Chapter 25

44 7 6
                                    

''P-pao...pupunta ako sa kapatid ko...''

Ang buong pamilya ni Pao ay binabantayan akong nakaupo sa kama. Maging si Paula ay nasulyapan kong nag-aalala sa akin. Si Pao ang umalalay sa akin at hindi ko alam kung paano at bakit siya biglang lumitaw sa paningin ko kanina habang hinang hina ako at patuloy sa pag-iyak.

 ''Nini, sasamahan ka namin mamaya. Pero ipapahinga mo muna ang sarili mo sa ngayon. Nanghihina ka, at tignan mo..ang putla mo. Kumain at matulog ka muna kahit saglit, oh? Okay ba 'yon? Nini sige na...''

Wala akong nagawa at walang imik na binalot ang sarili sa kumot kahit pa ang init init. Nahihiya man dahil sa gulong dinala ko, tama siya at masyado na akong nanghihina at kailangan ko ng pahinga.

At ang pahingang iyon ay tumagal ng ilang oras. Pumuslit kaagad kami sa hospital at nahihirapan kaming magtanong kung ano ang room number ni Nova dahil ayaw sabihin ng receptionist.

''Ma'am kapatid ako noon...Kahit saglit lang...''

Nauubusan ng pasensya na bumaling sa akin ang nurse. ''Ma'am pasensya na po, hindi talaga pwede. Iyon ang bilin ng kasama ni Ms. Celestino kanina, all information about her should be private. With no visitors allowed, even a family members.''

Napasambunot ako at nanghihinang napaupo. Inalalayan kaagad ako ni Pao at dinala sa labas likod na parte ng hospital para pakalamahin.

''Beh ganito na lang. What if subukan ko na maglakad lakad sa mga kwarto doon? Magtatanong tanong na lang ako sa ibang health workers. Baka sabihin nila sa akin...''

Sa nanghihinang mga mata ay umiling ako sa kanya. Paos na ako at bukod sa masakit na mata, masakit na rin ang lalamunan ko. ''H-huwag na...''

Chase the freedom. 

Okay, Nova. I'll do it for you. I'll free myself from all of this burden and I'll live a new life. Ngunit kahit sa bagong buhay na 'yon, hindi kita kakalimutan. Hindi matatabunan ng mga ginawa mo ang pagmamahal ko sayo bilang kapatid mo. Ilang beses mo man akong pinagtabuyan at ginawan ng kasamaan noon, naiintindihan kita.

Kapatid kita e. Ang dugo ko ay dumadaloy din sayo. Hindi man kita kasama ngayon, kahit sa panaginip mo lang ay ipangako mo sa akin na hindi ka mamamatay, mananatili ka dito sa lupa. It's still a puzzle to me why you had to resort to that action when you could have pushed me away instead, just like you always do.

Magkaiba man tayo ng pag-iisip, kaya ko namang umunawa. What is it, Nova? Is there something that you know? What is the reason for that dangerous thing? Why did you have to push me away like that?

Sana masagot mo pa ako sa hinaharap. Sa ngayon ay mananatili na lang akong saglit at saka tatakas sa rehas ng unos. Unos na kahit kailan ay magiging bangungot sa bawat pagpikit ng aking mga mata.

''Pwede ba akong magstay sa bahay niyo, kahit hanggang bukas lang?''

''Pwedeng pwede! At anong hanggang bukas lang? Wala ka namang mapupuntahan. Samin ka na muna tumira, kahit pa umalis ka kapag tapos na tayo sa kolehiyo.''

Ikiniling ko ang ulo. ''I have plans already.''

She went outside to buy us some food while I waited at the back and dark part of the hospital.

Mapuno dito at ang ilaw lang ay ang iilang poste. May mga bakante rin na upuan na inokupa namin ni Pao kanina lang.

Nanlulumo ako...

Hindi ko alam kung saan magsisimula para linisin ang isipan ko.

First, my baby sister died. My stepmom is still under observation. On top of that, Nova's critical as well.

Field of Carnations (Solace Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon