Mahirap talagang may kahati sa atensyon ng iyong minamahal pero anong magagawa natin pinili mong mahalin sya kaya dapat matuto kang mahalin kung sino at kung anong meron sa buhay nya
. May mga taong nahihirapan at madalas malungkot dahil sa sitwasyon pero ang lagi kung tinatanong sa kanila bakit ayaw mong maghanap at magmahal ng iba? Hindi daw nila kaya iwan yung taong mahal nila kasi kahit masakit... kinakaya nila.
Ganun ba talga kapag nag-mamahal kahit masakit lumalaban, kahit mali pinag-lalaban? pero ikaw bakit mo sya minamahal kahit alam mong mali kaya mo ba syang ipag-laban? Anong silbi ng pagmamahal mo kung lagi ka nlng nasasaktan.
Bakit hndi mo subukang buksan ang puso mo para sa iba? alam ko mahirap pero ganun talaga kailangan mong tangapin ang katotohanan na ang tunay na relasyon ay para lamang sa dalawang pusong nagmamahalan. :)
"Sana dalawa ang puso ko, hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo..."
Naranasan mo na bang mamili sa dalawang pinakamahalagang bahagi ng iyong buhay? Hindi ba't mahirap?
Tulad nitong sitwasyon ko ngayon. Oo isa akong manunulat, sabi nga nila experience is the best teacher dawkaya naman siyempre maganda magsulat kung talagang naranasan mo ang mga nilalaman ng iyong katha.
Kaya nga nagkandagulo-gulo ang buhay ko ng dahil sa experience na iyan.
Malapit na kasi ang araw ng pasukan noon, siyempre dahil isa nga akong manunulat kinakailangan kong makagawa ng isang istorya at siyempre ano pa ba ang temang makakapagbigay buhay sa mga tulad kong teens eh wala namang iba kundi pag-ibig.
Sobrang tanga ko naman kasi kung bakit pinasok ko pa ang sitwasyong iyon. Sa totoo lang hindi pa kasi ako nagkakaboyfriend at ni wala rin akong may napupusuan.
Sabi ko para maiba naman ang life ko magta-try ako ng isang gimik na kakaiba. Tapos naalala ko na paano kaya kung maghanap ako ng boyfriend.
Take note: "Ako pa mismio ang maghahanap ha!" ang kapal ko talaga ano? Aba, parang pinatotohanan ko na yata na baligtad na ang mundo, siyempre babae ako.
Well, hindi naman talaga ganoon ang totoo kong purpose, gusto ko lang naman talaganag magkaroon ng experience na magkaboyfriend para may maisulat akongarticle.
Kitam, ang cheap ko talaga. Pero bahala na basta pagkatapos ng lahat ay hindi na ako uulit pa. Hindi naman totoong boyfriend eh, kunwari lang tapos 'pag nagkaroon na ako ng ideya kung anong love story ang isusulat ko e di balik na naman sa normal ang buhay ko.
Nabuo na ang aking pasya. Pero ewan ko ba kung may papatol nga sa itsura kong 'to. Haay naku, mahirap talagang maging writer, oo. Kung hindi lang talaga dahil sa article na 'to di sana 'di ko pa naisipan ang kalokohang 'to. Ah, basta bahala na.
BINABASA MO ANG
FINALLY I'VE FOUND YOU <3
Teen FictionHanggang ngayun ba hinihintay mo pa yung taong magmamahal sayo ? wag kang mag-alala , Wait for the boy that would do anything to be your everything :)