Chapter 2
Nakatakbo ako.
Pero muntikan nang duguan.
Hindi pa rin alam nila mama na nag-drop out ako sa school kaya pumapasok pa rin ako. Kunwari. Nag-u-uniform pero hindi talaga pumupunta sa school. Palaging tumatambay sa bahay nila Lev o Butter.
"Sinabi mo nung nahuli kayo sa guidance na nag-yo-yosi ako? Kasama ko kayo? Barkada ko kayo? Alam mo bang nakaabot 'yun kay mama? Tangina!"
Pero pumasok ulit ako. Para makipag-away.
Na sa may tindahan kami sa tapat ng school. Bibili pa sana ang kausap ko ng kung anong gusto niya pero hinarang ko. Punyeta, gusto ko nang matapos 'to.
"Tanga, 'di ako nagsabi no'n. Kung-kung sino na lang ang sinisigawan mo-alis nga!"
Nahawakan ko ang kamay niyang pinangtataboy sa 'kin, 'di ko binitawan. Sino Siya para paalisin ako.
Nagka- nabutas yata utak ko, tamang-tamang sa gitna kaya hindi ko tinatanggap lahat ng sumbat niya.
"'Di ba ikaw 'yung unang humithit? Ikaw pa nga bumili ng yosi!" Masmalakas kong patuloy.
Hindi ko alam.
Ang nangyayari at sinasabi ko. Pero nararamdaman ko ang buhok sa dila ko.
Nakita ko ang paglaki at pag-ikot ng Mata niya sa kaunting segundo lang.
Punyeta-dalawa pala ang pagmumuka niya.
"Tangina ka ba, hah, Melody! Anong pakalat? Kilala ko ba nanay mo? Kilala ka ba sa buong school?" Napataas na rin ang boses niya, ang impit at piyok na kanina niya pa pinipigilan.
Totoo naman. Hindi ako sikat o kilala man lang sa kabilang section. Ba't nakaabot kay mama?
"E-," nakatatlong tigil ako para hanapin 'yung nahagip ko kanina," ba't kanina-nung, nung nakaupo ako ro'n sa Marilyn's may mga ka-batch tayong pinag-uusapan kung pa'no ako humithit?!"
Totoo 'to. Kaya ako nagalit at 'di ko na pinigilan ang sarili kong maghamok ng away kay Sam.
"At sino naman 'yon? Ako lang ba ang kasama mo no'n, hah!"
Sumisigaw na rin siya.
"Hindi! Pero ikaw lang naman ang alam kong ibubunganga ang buhay ng iba!"
"Anong mabunganga? Ikaw nga 'tong anlakas-lakas ng boses, tas nambibintang ka pa!"
Walang sampalang naganap pero group sumbatan, meron.
Si Buttercup, nakikipagsabayan sa lakas ng boses ko pero wala akong maintindihan sa sinasabi niya at si Bubbles naman gusto nang makipagsabunutan pero mahina boses.
Napaiwas siya ng tingin sa 'kin at biglang napamura,"tangina naman o."
Nakita kong bumilog ang kamao niya at ayon.
"Oh, oh, ano ang nangyayari rito?," narinig namin ang pagsipsip sa ngipin,"nag-aaway kayo sa tapat pa ng school. Mga naka-uniform pa. Iuwi niyo na nga lang 'yang away niyo."