Bago kami makapunta sa silid niya naglakbay muna kami ng ilang milya, nasa kabilang ibayo pa kasi ng mundo ang kwarto niya. Choss lang.
Nasa ibang building yung kwarto ni Zhemrel, hindi talaga mismo sa lugar ng palasyo. Nang makarating kami sa building ng kwarto niya, nadadaanan pa namin mga ibang knights na nagsasanay.
Napapatigil at napapalingon sila sa sobrang kagandahan ko. Charot!
Napapatigil sila sa mga gingawa nila tapos nagbobow pag nakikita ako.
Pero pansin ko naman mga kakaiba nilang tingin sakin. Iyon bang parang may lihim sila ng sama ng loob sakin.
Tapos may iba din na nagtataka.Well hindi ko naman sila masisisi kasi karamihan sa mga knights ay inaabused nitong si Luissa. Ewan ko nga kung makakauwi pa ako ng buhay mamaya, para kasing mangnginain ng tao ang mga tingin nila sakin.
Tumago naman ako sa likuran ni Zhemrel. Ayoko ko kasing naeexposed yung beauty ko. Nge!
Nang makarating kami sa kwarto tumigil muna si Zhemrel sa tapat ng pinto.
"Ano ho bang kinakailangan ng kamahalan sa aking silid?"Seryosong tanong ni Zhemrel.
"Makikitulog!" seryoso ko ring sagot sa tanong niya. Nawewerduhan naman si Zhemrel sa sinabi ko.
"It's a prank! Gagamutin ko talaga sugat mo! Halika na!" Masigla kong sabi tapos ako na nag-open ng pintuan ng kwarto niya, nakakahiya naman kasi sa kaniya diba!
Nauna na akong pumasok, tapos naiwan namang nakatayo lamang si Zhemrel sa may pinto.
Napatakip naman ako ng ilong kasi amoy paa ang kwarto! My gass! Tapos ang gulo-gulo pa!
Pero kine-keri ko nalang, kasi kwarto to ni Zhemrel!
Umupo ako sa kahoy na higaan niya, di alintana ang pinaghalong amoy ng paa at kilikili. Feel na feel ko pa yung pag-upo habang naka cross legs.
Samantala naiwan pa ring nakatayo si Zhemrel sa may pintuan.
Nakangiti akong tumingin sa kaniya, tapos sinenyas ko ang mga kamay ko na lumapit tapos maupo sa tabi ko.
Lumalaki na ata ang butas ng ilong ko kasi ang baho talaga!
Nangungunot naman ang mga noo ni Zhemrel tapos biglang bumalik sa pagiging seryoso.
Ano kayang problema ni Zhemrel at hindi pa siya pumapasok sa kwarto niya?
Ahh alam ko na!! Nahihiya siguro si Zhemrel kasi kaming dalawa lang ang tao sa kwarto! Kinikilig naman akong isipin na na seself-concious sakin si Zhemrel!
"Kamahalan, hindi po ito ang aking silid." Seryosong sabi ni Zhemrel.
Whutt duh!!!
Napatayo naman agad ako sa higaan na kinauupuan ko kanina. Sakto naman na may dumating na isang knights.
Nagulat pa ito nang makita ako sa loob ng kwarto tapos yumuko din agad bilang pagalang.
My gass! Siya siguro ang may-ari nitong kwarto!
What the hill ka talaga Zhemrel!
Bat di mo sinabi agad! huhuhu! Pahiya ako!
Lumabas agad ako ng kwarto tapos umarte na parang walang may nangyari. Dinaanan ko lamang yung nakayukong knights at walang sinabi.
Pero deep inside hiyang-hiya ako huhuhu!
~~~~~~~~~~●◇●◇●◇●◇●~~~~~~~~~~
Pagkatapos napunta na talaga kami sa totoong kwarto ni Zhemrel. Hinintay ko nang si Zhemrel na yung magbukas ng kwarto baka kasi magkamali na naman ako!
BINABASA MO ANG
Saving the Second Male Lead (Hiatus)
RomanceClarissa Legaspi was a die hard fan ng isang fictional character na si Zhemrel Alcastar sa isang historical-fantasy novel na kaniyang binabasa. Halos gumuho ang mundo ng dalaga nang pinatay ng author ang character ni Zhemrel,ang second male lead sa...