INTRODUCTION

190 6 0
                                    

Do you know how much God loves you? Do you know how painful it is  everytime He sees you crying, begging for that someone to love you back, though, you know for a fact that what you want to happen is more than impossible than seeing a craw colored purple.

We always tend to find the love that we want and we think we deserve while Someone out there is waiting, loving you, dying just to be with you and to have an intimate relationship with you. Eh ang biggest question eh kilala mo ba sya? If the answer is "Yes" the next question would be gaano mo sya kakilala?

Wooooh! English! Hahaha. Big word. Actually talaga mga siblings gumamit lang talaga ako ng Henglis to catch your attention. Hahaha. Syempre alam ko namang karamihan eh mas gusto na nakakabasa ng Henglis dito sa wattpad.

But kidding aside and going back to the topic which is the bery bery big love of our Lord God for us.

So ayun na nga. Kung mapapansin natin sobrang madami nang kanta ang maririnig mo tungkol sa isang topic na pag narinig eh dalawa lang yan it's either mananahimik ka kasi sa loob mo eh naiisip mo yung boyfriend mo o crush mo at kinikilig ka na or mag-iingay ka kasi feeling expert ka na at sobrang excited ka na na mag share sa iba. And that topic is crazy little thing called "LOVE". Yes, kahit nasan ka makakarinig ka ng lovesongs. Pero, familiar ka ba sa kantang "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo" ni Miss Zia Quizon?

Maraming nagtatanong bakit nga ba kasi hindi man lang ako magawang pansinin ni crush kahit konti lang? kahit kunwari lang na sakin sya nakatingin? Nag dahilan ka pa ng  "Lord, bakit naman po ganun? Di naman po ako katabaan ah? di rin naman po kapangitan, hindi nga lang ako ganun ka good looking saktong cute lang po, at mejo matalino rin daw ako? Sabi mo pa ginawa mo akong kawangis mo. Pag dating po yata sakin eh inantok na kayo at minadali ninyo na po ang paggawa sa akin. Bakit ganun po, Lord? Di nyo po ba ako mahal?" Wag mong itatanggi kasi alam ko sa buhay mo ay dumating rin sa point ng buhay mo na sobra kang nag s'self pity. Aminado ako, naisip ko na rin po yan at ng ginawa ko yun ang sama ng pakiramdam ko. Sinisi ko pa si God sa pagiging #insecure ko.

Pero sabi sakin ng classmate ko na parang Ate ko na rin, may mga bagay daw talaga na hindi ibinigay satin at ibinigay sa iba HINDI PARA INGGITIN TAYO PERO PARA MATUTO TAYONG MAG APPRECIATE, MAGPAHALAGA SA MGA BAGAY NA WALA TAYO.

Aminin mo na hindi mo naman laging naaappreciate ang mga bagay na meron ka. Halimbawa sa mga boys jan pag nakakita kayo ng bagong dating sa lugar nyo o kaya transferee sa school nyo eh magpapansin talaga kayo. Makikipagkaibigan at first, dadaan sa ligawan stage at pag siniswerte nga naman oh sinagot ka pa! Naging kayo pa! Eh di taas noo ka na nyan sa lahat. "Hooooh! Akin na tong pinapangarap lang ninyo! Pramis siya na ang Poreber ko!" Sa una para na kayong papel at lapis na di mapaghiwalay pero kalaunaman nagkasawaan din, dinamay nyo pa si "Poreber" kaya andaming bitter sa word na yan eh. Ginagamit kasi ng basta-basta kung saan-saan lang, hindi na inisip kung alam ba nila yung tunay na kahulugan nyang salita.

See? you took for granted everything. Dati pinapangarap mo pa syang magustohan nya, nag hirap ka pa sa panliligaw sa huli binalewala mo lang din. Alam mo kasing babalik at babalik sayo yung tao eh! Aminiiiiin naranasan nyo yan! Girl ka man o Boy relate ka parin jan! Yan ang dahilan kung bakit hindi ni Lord binibigay sayo lahat ng gusto mo. And God of course has His reasons. Baka naman kasi pag binigay sayo lahat eh Sayangin mo lang! Balewalain mo lang, Gamitin mo lang sa maling pamamaraan. Kaya wag kang masyadong magtampo sa Lord natin. Sa sobrang pagmamahal nya sayo tinuturuan ka nya ng lessons in life such as learning to appreciate things and to be humble.

Pero ito ang ang pinakamaganda jan nung isang gabi na lungkot na lungkot ako dahil di ko na nakikita yung looong time crush ko na itago natin sa initial na "B" (para hindi halata. Haha) Nagtext sakin yung isa sa mga Bestfriends ko, sabi nya. Kawawa naman daw ako. Di ko na nga nakikita crush ko di pa ako crush ng crush ko. (Di yan yung eksaktong sentence pero malapit-lapit na rin. Hehe) sa isip-isip ko. "Grabe naman to, ang supportive masyado sa likelife ko!" Pero ang nakakatuwa dun na nagbago sa paniniwala ko may pahabol sya... "Di ka nga crush ng crush mo kaya tigilan mo na yan, kasi alam mo may Someone out there na pag sya naging crush mo panigurado 100% suregado selyado hanggang dulo, di ka papaasahin Noon. Di ka mabibigo Doon. Kasi kung mahal mo Siya, bilyon-bilyong dami pa ang dami ng pagmamahal nya sayo." Tats ako dun. Kaya ayun, natulog ako ng ngiting-ngiti, parang inaatake ng ewan sa sobrang pagkakilig.

Nakita nyo yung babae sa picture sa taas na ang cute at nakangiti nakataas yung kanang kamay sa may forehead nya at parang may hinahanap dapat ganun tayo pag hinahanap natin si God, nakangiti dapat, kasi di nya naman tayo bibiguin eh naiisip nyo palang na hahanapin natin sya alam na nya yun! magpapapansin agad yan si God para hwag tayo mahirapan kakahanap sa kanya. See???? God natin Siya. Lord natin Siya tapos tayo, sino ba tayo? He will be God even without us, but without Him we are all nothing. Pero Siya pa yung nagpapakababa sa tulad nating mahilig magmataas, MAILIGTAS LANG TAYO. Lagi natin Siyang naiignore, pero Siya? Sobrang kulit... paulit-ulit na lumalapit satin, sakin, SAYO. Ganun ka Niya kamahal.

Sa sobrang pagmamahal Niya sa atin kahit lahat ng tao sawang-sawa na kakabigay satin ng second chance na naging third chance, forth chance na umabot sa walang hanggang chance na yata. SIYA? Kahit kelan hindi Siya magsaswa. Kukulitin ka parin Nun. Hanggang sa mairita ka na at pansinin mo na Siya. Sabi ko nga kung ang tawag sakin nila eh "makulit" na, eh ano pa SIYA???? Hahahaha. "Taas na nga kamay ko sayo eh. Mahal na nga kita palagay ko. MAGING SINO KA MAN!" Sinabi yan ng isang host sa tv show na pinapanuod ko pero, halos ganyan din po ang gusto Niyang sabihin sa atin yung sa Kanya nga lang wala yung "palagay ko". Kasi Jesus' love for us is what Barberos call as "SUREBALL!!!!"

God Loves Me EverydayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon