018

10 2 1
                                    

Messages

Mama
iMessage
Today 10:52AM

Hari:
Ma bat may lugaw po rito

Mama:
From Nadia daw nak, may note
Dumaan din Faith kanina kaso tulog ka pa
Okay ka na?

Hari:
Yes ma.
Si Evie asan po

Mama:
Iniwan ko sa tita mo. Puntahan mo ba?
Sunduin mo na lang kapatid mo
Iniwan ko muna don kanina kasi tulog ka, walang magbabantay tsaka masama pakiramdam mo
Uminom ka gamot

Hari:
Sige po ma.
Hindi raw po babalik sila Faith?

Mama:
Sila na kausapin mo
Magreply ka raw nak 😂

Hari:
Nagrereply po ako TvT
Sige ma, love you po.
Pasalubong.

Mama:
Ano gusto

Hari:
Corndog.

Mama:
Na naman?
Harrison, araw araw mo na kinakain yan. Healthy ba yan?

Hari:
Doughnut na lang ma.
Krispy Kremeee

Mama:
'Di rin healthy
Sige love you nak
Bantayan ang kapatid
Read


Messenger

good girls ft. hari
Today 11:01PM

Hari:
Sweet naman may palugaw and visit.

Nadia:
K ka na?
'DI KA NAMAN NAMIN PAGTATAWANAN KAGABI

Faith:
Nakakahurt na yun kaagad naisip mo sa'min

Nadia:
May nagmamalinis 🙄 tumawa naman siya at first

Hari:
Ayos lang naman 😭
Nahihiya lang kasi talaga ako kay Kaiserthon kaya super gusto ko na lang matapos yung araw.
'Di ba na-wrongsend pa ako sa kanya.
Tapos ngayon, yung vomit, yung shoes niya.
Kailangan niya pa magstick with me kasi palaging by position ang pag-upo namin.
Tsaka kahit na sobrang hassle kong kasama kahapon wala lang sa kanya.
E lagi ko pa siya sinusungitan kasi feeling ko competition lagi pagdating sa kanya.

Faith:
Akala ko naman crush mo na

Hari:
Kakatapos lang nung kay Jackson, ayoko ng isa pang sakit sa ulo.
Kahit wala na akong feelings don (na positive) naniniwala pa rin ako sa three-month rule (slight)
Tsaka wala na akong balak magboyfriend .

Nadia:
Totoo?

Hari:
Ngayong high school.
'Di nga kilala ni Mama si Jackson pero tumagal kami. Tapos inabot pa kami ng ilang months.

Nadia:
'Di ka rin naman nagpopost ng pictures niyo magkasama
Kaya 'di nalaman ni tita

Hari:
Si Jackson nagsabi nun.
Gusto niya raw lowkey lang.

Faith:
LOWKEY AMPUTA
Para maka-lowkey landi rin siya?

Nadia:
Sakit talaga sa ulo boys kasi immature pa ngayong hs
At least naka-experience ka na ng kagaguhan this hs, baka 'di mo na gawin ulit sa college

Faith:
'Di mo sure
Harrison "Hindi Nadadala" Elefane

Hari:
Basta wala muna ngayong high school.
Tsaka tinry ko lang naman yung kay Jackson.
Nakita ko kung pano, learned my lesson.
Hindi naman ako magpapakatanga sa katulad non.

Nadia:
Kung katulad ni Kaito magpapakatanga ako

Hari:
Parang bagay kayo ni Shoto.

Faith:
Hindi kay Kaito?

Hari:
'Di ko maimagine. No offense. Si Kaiserthon yung mahirap ma-imagine.

Nadia:
NAKALIMUTAN KO ITANONG
Nagmemessage pa ba si Jackson?
Maliban dun sa ilang attempts niyang kausapin ka

Hari:
Hindi.
Binlock ko siya.
Texts, Calls, Messenger, IG, Twitter
Nakablock siya sa lahat.
May conference kami kahapon so 'di ko alam if dumaan siya sa bahay. Wala ring nabanggit si Mama.
'Di nga siya kilala nila Mama e.
Nandito ko kila Tita ngayon, nandito si Evie.

Faith:
'Di bumili ng bagong sim card? Gumawa ng bagong account?

Hari:
Ewan. Kung gusto may paraan 'di ba 🤷🏻‍♀️

Nadia:
Okay ka pa?

Hari:
Oo naman.
Medyo nakakapangliit lang kasi parang 'di ako worth it suyuin.
Pero for a second lang yun no. 'Di ko naman kailangan i-define yung worth ko based sa trato niya sa'kin.
Hindi naman sa kanya umiikot ang mundo ko.
Wait tinatawag ako ni Evie.
Sent

Always, Right?Where stories live. Discover now