019

5 2 0
                                    

Messenger

good girls ft. hari
Today 7:45AM

Hari:
Guys na-late ako.
Nakapila ako sa mga late.
Magflag ceremony muna kami.

Nadia:
Wow
First time
Anong nangyari

Faith:
Tinatalo na ni Nads punctuality mo Hari
Dumating siya before mag-bell

Hari:
Sumapi yung spirit of punctuality ko sa'yo kaya ako late ngayon ??!
Palit ba tayo ganun TvT
Sent

Today 8:01AM

Faith:
Hari san ka na
Magstart na class
Nagtawag na attendance sabi namin nakapila ka pa
Sabi ni Miss, "🤨 wow"

Nadia:
Hindi pa tapos flag ceremony niyong mga LATE?

Hari:
Paakyat na 'ko.
Si Jackson kasi.
Inabangan ako. Parang ewan.

Faith:
Gagu ano sabi

Hari:
Usap daw kami.
Sabi ko I have 5 minutes lang kaya sabihin na niya gusto niyang sabihin.

Nadia:
YES you're so not available for him

Hari:
E wala namang sinabi.
Nagtanong lang.
Bakit daw.
Ang tanga.
Para siyang walang maalala o walang alam sa mga ginawa niya. Sinend ko na nga sa kanya yung drive, tinatanong niya pa yan?

Faith:
Nads
Hari said tanga
:000

Hari:
Hindi ko naman sinasabi yun kasi hindi ako naniniwalang may taong tanga.
Jackson proved me wrong.
Paakyat na ako.
Sent


Nadia Gracilla
Today 3:15PM

Nadia:
Pansinin mo si Kaito

Hari:
Magkatabi lang tayo nagchchat ka pa.

Nadia:
Bakit gusto mo bang sabihin ko 'to na maririnig niya

Hari:
Paano ko siya papansinin?
'Di naman kami talaga nagpapansinan.

Nadia:
Noon yun. Nagpapansinan na kayo ngayon

Hari:
Wow updated ka?

Nadia:
Pansin ko lang. Marami nang nangyari 😋
So?

Hari:
Ewan ko sa'yo.

Nadia:
Nahihiya ka pa rin ba?

Hari:
Nagsorry na ako, no.

Nadia:
Yeah pero?
Ang tagal kayang matanggal ng hiya mo.

Hari:
Ayokong may magawa ulit na nakakahiya.

Nadia:
Hindi yan. Nandito naman ako

Hari:
All the more reason para hindi gumawa ng ikaka-sisi ko.
Manahimik ka dyan Nadia.

Nadia:
Eh
Kausapin mo

Hari:
Wala akong sasabihin sa kanya.
Papansinin mo ba siya kahit wala ka namang kailangang sabihin?

Nadia:
Oo papansin ako e
Ikaw hindi kasi nakakakuha ka ng pansin kahit unwanted 🙄 #CrushNgMgaGrade12

Hari:
Which does not mean na kapag binigyan ako ng pansin, ibibigay ko rin pabalik.
Makinig ka dyan, Nadia. Ikaw leader, give na your insights.
Sent

Always, Right?Where stories live. Discover now