We loved in Chaos

8 1 0
                                    

Prologue

'Gusto kita pero hindi yun ganoon kadali, ayaw kitang masaktan dahil hindi pa ako sigurado.."

Sabi niya

"Ah, ibig mo bang sabihin ay hindi mo ako nasaktan sa ginawa mong pagtulak sa akin palayo? Ha? DANIEL SUMAGOT KA! Mahal kita e bakit? Bakit hindi nalang ako? A-ako nalang mahal,.. a-ako nalang"

Alala kong hagulgol ko sa bisig niya.

Niyakap niya ako ng mahigpit pero tulak kabigin akong nagmamatigas at pilit binabayo ang dibdib niya.

A-ang sakit. Ang sakit sakit niyang mahalin.

Nais kong manatili sa kanyang tabi ngunit pagkatapos ng mga nangyari? Sapat na iyon.

Pagod na ako. Pagod na pagod na ako pasensya mahal suko na ako sayo.

"Hoy!! Ano na naman ba ang ginagawa mo? Lutang ka na naman?"

Nagising ako sa aking pagmumuni muni nang pumitik sa hangin ang aking kaibigan na si Sandra.

"Naku! HAHAHA let her be Sunny, she's probably thinking about the next scenarios for her stories. You know? Writer's mind!"
Ani naman ng isa ko pang kaibigan na si Xeayeah.

Okay char! Stop na nga sa pagtatagalog ng malalim HAHAHA!

Kasi naman nahahawa ako sa sinusulat kong kwento ih.

Anyway, hinarap ko ng maayos ang aking mga kaibigan atsaka sila pinagtaasan ng kilay

"Kayo talaga panira kayo ih! Nagiisip pa ako amp panira!"

Umirap naman sa akin si Sandra.

"Haler!! Girl kanina ka pa po nakatulala at nakikipagmeeting sa mga particles diyan no! Ginising lang kita aba't malay ko ba kung natutulog ka na?"

Napangiti ako ng bahagya amp.

Tumawa ng malakas si Xeah atsaka umayos

"Gago! Meron bang natutulog na nakadilat!? HAHAHAHAHA"

Natawa naman silang pareho. Amp. Umirap ako sa hangin saka pinagkrus ang mga braso

"Tss, ang saya niyo naman po ata"

Mas lalo silang tumawa na siyang ikinainis ko.

Pumasok ako sa aking opisina atsaka dumiretso sa aparador.

I need to change pronto I have a fan-sign meeting with my readers and I can't be late dahil balita ko ay tatlong daan ang nakakuha ng ticket sa fan-signing at mayroon pa silang papremyo na exclusive ticket na dudukutin sa raffle wheel kung saan ay maari akong makadinner.

Hay buhay nga naman parang life

Pinili ko ang isang red off shoulder silk dress na aabot hanggang taas ng tuhod ko it has pearl belt so I quickly went to my room dito sa opisina ko.

This office is big alright? Minsan kasi ay dito na ako nakakatulog dahil sa pagod sa pagsusulat sa susunod na scenarios sa istorya ko kaya naman may kwarto, closet, bathroom, sala at mini refrigerator dito.

Mas maliit nga lang ang mga ito kumpara sa condo naming tatlo.

Sinuot ko na ang dress at pinili nalang ang red flats atsaka nag retouch.

I fished out a purse from my cabinet na bagay na bagay sa suot ko ngayon.

Pagkatapos makasigurong maayos na ang ayos ko ay lumabas na ako at nakita ko sina Sunny at Xeayeah sa sala na nagsi-cellphone habang nakahiga at nakadekwatro. Tss laging feel na feel at home ang mga gaga che!

"Hoy! Magsi ayos nga kayo! Umuwi na kayo dahil may fan sign meeting pa ako mamaya at may pa raffle ang staffs ko na makakadinner ako ng winner kaya hindi ako makakasabay mamaya ng dinner sa inyo"

Napakunot ang noo at naniningkit ang mga mata ni Sunny na tumingin sa akin habang si Xeayeah naman ay tumatango tango at tinataas baba ang kilay niya amp nangaasar na naman si gaga

"Tigil mo yan Xeah, dinner lang yon at malay mo ba kung babae?"
Irap ko sa kanya tumawa siya ng kaunti atsaka nagbalik salita.

"Love knows no gender! Awooo! HAHAHAHA"

Luh muntanga. Amp HAHAHAHA

Inirapan ko sila atsaka lumapit para bumeso saka kinuha ang susi na nakasabit sa pader malapit sa pinto saka binuksan ito.

Nang nilingon ko sila pabalik ay kumakaway sa akin si Xeah at si Sunny naman ay naniningkit pa rin ang mga mata sa akin kaya naman inirapan ko na lamang ito at tuluyan nang lumabas ng opisina ko.

Pinindot ko ang number 1 sa elevator since basa 5th floor ang opisina ko at pinanood ang arrow na bumaba nang bumaba.

Pagkalabas ko ng elevator ay nagmamadali akong naglakad papuntang exit kaya hindi ko napansin ang bultong nabangga ko at nagmamadaling sumigaw ng 'sorry!' Atsaka tinakbo ang espasyo ko mula sa estruktura ng aking kumpanya papuntang parking lot.

Agad agad kong kinuha ang susi mula sa isang guard at binuksan ang kotse saka pinaharurot palabas.

Narating ko ang Sariya Books and Coffee nang matiwasay at dali dali kong inayos ang bag ko atsaka bumaba at pumasok sa loob.

This café serves sweets and other beverages. This is owned by us. Yes us. Xeayeah, Me, and Sandra.

Sunny wanted to run a café so I suggested if I can use the café for my fan-signing/meeting with my readers and there we invested and to make the café a lot more unique we put library in it.

2 blocks away from here is Xeah's two storey boutique that turns into a bar when the clock strikes 6 pm.

Dami niyang alam no?

Pagkapasok ko ay madalian akong lumiko papuntang VIP room dahil doon ay maghihintay pa akong ayusin ng staffs ang linya at rules and regulations sa kung anong pwedeng gawin when we meet and I'll sign the book.

"Miss Serenity, your readers are ready you may proceed in the library hall."

Tawag ng manager namin na si Angelique.

I smiled at her she's a long time friend of mine, she's 4 years older than me and the Ate of our squad pawpatrol HAHAHAHA.

Tumango ako at tumayo na pero bago lumabas ay tiningnan ko ng maiigi ang mukha ko sa salamin.

"Ang ganda mo palagi"
Nakangiti niyang papuri.

Namula ako sa hiya at tuwa, ang sarap sa pandinig HAHAHA

"Wag mo nga akong binobola! Ikaw talaga" piningot ko ang kanyang ilong na kinatawa niya.

Nakangiti niyang hinawakan ang pisngi ko at saka ngumiti nang pagkalaki laki.

"Tumingin ka sa mga mata ko nang makita mo kung gaano ka kaganda Tori"

Hinalikan niya ako sa noo na siyang ikinangiti ko.

Sana ganito palagi mahal..

Napatigil ako nang maramdamang namasa ang aking pisngi.

What the hell. Why am I crying!?

Masisira ang make up ko nito!

biglang bumukas ang pinto ng VIP room pero wala roon ang atensyon ko.

Busy ako ayusin ang make up ko okay!? Tss

"Tori.."
Napatigil ako sa paghalungkat ng gamit ko nang magsalita ito.

Bigla akong napalingon sa pinto at doon nakita ko ang isang lalaking may makapal na kilay, tsokolateng mga mata, matangos na ilong, maskuladong katawan na kasing puti ng papel, namumulang labi at higit sa lahat ang Adam's apple at panga niyang nakakaakit.

Damn what am I thinking?

And most of all..



















WHAT IS HE DOING IN HERE!?

Itutuloy...

CHAOS (University Girls Series #1)Where stories live. Discover now