Ferdinand POV
"Will you marry me?" tanong ko habang nakaluhod
Tiningnan ko siya at kita ko sa kaniyang mukha na nabigla siya sa proposal ko
"Ferdinand, tumayo ka nga jan" pagpipilit nito sa akin
"I'm not gonna stand up until I get an answer" sagot ko
"Ano ba?" panggigil nito
Hindi na ako umimik at naghihintay nalang ng sagot niya
"No" bigla nitong bigkas
Biglang napatindig ang tayo ko
"Ano?" paulit ko pinasabi sa kaniya
Hindi ako makapaniwala. Tama ba ang narinig ko? No? Akala ko ba ay sigurado na ang aming mga plano?
"I'm sorry, Ferdinand" pagpaumanhin nito sa akin
"Y/N, what do you mean?" paglapit ko sa kaniya at hinahagilap ang kaniyang mga tingin pero kusang binababa niya ang kaniyang titig
"Greg and I will be moving to the states. Isasama na namin si Andy" sagot nito
Seryoso ba to?
"Y/N, pano na mga plano natin?. Ilalayo mo sa akin mga anak natin? Akala ko ba malinaw na ang lahat. Malinaw na ang mga susunod nating gawin? Magpapakasal pa tayo" taranta kong pagkasabi
"Sabihin mong nagbibiro ka lang" dagdag ko habang hawak hawak ang mga kamay niya
Sasagot na sana ito nang biglang pumasok si Mrs. Santos kaya biglang inihiwalay ni Y/N ang kamay niya sa akin
"Tapos na po ba kayong maglibot sa bahay, Mr. Marcos?" tanong nito
"Hindi pa" sabay naming sagot ni Y/N
"Oh, I'm sorry. Lalabas muna ako ulit" at umalis na pero bago ito makalabas sa pintuan ay biglang tinawag ito ni Y/N
"Will you show the house for us?" pag-imbita nito ulit sa loob
Tiningnan ako ni Mrs. Santos at tumango lamang ako. Ano bang magagawa ko? Mukhang ayaw ni Y/N na mapag-isa na kasama ako
Pinakita sa amin ni Mrs. Santos ang buong first floor. Ang sala, ang kitchen, at ang bakuran. Nasa likuran lamang ako habang nasa unahan si Y/N at Mrs. Santos, nag-uusap
Pagkatapos sa ibaba ay pumunta na kami sa pangalawang palapag kung saan andoon ang mga kwarto
"This is the master's bedroom. Malaki laki ito para sa inyo ni Mr. Marcos" ngiti ngiti ni Mrs. Santos. Tiningnan ko naman ang reaksyon ni Y/N na hilaw lamang na ngumiti
Napalibot naman ito sa loob ng kwarto at banyo sa loob ng kwarto at tumatango tango lamang ito
Ulit naman kaming lumabas sa kwarto para pumunta sa kabila
"Ito po ay ang kwarto ng panganay ninyong si Andy. This is a boy's room. He will definitely love the ambiance of this room" turo turo ni Mrs. Santos
Napatingin si Y/N sa portrait na nasa tabing kama ni Andy. Ito iyong litratong kinuha ko sa kanilang dalawa nung pumunta kaming tatlo sa dagat
Biglang napalingon sa akin si Y/N at napangiti. Mukhang naalala ang magandang sandali na ibinihagi nung panahon na iyon
Umalis nanaman kami para pumunta sa susunod na kwarto
"This will be the room of you next child" sabi ni Mrs. Santos nang binuksan ang pintuan
Nakita namin ang isang baby casket at lahat ng mga gamit pang sanggol
Nakita kong mukhang gustong mapaluha ni Y/N pero nahihiya siya kasi may mga tao sa kwarto
"May I ask Mrs. Y/N, how far off are you?" tanong ni Mrs. Santos
"5 months" ngiti nitong pagsagot habang hawak ang hawak ang tiyan nito
"Ano ba ang gender?"
"Twins. Babae at lalake"
Nabigla ako sa sagot nito
Gusto kong umiyak
Naalala ko noon na gusto niya magkaanak na kambal at gusto ko rin magkaanak ng lalaki. Lahat ng mga pinapangarap namin noon ay unti unti nang matutupad
Pero aalis siya
At iiwan niya ako
Tumingin sa akin si Mrs. Santos ay siglang ngumingiti
"Congrats, Mr. Marcos! Nako, panibagon yugto ito sa mga buhay ninyo"
At sabay lang kaming ngumiti ni Y/N
-
Natapos nang ipakita sa amin ang buong bahay at naghanda na kaming umuwi
Buong byahe pa-Maynila ay hindi kami nag-uusap
Mukhang wala sa aming dalawa ang handing pag-usapan ang mga nangyari kanina
Ilang minutong nakalipas ay napagdesisyonan ko siyang kausapin
"So twins, huh?" panimula ko pero walang sumagot
Lumingon ako sa kanya at nakikita kong natutulog siya kaya hindi ko nalang ginalaw at baka magalit pa kung magising
-
Nakarating na kami sa Maynila at inihatid na namin si Y/N pabalik sa clinic at dumiretso na kami sa palasyo
Imelda POV
Nakapondo lang ako sa Malacanang buong araw, nagpapalakas
May inaasikaso parin ako kahit nasa kama lamang ako buong araw
Bago lamang ako natapos maligo at nagbihis na
Kumatok at pumasok sa loob ang secretary ni Ferdinand para ibigay sa akin ang mga papeles na ipinautos ko
"Madam ito na po ang mga papeles na pinakuha ninyo sa akin" sabay pag-alay sa envelope
Umupo ako sa dulo ng kama at binuksan ang loob nito
"Mukhang andito na rin po si Sir" sabi nito bago umalis sa kwarto
Ilang saglit ay pumasok na rin si Ferdinand
"Hi sweetheart, okay ka na ba? Mabuti at nakakabangon ka na. Kumain ka na ba?" pangungusisang pagtatanong ni Ferdinand
"Ferdinand, umupo ka" sabay tapik ko sa kama para umupo siya sa tabi ko
"Bakit Meldy? Ano meron? May problema ba?" tanong nito sa akin
"Ano yan?" dagdag nitong tanong habang nakatingin kung anong meron sa sobreng hinahawakan ko
Binuksan ko naman ang sobre at ipinakita sa kaniya ang mga papeles
Nakita kong binabasa niya ito na may halong pagka dismaya ang mukha
"Ano to? Ano ibig sabihin nito?" tanong sa akin habang naka sugat ang dalawa nitong kilay
"Divorce papers. Gusto ko nang maghiwalay na tayo, Ferdinand. Alam mo na anong kailangan mong i-fill up diyan, abogado ka naman" sabi ko
Ito ang huli kong sinabi sa kaniya bago ako tumayo at umalis nang tuluyan sa kwarto
--
A/N: oh, ayan na inaabangan niyo. kamusta?