Chapter 6

34 3 2
                                    

HUMAHAGULGOL si Hannah habang nakaupo at nakasandal sa nakasaradong pinto ng library ng kanilang masyon. Nasasaktan siyang isipin na tinanggihan niya ang kaisa-isang taong minahal niya. Oo, mahal niya ito. Sa loob ng maikling panahon, minahal niya ang isang simpleng taong katulad nito. Ilang beses niyang pinigilan ang kaniyang sarili n huwag itong mahalin, patuloy pa rin siyang bumabalik sa iisang lugar kung saan sila unang nagkita, upang sulyapan at makausap ito. Hindi niya inakalang pati ito ay mahuhulog sa kanya.

Sinubsob niya ang kanyang mukha sa kanyang palad. Napasinghap siya ng bigla na lamang may kung sinong kumatok sa pintong sinasandalan niya.

"Hannah, ako ito.",boses iyon ng kanyang lola. Mabilis niyang binuksan ang pinto at yumakap ng mahigpit dito. Batid niyang alam nito ang kaniyang pinagdaraanan. Marahang hinaplos nito ang kaniyang likod.

"Lola, bakit ganun? Ano po ba ang ginawa kong mali at pinaparusahan ako ng Diyos ng ganito?"

"Apo, may plano ang Diyos. Alam kong may dahilan siya kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito sa'yo. Minsan, ginaamit niya tayo upang bigyan ng pag-asa ang kapwa natin dahil tulad natin, binibigyan din Niya ng pagsubok ang mga taong iyon." 

Napatigil si Hannah. Anong ginagawa niya sa kwartong iyon? Naramdaman niya ang basawng mga pisngi. Umiyak ba siya? Bakit?

NAGUGULUHAN si Matthew sa inasal ni Hannah. Nararamdaman niyang mahal din siya nito ng tugunin nito ang kainiyang halik. Ngunit bakit ganoon ang naging reaksyon nito? Dahil sa sobrang lalim ng kaniyang iniisip, hindi niya namalayan na nasa harap na pala  

sya ng pintuan ng tinutuluyang niya. Napasinghap siya ng maramdaman ang matigas na dahon ng pinto sa kanyang mukha. Sapo sapo niya ang kaniyang ilong. Mapapango yata siya sa lakas ng pagkakatama niyon sa kaniyang mukha.

"Kuya!", sambulat ni Ellie ng makita siya. "Dumudugo ang ilong mo!"

Idinampi niya ang kaniyang daliri sa kanyang ilong. Nakita niya ang pulang likido na kumapit sa kaniyang daliri. Narinig naman niya ang mataginting na pagtawa ng kaniyang kaibigan mula sa likod ng kapatid nito.

"Matt,ano ba kasing ginagawa mo diyang sa tapat ng pinto?", natatawang sabi nito. Sinimangutan niya naman ito.

"Halika na kuya at ng magamot na natin yang ilong mo." Hinila siya ni Ellie papasok.

"Nagtapat ka kay Hannah? Wow pare heavy. At akalain mo yun isa pa siyang heredera. Naka-jackpot ka pare."

"Hindi naman pera niya ang gusto ko. Walang halaga sakin ang mga yun. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit niya ako pinagtabuyan."

"Hindi pa ba obvious? Basted ka na pare!",tinapik nito ang kaniyang balikan. Nakatikim naman ito ng batok mula sa kapatid nito.

Isinara ni Ellie ang ginamit na first aid kit bako nagsalita.

"Kuya, tigilan mo si Kuya Matt,sasamain ka sakin!",pinanlakihan nito ng mata si Eric. "At ikaw naman kuya Matt, malay mo nabigla lang yung tao. Masyado kang mabilis. Ilang araw palang kayong nagkakilala di ba? Hindi ba uso sayo ang salitang ligaw? Suyuin mo kasi! Ang hirap sa inyong mga lalaki sa panahon ngayon, gusto niyong nakukuha ang gusto niyo sa madaling paraan! Pagkukutusan ko kayo eh! Makatulog na nga. Nakakapagod magpaliwanag sa mga bata."

Sinundan na lamang nila ng tingin si Ellie ng tumayo ito at nagtungo sa kwarto. Sabay silang napatawa ni Eric.

"Ibang klase talaga ang kapatid kong iyon. Naalala ko tuloy ang nanay namin."

"Sa tingin ko may point naman siya. Bukas na bukas,kakausapin ko si Hannah."

Naputol ang pag-uusap nila ng tumunog ang kaniyang cellphone. Mula iyon sa dating sekretarya ng kaniyang ama. Ito ang pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan noong ng kaniyang ama.

"Yes, Faust. Any problem?"

"Sir, your company needs you. Mr. Guevarra is in debt. Napag-alaman kong nalulong siya sa pagsusugal at ginawa niyang pambayad ang inyong kumpanya sa Casino."

"What?!"

Nagtagis ang kaniyang ngipin sa narinig. Napalingon sa kaniya si Eric. Malaking pagkakamali na pinagkatiwalaan niya ang kaniyang tiyuhin para mamahala sa kaniyang kumpanya. Naging duwag siya sa responsibilidad tulad ng sinabi ni Hannah sa kaniya dati.

Naikuyom niya ang isang kamay kasabay ng pagkakahigpit ng paghawak niya sa kaniyang cellphone. Kailangan na niyang gumawa ng desisyon.

"Faust, I need you to pick me up here in Davao, tomorrow morning."

"Yes, Sir."

Madaling araw na ay hindi pa rin dalawin ng antok si Matt. Iniisip niya si Hannah. Hindi na na niya makikita itong muli. Hindi din siya nagkaroon ng panahon para kausapin o kahit magpaalam man lamang dito. Sumandal siya sa headboard at iniabot ang ipod niya sa lamesang katabi ng kaniyang kama. Nang magpakinggan ang unang kantang rumehistro doon, ay isang plano ang nabuo sa kaniyang isip.

HINDI alam ni Hannah kung paano siya napunta sa Butterfly Garden. Madalas na mangyari sa kaniya ang bagay na iyon kung kaya't hindi na siya nagtaka.

Naupo siya sa isang batong naroroon. Napangiti siya nang may dumapong paru-parong may napakagandang kulay sa kaniyang kamay. Biglang sumagi sa isip niya si Matt.

Nang araw na una silang nagkita, nagbihis siya katulad sa mga taong nagtatrabaho sa kanilang resort. Masyado na kasi siyang nababagot sa loob ng kanilang mansyon. Kakatapos lamang niyang makipagtalo si isang lalaki noon nang makuha ang kaniyang pansin ng flash mula sa isang camera. Ang akala niya ay isang manyak na lalaki ang gumawa noon. Balak sana niyang kagalitan ito. Ngunit nagbago ang kaniyang isip ng mapagmasdan ang gwapong mukha nito. Lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib pagkakita dito. Dinala niya ito sa Butterfly Garden. Walang nakakaalam ng lugar na iyon kundi siya lang. Pero napakagaan ng loob niya dito kung kaya't hindi siya nagdalawang isip na dalhin ito sa kaniyang secret base.

Simula ng araw na iyon, madalas na niya itong nakikita at lagi na lamang ganoon ang epekto nito sa kanya. Sinusungitan niya ito dahil sa damdamin niya noon na hindi niya maintindihan para dito. Hindi siya sanay magkaramdam ng ganoon. Sa dalas ng pagkikita, hindi iilang beses na natatagpuan na lamang niya ang sarili sa lugar na iyon. At sa tuwina ay lagi na lamang sumusulpot ito ng parang kabute.

"Hannah!"

"Anak ng palaka!"--Tulad na lamang ngayon. Ipako na kaya niya ang isang ito?

Hinihingal na nakangiti ito sa kaniya.

"Hi."

"Anong ginagawa mo dito?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Story of My GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon