The Dream is Over

139 7 0
                                    




THE DREAM IS OVER

"Life is a like journey that is full of secrets, adventures, and surprises."

Hindi ko pinangarap makarelasyon ang isang tao na halos walong taon ang agwat ng edad sa akin. Pero masasabi kong iba siya magmahal. Masarap siyang mag-alaga at may sense kausap.

Isang maulan na hapon, nakilala ko sa terminal ng bus is Shiela. Madilim ang kalangitan pero nagliwanag ang lahat sa paningin ko nang makita ko siya. May dala akong payong, kung kaya't bilang isang maginoo, isinukob ko siya habang papunta sa pinto ng bus. Kapwa kami patungong Maynila; kapwa pabalik sa trabaho. Kauumpisa ko pa lang sa una kong trabaho after magtapos sa kolehiyo, mga tatlong buwan noon ang nakakaraan. Pero alam ko na ang pasikut-sikot sa Maynila buhat noong magsimula akong magworking student noong second year college ako. Oo nga't iskolar ako sa Ateneo, ngunit hindi ito sapat buhat nang mapilayan ang aming pamilya. Hindi ganoon ang takbo ng buhay ko kung hindi lang umalis ang utol ko.

Natatandaan ko pa, noong bata pa kami ng Kuya ko. Ibinibili niya ako ng pasalubong sa tuwing uuwi siya buhat sa eskuwela. Candy, laruan, text, pog at holen, ang iniuuwi niya sa akin. Nasa high school na siya noong magsimula akong mag-aral. Malimit niya akong turuan sa mga assignments ko at kadalasan, siya ang taga-guhit sa mga projects ko. Nagtapos si Kuya bilang Valedictorian sa school naming kung kaya't mataas din and expectation nila sa akin. Pero sabi ko nga, ang pagiging gwapo lang ang maiaambag ko na muntik pang masira sa kalokohan ko. Minsan nga, nadaanan ako ni Kuya na nakikipagsuntukan sa isang kamag-aral. Sa halip na tulungan ay hinayaan niya ako. Tinanong ko siya habang galit at tampo ang nararamdaman ko noon. Mainam daw na alam kong ipagtanggol ang sarili ko sa mga sitwasyon na wala akong maasahan kundi ang sarili ko.

Tayo'y magbalik kay Shiela, CPA siya sa isang sikat na bangko. Buhat nang magkatabi at magpalitan kami ng number nagsimula ang kahibangang iyon. Inihahatid at sinusundo ko siya sa pinapasukang bangko dahil walking distance lang din ito mula sa pinapasukan ko. Hinihintay ko siya tuwing hapon upang sabay kaming umuwi, maglakad, magkuwentuhan, kumain ng fishball at isaw sa kanto, pati na rin ang magsimba. Noong birthday niya, isang taon na ang nakakalipas, sinorpresa ko siya.

"May nagsabi ba sa'yo na ito ang paborito ko?", tanong niya.

"Wala, 'yan kasi ang naisip ko na gusto mo. Hindi ko alam kung bakit." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"These yellow roses made me special in a way you didn't see! Salamat!"kinikilig niyang bulong sa akin.

Inamin ko sa kanya na gusto ko siya. Hindi halata ang agwat ng edad naming dahil sa maamo, maputi at mala-anghel niyang mukha. Napagkakamalan pa nga ng iba na mas may edad ako sa kanya, dahil sa bigote ko.

Minsan, sinorpresa ko siya at pinapunta sa isang yate. Kinasabwat ko ang iba niyang mga kaibigan para mapilit siya pumunta roon. Kunwari sinabi nila na may party sila roon dahil sa promotion ng isa nilang kaibigan. Madilim sa yate dahil tanging ang liwanag ng buwan, mga bituin at mga kandila lamang ang nagsisilbing tanglaw sa simula. Wala siyang kaalam-alam na ako ang may pakana ng lahat. Sa malayo pa lang ay namasdan ko nang paparating siya. Nagniningning sa suot niyang bestida na bagay na bagay sa kanya. Nagtataka at nagdadalawang isip siyang tumuntong papasok sa yate. Kinakabahan ako dahil baka hindi siya pumasok at masira ang plano ko. Pero thank God, dahil makalipas ang ilang minuto nang pagtawag sa cellphone ay naglakas loob siyang pumasok.

Tila ba tumigil ang oras nang mga sandalling iyon. Kinuha ko ang aking violin at tumugtog ng papalapit na siya. Nakatalikod ako, nakaharap sa lawa. Noong una ay hindi niya ako nakilala pero nung lumapit ako sa kanya ay labis siyang nagulat. Alam ko na lalo siyang mai-inlove sa akin. Bukod sa angkin kong kakisigan, makapal na kilay, mapungay na mga mata, at matangos na ilong, ay ibang klase raw akong tumugtog. Sa former girlfriends(haha) ko nanggaling ang mga papuring iyon.

The Dream is OverWhere stories live. Discover now