pero umuuwi uwi din ako paminsan para kumuha ng gamit
Nakikita ko ang labis nitong pagkalumbay sa nakunan naming anak
Kinakausap ko din ito pero hindi niya ako pinapansin
Nakikita ko rin sa iba't ibang mga pahayagan na lumabas na ang usap-usapang buntis si Imelda at nakunan. Tuwing naaalala niya ito ay ulit nanaman tong iiyak
Kahit gaano ko pa ito gustong lapitin ang yakapin ay hindi niya ako pinapayagang lumapit sa kaniya. Ang tangi at maaari ko lamang gawin ay samahan siya
Pumasok si Pacifico sa kwarto
"Ito na ang mga papeles. Sign here and here" turo turo ni Paco sa mga papel at pinirmahan ko din ito
Habang nagpipirma ako ay may dumating din sa kwarto na wheelchair
Nilapitan at inalalay nila si Imelda papunta sa wheelchair
"Ako na jan" pasabi ko sa nurse
"Kuya, may mga media sa labas. Maghinay hinay kayo" paalala sa akin ni Paco
Kinuha na din ng mga katulong ang mga gamit sa loob at tuluyan na kaming umalis papalabas
Paglabas ay marami ngang mga tao. Tiningnan ko si Imelda at ngumiti lamang ito na parang walang problema. Isa-isang mga journalists ang lumapit at nagtatanong
"Kamusta na po ang baby madam?"
"Asan na ang baby?"
"Wala na ba?"Nakikita kong unti-unting nawawala ang ngiti sa mukha ni Imelda nang pinaalala nanaman sa kaniya ng mga tao ang nalaglag na bata
"Paalisin mo na yan. Tama na ang mga tanong" bulong ko sa aking gwardiya at bilis na kaming lumabas papuntang sasakyan
Pagadting sa sasakyan ay sinigurado ko kung okay lang ba siya
"Are you okay, sweetheart?" tanong ko. Hindi ito umimik at biglang tumingin sa kabila
Sa buong byahe, mula hospital hanggang sa palasyo ay hindi niya talaga ako kinausap
-
Pagdating namin sa palasyo ay una akong bumaba para kunin ang wheelchair. Bumalik na ako sa tapat ng pintuan ni Imelda para kunin siya pero bigla itong nagsalita
"Pedro, can you please accompany me inside?" pasabi nito sa isa naming gwardiya
Lumingon naman sa akin si Pedro at tumango lamang ako at siya na ang nagpasok kay Imelda sa loob habang tulak tulak ang wheelchair
"Mr. President, there has been a call for you hours ago waiting for your response" paglapit sa akin ni Enrile
"Tungkol saan?" tanong ko sa kanya