CHAPTER 2
TINITOO talaga ang pagsundo ni Vincent sa'kin kinaumagahan. Sumakay lang siya ng tricycle papasok sa subdivision namin. Planado niya talaga. Kaya wala akong nagawa pa kundi pasakayin siya sa kotse ko.
Baka ako pa ang dahilan kung malate siya sa first class niya. Kaya siya ang ng drive patungo sa university. Wala naman ako magagawa dahil nandito na siya. Ang sama ko namang tao kong pababalikin ko pa siya.
Pagkadating namin sa university. Hindi ko alam kong matatakot ba ako o maging masaya.
Umiwas nalang ako ng tingin sa'kanila. Lahat ng taong nakatingin o sabihin nating lahat ng babae ay masamang nakatingin sa'kin at kung kutselyo lang ang bawat isa sa'kanila baka napaglamayan na ako ngayon.
Dumentansya ako ng kaunti sa kay Vincent pero siya naman ang kusang lumalapit sa'kin. Napabuntong hininga nalang ako.
At hinatid pa talaga niya ako sa room namin. Rinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko at napatayo ang kaibigan kong si Krystal dahil sa gulat sa nakita niya.
"S-salamat." nahihiyang kong saad. He just give me sweet smile at napaiwas ako ng tingin dito.
He nodded. "Sabay tayong mag-snack mamaya, pupuntahan kita-este kayo ni Krystal." he said.
"Nasali pa ako, gusto mo lang solohin ang kaibigan ko. Alis na! Malilate kana sa first subject mo, kuya!" sabat ng kaibigan.
Ngumiti lang siya sa'kin bago tumalikod. Nang makaupo na ako agad akong nginitian ng kaibigan. Kumunot naman ang noo ko.
"Bakit?" I asked her.
"Totoo nga ang sinabi ni Kuya Vincent kagabi. Akala ko nagbibiro lang siya." she said.
Sinabi ni Vincent sa'kanya? Matapos niyang maka-move on sa nangyari kanina. Ang dakilang playboy naman ang bukang bibig ng kaibigan.
"Mas lumala si CK ngayon, tatlong babae o apat sa isang araw. Grabe! Well, he's hot and handsome...kaya hindi na nakakapagtaka."
Hindi ako makatingin kay Krystal. Hindi nalang ako ng salita, ayaw ko nang maalala pa ang pinag-usapan namin kahapon.
"Hay! Ano na bang nangyayari sa mundo?!" dagdag pa ng kaibigan.
"ANONG gusto mo?" he asked me.
"Spaghetti sa'kin kuya at tubig." sagot ni Krystal sa kay Vincent.
Tumango siya kay Krystal at bumaling agad ang tingin sa'kin muli. And he smiled again. Hindi ba siya nangangalay sa kakangiti sa'kin?
"Same narin kay Krystal." I answer.
Tumango siya at pumila para sa order naming pagkain.
Halos nakayuko na ako para hindi maramdaman ang mga masamang tingin sa'kin ng babae. At ang tingin niya.
Hindi ko mapigilang mapatingin sa deriksyon niya. Seryoso ang tingin at nakasalubong ang makapal niyang mga kilay. Napaiwas ako ng tingin nang ngumisi siya sa'kin at may pa bulong-bulong pa siya sa babaeng kaakbay niya. At ano pa ba? Kundi iba naman ang kasama niyang babae.
At tama nga ang sinasabi si Krystal kanina. Ang dating isang babae sa isang araw ay ngayon ay halos pagsabayin na niya ang dalawa sa kalahati ng araw.
Napa-iling ako. Bakit ko ba siya pinoproblema? Ano bang pakialam ko sa'kanya, hindi naman tulad ng dati nung magkaibingan pa kami.
Tumayo ako bigla na kinagulat ng kaibigan ko.
"Wait, aalis ka?!"
Hindi ko na sinagot si Krystal at nagsimulang lumakad palayo. Pagkadating ko sa isang malaking puno ay agad akong nanghihinang napaupo at simulang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Loving A Playboy (Montenegro Series # 1)
RomanceClark Kenneth 'The Playboy' Montenegro meet a girl named Ellise Jean Zamora who is secretly in love with him. They become bestfriend since they were kids until Ellise confess his feelings to Clark. But after that day Ellise just suddenly leave while...