Chapter 45: You Are Loved

60 5 0
                                    


"Wow, highest! Ginagawa mo sa buhay mo?"

Mas lumawak ang ngiti ko sa aking labi habang nakasimangot si Don na nakadungaw sa papel kong sinagutan. This is the first time I became confident to answer and quiz and the first I got the score I wanted.

"Saya ka na no'n?" sarkastikong sabi pa nito kaya natawa ako, kasi nga masaya. Sa wakas, naramdaman ko na mag-highest, God is great talaga.

Kahit sa daan namin papuntang old market ay kinukulit ko siya kung saang mga part siya nagkamali. Matic naman nang mataas kaming lahat sa NSTP, pero sa ibang subjects na mahirap ay pumapalya ako.

"Apat na order po ng sisig, limang kanin."

"Bakit lima?" nag-angat ako ng tingin kay Aiden, nilingon rin kami ng Ravi na kumukuha ng mga barya sa bag niya.

"Nagugutom kasi ako, para may extra na kanin tayo kung kukulangin."

"Ah, okay." Tumango na lang ako.

Wala si Yandiel, hindi ko pa natatanong kila Aiden kung nasaan, hindi ko rin siya nakita sa educ. Hindi na ako nagugulat tuwing wala na akong natatanaw na lalaking naghihintay sa tapat ng aking bintana habang nagde-devotion ako sa umaga. After he stopped courting me, he stopped waiting on my window as well.

But I could see him waiting on our campus gate every morning. Magkakatinginan lang kami tapos mauuna na akong papasok sa loob, tapos susunod siya kapag nasa classroom na ako. I assume that he is waiting for me to assure himself if I really get to our campus safely.

Gusto ko siyang i-text dahil kahapon pa siya wala, walang lalaking nakasandal doon sa gilid ng gate kahapon na parang siga na may inaabangan. Wala nga lang akong load, kaya hindi ko siya ma-text.

"Ravi, paki-lead yung prayer," utos ko at tinapik ang lamesa.

"Ah sige, sige."

We all bowed our heads while sitting on the table that we almost reserved every lunch time. The crowd and the workers of this little eatery would automatically stop chatting as they sensed our prayer. Salitan kami sa pagdarasal kada linggo.

"Si Yandiel, saan nagpunta? Hindi ko rin siya nakita simula kahapon." Nagulat ako nang nauna na si Don na magtanong ng itatanong ko sana.

"Hindi niyo siya nakita kahapon?" nagtatakang tanong ni Ravi. "Kahapon siya nag-ayos ng mga papel, tapos nag-text sa akin kanina na tina-trangkaso raw siya. Baka nilakad mula dito sa CLSU papunta doon sa bayan ng Munoz. Alam niyo naman 'yon."

"Akala ko ba next month na siya titigil?" ani naman ni Don kaya mas natigilan ako sa pag-aayos ng aking pagkain. "Walang-wala na ba talaga sila?"

"Hindi 'yon tumigil noon kahit katiting na lang yung pera nila, baka walang-wala talaga sila kaya minadali niya nang umalis para makapag-trabaho," si Aiden ang sumagot. "Binebenta niya na nga yung motor niya eh kaya lang, walang gustong bumili at hindi na rin gano'n kaganda."

Hindi na ako tuluyang nakakain at isa-isa silang tiningnan na parang nagkakaintindihan silang lahat sa mga nangyayari. Are they talking about Yandiel? I know they're talking about Yandiel.

Tumikhim ako at tumitig sa aking pagkain na hindi ko mabawasan sa pakikinig sa kanila. "Wala naman siyang nasabi sa akin."

"Bora, imposibleng hindi mo alam, eh ikaw yung lagi niyang unang sinasabihan. Alam mong titigil na siya," marahan na sagot ni Ravi at nagpakita ng kakaibang emosyon. "Hindi na kasi kaya ni mama niya, hindi na rin niya kayang pagsabayin yung pag-aaral niya at pagtatrabaho. Kung uunahin niya ang pag-aaral niya, wala silang kakainin. Intindihin na lang natin si Yandiel."

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon