Altis help me get inside his car, inayos ko ang aking pag-upo sa passenger seat. Humahalimuyak ang panlalaking pabango sa loob ng sasakyan ni sir. Nanunuot sa aking ilong at nakapagbibigay ng kapayapaan sa pakiramdam. Napalingon pa ako sa kaniya ng makaupo na rin siya sa driver's seat.
Napasinghap ako nang mahina nang dumukwang siya palapit sa akin at mataman akong tinitigan, halos lumuwa ang aking dibdib sa kaba, wala sa sariling sumunod ang aking tingin sa kaniyang kanang braso na tila may kinukuha sa backseat.
Nagulat na lang ako ng lumitaw ang isang bouquet ng pulang mga rosas.
"For my baby." Sabay abot sa akin ng bouquet.
Hindi ko alam kung magpapasalamat ba o aabutin ko muna ang mga rosas na inaabot niya. Paano ko ba kasi ipapaliwanag ito? Imagine mo naman kasi, yung lalaking hinahangad ko eh binibigyan ako ngayon ng bulaklak. Hindi nga yata talaga siya nagbibiro? Talaga bang liligawan niya ako?
Lalong nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ko na masuyo niyang hinawakan ang aking baba at inilapit ang kaniyang mukha sa akin, napapikit ako ng magtama muli ang aming mga labi.
Ramdam ko na naman ang kaginhawaan at kapanatagan ng aking puso sa tuwing hahalikan ako ni Altis. Sa pagdilat ng aking mga mata, kita ko ang nanunudyo niyang tingin, kanina pa ba siya tapos sa paghalik sa akin?
Ganun na ba ako kadarang sa mga labi ni Altis at hindi ko na namalayan na inilayo na niya ang kaniyang mga labi sa akin? Nakakahiya!
"Ano pong ginagawa ninyo sir?" halos hindi ko masabi-sabi ng hindi nabubulunan ang mga katagang iyon.
"Nililigawan ka." Masaya pa niyang saad, sabay patong ng bouquet sa aking mga binti.
"Hindi nanghahalik basta-basta ang isang lalaking nanliligaw pa lamang." Pairap kong tingin sa kaniya.
"Oh? Really?"
"Huwag ninyong sabihin na ngayon pa lang kayo manliligaw sa isang babae?" gulat kong saad
He just shrugged his shoulder.
Hala first time nga kaya niyang manligaw?
"Sabi ni Andrade, I'll have to shower you with lots of flowers and presents. That's what courting is all about right?" inosenteng saad ng gwapong lalaking nasa aking tabi. Kita sigurado ni sir Altis kung paano ako napanganga sa kaniyang mga sinasabi.
"Hindi po lahat ng babae ay madadaan sa pagbibigay ng bulaklak at regalo!" supladita kong buska sa kaniya! Hindi ko kailangan ng mga regalo para maimpress sa kaniya, matagal na kaya akong hulog na hulog sa my loves ko.
"Okay, now I know. But still I want to give you flowers." Makulit nitong tugon
"Paano kayo nagkaka girlfriend kung hindi ninyo alam ang paraan ng panliligaw?" napapatanga kong tanong
"Hmmmm, I never had a girlfriend, flings maybe, but serious relationship? Nahh." Pailing iling pa niya.
Nakita niyang umasim ang itsura ko sa kaniyang mga tinuran.
"I'm so sorry. Na-turn off ka ba sa akin? I mean magbabago naman ako para sa iyo baby." Nag-aalala niyang wika sabay na marahang pisil ng kaliwa niyang palad ang aking kanang pisngi.
Hala! Sino ba naman ako at nagkakaganito na lang bigla si Altis? Nagugulat lang naman ako sa mga revelations niya. Eh sa gwapo naman talaga ang lalaking ito. Marami nga hindi ba sa opisina ang tumatawag at naghahabol habol sa kanya. Nakailang pagbabanta pa ang ibinato sa aking ng mga kababaihang nagnanais na makausap man lang si Altis.
BINABASA MO ANG
Men In Uniform (MIU Series 2) Altis Terron Monteclaro
Ficción GeneralLangit siya, lupa lamang ako. Sa malayo ko lamang siya pwedeng mahalin. Sa panaginip ko lang siya pwedeng maangkin. At kahit anong gawin ko, hindi kami pwede? Hindi siya magiging akin. Hanggang pangarap ko na lang si Altis.