013☆

102 6 29
                                    

013

LAGOT

▬▬▬▬▬


PUTEK, MALALAGOT NA ko kay President nito! Alas sinco kasi 'yong usapan, 5:15 na papasok pa lang ako. Ba't naman kasi sobrang aga! Grabe, napuyat kaya ako dahil sa debut kahapon.

Pero okay lang, masaya naman! Sulit na sulit ang pagtakas. Tapos nakita ko pa 'yong dati kong crush na si Pao. Kahit 'di ko na siya crush, 'di ko pa rin pinalampas 'yong pagkakataon na magmaganda habang nando'n siya.

Malay ko ba baka ngayon niya pa lang i-crushback kung kailan 'di ko na siya crush. Ang bongga siguro no'n!

Halos tumakbo na ako papunta sa club room dahil kapag 30 minutes akong na-late, tapos tumakas pa ako kahapon, baka mapatalsik na talaga ko.

Pero hindi naman siguro, alam kong malakas naman ako kay President. 'Tsaka, 'di naman siya gano'n.

Hinihingal pa 'ko no'ng makarating. Dahan-dahan akong humakbang papasok. Buti na lang nakatalikod si Icarus at nagsusulat sa blackboard no'ng dumating ako. Beri good—

"Pres, si Vice kararating lang oh!"

Putek!

Napakirot ako sa boses ni Joaquin na biglang sumulpot galing sa likod ko. Sa sobrang gulat, napapalo pa ko sa balikat niya at muntik matapon 'yong hawak niyang kape.

"Aray naman!"

"Ba't mo naman ako nilaglag!"

"Kararating ko lang din eh, 'di pwedeng ako lang mapagalitan!"

Nginiwian ko siya.

"Wala pa si Pareng Julia?"

"Bakit crush mo siya?"

Nanglaki 'yong mata niya 'tsaka umiling. "'Di ko siya type 'no!"

Ngumuso ako, duda sa sinabi niya. Eh bakit palagi silang magkasama? Ha! Akala ko si Klea lang ang lumalablyp amin, pati pala si Julia. Wala silang balak magbigay din sa akin?

"Pero 'yong kuya ko type niya."

Luh! Nanglaki 'yong mata ko.

"Magkukwentuhan na lang kayo diyan?" biglang sabi ni President.

"'Di ah. Ang tahimik kaya namin, President."

"Puntahan niyo si Theo sa inventory room, tulungan niyong kumuha ng mga gamit."

"Okay, Boss!" sabi ni Joaquin. "Heto kape, Pres, ginawan kita."

Akala ko late na ako, pero mas late pa pala 'yong iba. Apat pa lang pala kami. Habang naglalakad kami papunta sa inventory, naki-chika ako do'n sa Kuya niya na type raw ni Julia.

"Matanda sa 'kin ng two years si Kuya eh. Basta magkaklase raw sila ng Kinder pero agad na nag-grade one si Kuya, kaya senior high na siya ngayon."

"Anong itsura?"

"Ni Kuya? Imaginin mo 'yong pangit na version ko gano'n."

"Pogi mo ah."

Mayabang siyang kumindat. "Siyempre, ako pa?"

"Nagkita na ba sila—"

"Aray ko po!"

Nagkatinginan kami ni Joaquin nang marinig ang boses ni Theo no'ng malapit na kami sa inventory room.

"Si Theo boy ba 'yon?"

"Parang."

"Aray ko po!" sigaw ulit na may kasamang pag-iyak.

All The Magic We MadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon