Dedicated to Kimminori :))
XXV – CONFESSIONS
Hyacinth’s POV
As he continue in wiping away my tears, nakatitig lang ako sa kanya at siya rin. Hindi ko alam pero feeling ko tumigil ang oras para sa’ming dalawa. At isa pa, bakit niya alam na umiiyak ako? Alam niya rin ba na siya ang dahilan ng mga luha kong ito? Ano ba?
Mahal niya rin ba ako?
Eto na naman ako, umaasa. Bakit ba pagdating kay Xander, patuloy pa rin akong umaasa? Umaasa na sana mahal niya rin ako.
This story is not supposed to be dramatic pero nagiging madrama na nga.
“Hindi ka dapat umiiyak nang dahil sa’kin.”
“Paano mo naman nasabing dahil sayo ang mga luhang ito?” nagdedeny na naman ako. -.-
“Don’t deny it. Alam kong sobra na kitang nasasaktan. Kung bakit ba kasi, hindi ikaw ang una kong nakilala.”
Kung bakit ba kasi, hindi ikaw ang una kong nakilala.
Kung bakit ba kasi, hindi ikaw ang una kong nakilala.
Kung bakit ba kasi, hindi ikaw ang una kong nakilala.
“A-anong ibig mong sabihin?”
Halatang nagulat rin siya sa nasabi niyang iyon.
“In time, malalaman mo rin ang lahat.”
“Iyan ka na naman eh! Ang hirap mo na namang basahin. Ano ba? Pinaglalaruan mo lang ba ako?”
“I’m sorry, Hyacinth.” With that, bumuhos na naman ang luha ko.
“Wala ka na bang ibang gustong sabihin kundi sorry? Ano’ng gagawin ko diyang sa sorry mo? You know what? Hindi naman nababawasan ng mga sorry mong iyan itong sakit na nararamdaman ko. Hinding-hindi! Kung bakit ba kasi dumating ka pa sa buhay ko. Pero alam mo ang mas nakakaloko? Yung wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari sa’tin. Kasi binago mo ako. Hindi naman ako ganito dati. Hindi ako madaling umiyak. Hindi ako madaling masaktan. Lalo’t dahil sayo naranasan kong maging masaya para sa sarili ko. At naranasan kong masaktan ng sobra ng dahil rin sayo. Naranasan ko dahil …”
Niyakap niya ko.
“..dahil mahal kita.” At bumuhos pa lalo ang luha ko.
Sinabi ko na sa kanya ang lahat. Wala na kong itinatago pa.
Oo, alam na niya ngayong mahal ko siya.
Yakap-yakap pa rin niya ko.
But I never hugged him back.
Dahil hindi ko na alam sa sarili ko kung ano nang dapat kong gawin.
Kung dapat pa ba kong lumaban? O sumuko na?
Lalo’t wala kong natanggap na sagot sa kanya pagkatapos kong sabihin na mahal ko siya.
Ayokong umasa na sasabihin niya rin ngayon na mahal niya ko.
At kahit umasa na baling araw na sasabihin niya rin yun sakin, ayoko na rin.
“Mukhang wala akong matatanggap na sagot mula sayo. Kaya please, lubayan mo na ko.” And sinubukan kong kumawala sa yakap pero hindi ko magawa dahil pilit pa rin niya kong niyayakap.
Nakatyempo rin naman ako na kumawala sa yakap niya.
At kitang-kita ko na…
Umiiyak rin siya.
At nakikita ko rin sa mga mata niya na nasasaktan rin siya ngayon.
Bigla namang may nagbukas ng pintuan.
“Boi??” –Judges sabay yakap sa’kin. “Akala namin kung ano nang nangyari sayo.”
Kasabay nun, nakita kong palabas na ng kwarto si Xander.
Pero bago pa siya umalis, nagkatinginan pa kami.
May binigkas siyang mga salita sa’kin gamit lamang ang kanyang labi at walang gamit na boses.
At kung di ako nagkakamali, sinabi niya ang mga katagang,
“Mahal rin kita.”
~
Vote. Follow :) Comment. Like, Recommend :) Add to RL :D
BINABASA MO ANG
MOVING CLOSER by Eunice
RomansThis story is written by Eunice Laurito with the help of Hyacinth Manesca in cooperation with LOVE OUR BLOG POST :D She's no ordinary. She loves manipulating people's lives until she met this guy who have turned her world upside down and also the gu...