Habang naglalakad ako pabalik ng dorm. Lumilipad pa rin ang isip ko tungkol sa mysterious Dark Hood na iyon. Pagtungtong ko sa pintuan ng dorm ay agad kong pinilig ang ulo para kalimutan kung ano man ang iniisip ko. Ayaw kong sirain ng Dark Hood na iyon ang maghapon ko.
Pagpasok ko roon, si Nova na lang ang naabutan ko habang busy sa kakasulat sa notebook nito. Nagulat pa siya ng maabutan ko siyang nagsusulat sa notebook.
"Are you okay?" I asked her because of her sudden reaction.
"Y-yeah?" alanganing sagot nito at agad na niligpit ang notebook na sinusulatan niya. What's wrong with her? Bakit parang bigla siyang kinabahan ng maabutan ko itong nagsusulat?
"Diary ba iyan? Mahilig ka pala magsulat? Akala ko wala kang oras sa mga ganyan" ani ko. Kapansin-pansin kasi kay Nova ang pagiging kilos lalaki nito at siya yung tipo ng taong bukod sa mahilig ito sumayaw, maangas ito tingnan at yung tipo ng taong mas gugustuhin pang sayangin ang oras sa mga gawaing pisikalan kaysa sa pagsusulat.
"It's my habit. Nakalimutan ko kasi magsulat ng diary kahapon kaya ngayon ko sinisulat" she response and I just smiled. Wala namang masama sa pagsusulat ng diary. Baka nahiya lang siya ng mahuli ko siyang nagsusulat ng diary. Gusto ko rin ngang magsulat noon ng ganiyan kaso tinamad na ako magsulat nung dumako na sa kalagitnaan.
"Mayumi! Alam mo bang kanina pa kita hinahanap" napalingon ako sa likuran ng biglang sumulpot si Candy at agad akong niyakap.
"Saan ka ba kasi nagpupunta? Ang aga-aga umalis ka na kaagad" nag-aalalang turan nito at parang na guilty ako sa tono ng pananalita nito.
"N-nagpahangin lang ako sa rooftop" paliwanag ko. Well, totoo naman na nagpahangin lang ako sa rooftop dahil hindi na ako nakatulog pa dahil sa nakakakilabot na panaginip ko. Sakto nga na nandoon si Thyrone sa rooftop nung mga oras na iyon.
"Ang daya mo naman. Hindi ka nangsasama" natawa na lang ako sa sinabi ni Candy at kinurot ang pisnge nito. Knowing her, tulog-mantika siya matulog. Kung gigisingin ko pa siya kanina, baka hindi ko na naabutan ang sunrise.
"We're getting late. Mag-ayos na tayo" ani ko at kinuha na ang aking twalya bago maligo. Binilisan ko na ang pagligo ko dahil magiging kulang na sa oras kung magtatagal pa ako.
Paglabas ko ay wala na dito sa dorm sina Candy at Nova. Hindi ko alam kung saan sila pumunta at hindi man lang nagpaalam sa akin.
"They went to cafeteria to get some food" bahagyang nagsitaasan ang mga balahibo ng bigla may nagsalita sa likuran ko ng hindi ko namamalayan.
Pagkatalikod ko, nakita ko roon si Kendra habang nakatingin sa salamin nito at inaayos ang sarili. Kanina pa ba siya riyan? Bakit hindi ko man lang siya napansin paglabas ko ng C.R.
"So you like to involve yourself in that case, huh?" kahit tapos na ako maligo ay parang nilalamig pa rin ako. Anong case ang tinutukoy niya? Hindi kaya...
"I saw your friend put a listening device on Detective Scott's shirt. We all know that you are listening on our thoughts and investigation in that case. So tell me, why you want to put yourself to get involve in that case? You are just a new student here. I don't know you but do you know what are the consequences of getting involve specially in a murder case?" I swallowed when Kendra asked those. So, napansin niya pala
She has a point. Maraming posibilidad ang pwedeng mangyari sa akin sa pangingialam ko sa mga kaso. Ewan ko ba kung bakit naging ganito ako. Wala naman akong pakialam sa mga nangyayari sa dating paaralang pinasukan ko.
Naging ganito lang siguro ako dahil sa mga na encounter ko na mga detective at misteryosong tao sa paaralang ito.
"No harsh feeling. I just want to tell you the truth and warned you. Getting involve yourself in case may put you in danger, not only you and your friends in this school too. You must aware of it" napatulala lang ako sa sinabi ni Kendra at pinanood lang siyang lumabas ng dorm dala ang mga gamit niya.
YOU ARE READING
Detective Diaries (With A Mysterious pages)
Mistério / SuspenseThunder Series#1 Mystery is like a book. It has many pages that full of excitement and mystery. Hindi mo alam kung kailang matatapos ang misteryo o matatapos pa nga ba? Meet Mayumi Tuazon, an ordinary 17 year old girl but not the typical one. She li...