Chapter 1

42 0 0
                                    


I am broken as a whole...
I have a heart that beats,
but is too cold...
Somewhere, somehow
I hope to find a love that will hold my sinner soul, thus put me to my dear rest....

Evangeline or Eve, can't stop listening to Monster's song.
By chance lang na napakinggan niya ang kantang ito sa internet kaya naman ng magustuhan niya ay kaagad niyang dinownload sa kanyang I-phone, but the next day na binuksan niya ay nag shutdown na ang site.
Pilit niya itong hinahanap pero wala na ang mga kanta ni Monster na parang hindi naman talaga nag e-exist. Nang wala na talagang mapala ay tinigilan na niya ang pag-browse at pinatay ang laptop, past to 2:00 na kaya naghanda na siyang matulog.

Kinabukasan linggo tulad ng dati ay tinanghali na siya ng gising, ang mga magulang niya ay nasa ibang bayan kaya ang kasama lang niya sa bahay ay ang abuela, may maliit silang flowershop na ang marami ay kadalasang mga tanim nila sa likod- bakod.
Pero dahil everyday ay palaging fresh ang mga bulaklak hindi kataka takang marami na silang certified suki.

"Lola, good morning!" ang masayang bungad niya sa abuela ng mahanap ito sa kanilang malaking garden sabay halik sa pisngi.

"Good morning apo, o eh paki diligan ang mga rosas na pula at dilaw saka mamaya pa deliver ng daisy kay Mrs.Famor kasi darating daw yung anak niya na si Nita. Ipanlalagay lang sa kuwarto nung bata." Ang sabi ni Ka Nasing (Chrissanta) ang abuela niya.

"Opo, la.. nag almusal ka na?... hehe di pa po ako kasi kumakain."

'Ay! Abang bata ka! eh halika kumain ka na muna.' akay nito sa kanya. Ipinaghanda saka sinamahan pa siya ng butihing abuela sa pagkain.

Nang takip-silim ay naisipan ni Eve na maglakad-lakad sa kanilang likuran, hindi nalalayo sa garden nila ang mga may kalaguang mga puno dahil sa malapit sila sa ibaba ng bundok. Paburito niyang puntahan ang isang lihim na bukal sa pagitan ng dalawang malaking bato, malinis ito kaya kung minsan umiinom siya rito.
Malapit na siya sa bukal nakarinig siya ng mga kaluskos sa kanang bahagi kung saan mayabong at matataas ang mga damo.

Minsan talaga may mga usa at ibang klase pa ng mga hayop na naliligaw sa dako roon, kaya ipinagkibit balikat niya lang ito.
Pero maya-maya din ay nakaramdam siya ng pananaas ng mga balahibo, mahangin na ng oras na iyon pero nakakatakang wala siyang naririnig na huni ng mga ibon, pati mga paniking naglalabasan ng mga oras na iyon ay wala.
Kinilabutan siya ng makarinig ng tila atungal na parang isang iyak ng isang malaking hayop.
Kinakabahan man ay nilapitan niya ang ingay. Minsan kasi may mga nangangaso sa bundok na nagtatanim ng mga bakal na silo.
Ngunit ng ito ay kanyang malapitan, hindi niya napigilan ang malakas na pagtili.

'Aaahhhhhh!!!!."...

A monster's loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon