Wakas nga bang maituturing?

23 0 0
                                    

Naroroon na naman si Alliah, malalim ang iniisip at nakatitig lamang sa dalampasigan. Ang katahimikang bumabalot sa dalampasigan ay nakabibingi at ang tanging maririnig lamang ay ang napakalakas na ihip ng hangin at ang malalakas na alon sa dalampasigan. Palubog na ang araw, naghihintay na naman siya at umaasa na babalik ang lalaking pinakamamahal niya na iniwan siyang miserable, tatlong taon na ang nakarararaan. Araw-araw siyang bumabalik sa lugar na iyon, araw -araw ring bumabalik ang lahat ng ala-ala simula ng gabing iyon. Iyong gabi na naghintay siya at umaasa na panghabang-buhay na ang kanilang pag-iibigan kahit na alam niyang hadlang ang buong mundo para sa kanilang relasyon dahil ito ay mali.

Tulad ng gabing iyon, tatlong taon na ang nakakalipas, parehong-pareho ng gabi na kanyang nararanasan sa kasalukuyan. Ang malakas na ihip ng hangin, ang malakas na tunog ng mga alon, pati na rin ang kanyang nadarama, tila kakaiba. Nabasag ang katahimikang bumabalot sa kanyang paligid nang makarinig siya ng ilang mga yabag, alam niyang siya na iyon - ang lalaking para sa kanya'y ang nakalaan na sa kanya. Habang ito ay papalapit sa kanya, hindi niya mapigilan ang kanyang nadarama. Napupuno ang kanyang puso ng kasiyahan. Alam niya ang ibig sabihin ng pakiramdam na iyon - makakasama na niya ng panghabangbuhay ang lalaking itinuturing niyang mundo na niya.

-

"Masaya ako sapagkat naririto ka na mahal ko. Hindi mo alam kung ano ang aking nadarama ngayon. Nagpapasalamat ako sapagkat tumupad ka sa iyong pangako, naririto ka ngayon. Wala ng makakapigil sa ating pag-iibigan. Wala na, kahit isa. Alam kong ipinaglaban mo ang ating pagmamahalan. Sa wakas, makakapiling na rin kita," pahayag ni Alliah na sabik na sabik sa piling ni Adam.

Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang kanyang mukha, tila hindi maipinta. Nadismaya ako sa reaksyon na kanyang ipinapakita. Wala akong makita na kahit isang kasiyahan sa kanyang mukha at pagkasabik sa kanyang mga mata. Kinakabahan ako, ano ba ang dapat kong maramdaman?

"Hindi ko kayang ipaglaban ang pagmamahalang ito. Hindi, hindi ko kaya..." tugon ni Adam. Pagkasabi nito ay bigla niya na lamang akong iniwan ng ganoon na lamang. Iniwan niya ako ng walang anumang kadahilanan na hindi niya raw kayang ipaglaban ang aming pagmamahalan. Parang sandaling huminto sa pagtibok ang puso ko kasabay ng pag-alis ng taong pinakamamahal ko. Tumulo na lamang aking mga luha. Tila dinudurog ang aking puso. Maraming tanong ang bumagabag sa aking isipan. Ano ba ang aking naging pagkukulang? Hindi ba sapat na lumaban ako sa pagitan ng buong mundo para lamang sa aming pag-iibigan? Minahal niya nga ba talaga ako? Ngunit hindi ko magawang magalit sa kanya.

-

Naririto na naman ako sa dalampasigan. Nagmumuni at maraming bumabagabag sa aking isipan. Ang lugar kung saan nadama ko ang saglit na kasiyahan at ang pagkadurog ng aking puso. Tatlong taon na ang nakakalipas, tatlong taon na... Bumabalik na naman ang lahat ng ala-ala simula ng araw na iyon. Ang bilis ng pintig ng aking puso, hindi ako mapakali. Napalingon ako doon sa may malaking bato sa dulong parte ng dalampasigan. May nakita akong isang lalaki na tila pamilyar. Hindi ko maaninagan ang kanyang mukha. Malabo siya sa aking paningin ngunit alam ko kung ano ang hugis ng mukha na iyon, ang tindig at hubog ng katawan. Kahit na tatlong taon na ang nakakalipas ng huli ko siyang makita, sigurado akong siya iyon - ang lalaking sinaktan at dumurog sa aking puso't pagkatao. Alam kong siya iyon, wala pa ring nagbago sa kanya. Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako palapit sa kinaroroonan niya. Hindi ko alam kung anong kapangyarihan ang tumutulak sa akin papalapit sa kanya. Tinitigan niya ako sa aking mga mata at niyakap ng mahigpit. Nabigla ako sa ginawa niyang iyon. Ano ba ang ibig sabihin ng mga ito? Kabaligtaran ang kanyang pinapakita ngayon mula nang tatlong taon na ang nakakaraan. Nanatili lamang kami sa ganoong posisyon.

"Patawarin mo ako Alliah kung iniwan na lamang kita ng basta-basta, ng walang paliwanag. Alam kong kinamumuhian mo na ako ngayon dahil sa mga nagawa ko sa'yo noon. Patawarin mo ako sapagkat hindi ko ipinaglaban ang ating relasyon. Oo, naging duwag ako. Madami akong pag-aalinlangan, paano kung ganito, paano kung ganyan. Hindi ako naging sigurado sa kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman ko. Isa lang ang sigurado ako, mali ang ating relasyon, mali.. Sana ako ay mapatawad mo," sambit ni Adam.

Patuloy na tumulo ang aking mga luha. Umalis na siya sa pagkakayakap. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat sabihin. Tatlong taon na ang nakararaan, naghilom na nga ba ang mga sugat na iniwan niya sa aking puso? Ako'y nalilito. Napatitig na lamang ako sa kanyang mga mata. Biglang bumalik sa aking isipan ang lahat ng aming mga ala-ala, ngunit mas nangibabaw ang lahat ng aming magandang ala-ala kaysa sa masama — simula ng kami'y unang magkakilala,at ang aming wagas na pagmamahalan. At huli kong nakita ang huli naming pag-uusap, tatlong taon na ang nakararaan. Tila huminto sa pagtibok ang aking puso. Alam ko na ang sagot sa matagal ko ng mga katanungan at mga pag-aalinlangan. Alam ko kung ano ang tunay kong nadarama. Tama, iyon nga ang solusyon sa lahat ng ito.

"Pinatawad na kita Adam at kailanman ay hindi kita kinamuhian. Masakit ang iyong ginawa, iniwan mo ako ng miserable't durog ang puso pero sa kabila n'un, hindi ko magawang magalit sa'yo. Araw-araw akong bumabalik rito at araw-araw ring bumabalik ang lahat-lahat ng ating ala-ala. Tama nga siguro ang iyong ginawa. Hindi maaaring ipagpilitan ang bawal dahil kailanman hindi magiging tama ang mali," sagot ko kay Adam.

"Salamat Alliah dahil ako'y pinatawad mo na. Salamat sa lahat ng ating ala-ala lalo na sa iyong pagmamahal. Salamat sapagkat sa tatlong taong nakalipas ay hindi mo ako nakalimutan. Salamat Alliah..," tugon ni Adam.

"Akala ko noon ikaw na ang lalaking nakalaan para sa akin. Akala ko kahit na mali, pwedeng ipilit lalo na kung alam mong doon ka sa bagay na iyon magiging masaya."

"Siguro nga, itinadhana na mangyari ang mga bagay na ito kasi kung ipinagpilitan siguro natin ang ating maling relasyon, sa huli pareho lang tayong masasaktan at magsisisi."

"Hindi natin pwedeng itama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali.Tama nga sila na hindi porket mahal mo siya at mahal ka niya ay magbibigay na ito ng garantiya na kayo na para sa isa't-isa at habangbuhay na kayo magkakasama dahil maaari ngang mahal ka niya ngayon, pero maaaring bukas wala na ang pagmahahal na iyon."

"Tama ka Alliah, kaya ngayon, ang pagkakamali natin sa nakaraan ay itatama natin. Sana maging masaya ka sa iyong buhay. Ang iyong kasiyahan ay siya ko na ring magiging kasiyahan. Mag-iingat ka parati," sambit ni Adam at kanyang niyakap muli si Alliah sa huling pagkakataon.

"Salamat Adam. Alam kong magiging maligaya ka sa iyong buhay na tatahakin. Sana ay pareho nating matagpuan ang taong tunay na nakalaan sa atin. Mag-iingat ka rin. Paalam," ani ni Alliah.

Naiwan akong mag-isa rito sa dalampasigan - ang lugar kung saan maraming iniwan na ala-ala sa aking puso't isipan, at hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Ngayon, sigurado ako sa aking nararamdaman. Tama ang aming naging desisyon. Hindi ko na nga mahal si Morito at tanging ang mga ala-ala na lang namin ang tumimo sa aking puso. Naghilom na rin ang mga sugat na iniwan niya sa aking puso. Maaaring may bakas ng sugat, pero alam kong darating ang taong tuluyang makakapagpagaling sa mga ito.

-

Siguro ito na nga ang aming masayang pagtatapos, hanggang dito lang ang aming pag-iibigan. Wakas nga bang maituturing? Maaaring hindi sapagkat ito ay simula ng panibago na namang kabanata ng aming buhay. Maganda ang aming huling pagkikita dahil alam kong pareho kaming maligaya, hindi man sa piling ng isa't-isa pero sa piling ng taong alam naming para talaga sa amin. Marami talagang taong darating sa iyong buhay. May darating para pasayahin ka, at mayroon rin para saktan ka. Pero hindi naman mahalaga kung nasaktan ka, dapat lagi mong tandaan ang aral na iniwan nito. Naging daan nga lamang si Adam para mahanap ko ang totoong para sa akin. Ngayon, natagpuan ko na siya - ang tunay na aking ligaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tunay na LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon