***Meet Xaeiah Xzy del Rosario. (ung artist is si Suradet Piniwat)***
Best friend.
Mataman kong tinitignan ang isang babae sa di kalayuan habang sumasayaw. Si Anne. Annessa Joy Dela Cruz is her full name. My best friend. She's always my partner in crime. Kasabwat sa lahat ng kalokohan. Pero di naman ung sobrang kalokohan, ung tama lang na pagpapasaway at naglaro sa aking isipan ang ilang mumunting alaala.
Ung tipong makikipag-away sa ibang kaklase. Mag-i-skip sa klase at di papasok sa hapon at uuwi kapag labasan na para hindi halata. Pupunta ng mga malls for window shopping. Pupunta sa bahay ng ibang kaklase para doon na maglunch at di na papasok ng hapon. Or sometimes dahil may malapit na ilog sa dito sa lugar naming ay doon kami pumupunta, sabay kuha ng manga ng walang paalam at picnic na.
Pero dati na yun. Nag-iba na ngayon.
Nag-iba? Hmm, sabihin na nating maturity had taken over, hehe. Well, it's inevitable. We're growing older and at the same time we get knowledge, wisdom and experiences. Good and bad experiences that teaches us to be always better than we are yesterday.
"Ang ganda niya" someone commented.
That's also I can say as I look intently to her, and that took me back to reality. No doubt about that she has the beauty, a sharp brain and talents. She's a real deal.
Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? She can dance, sing, play some instruments, and she writes stories and poems. She's taller than me, ng slight lang naman hehe. Medyo boyish din siya at mabilis siyang makakuhaan ng loob mapa-babae man o lalaki. And what I like more about her is, wala siyang arte o kaek-ekan sa katawan. I mean hindi mahilig sa mga make up, ganon. Kumakain ng kung ano-ano at game sa lahat. Which is one thing na lagi naming napagkakasunduan.
Pa'no kami naging close? Hmm, well magkapitbahay kami, same ang pinasukan namin na elementary school, same high school. Sabay papasok at sabay ding uuwi. Maghihintayan kapag magkaiba ng schedule kapag cleaner ang isa sa amin. Mga ganyang bagay kaya naging close talaga kami.
And now, same University but different courses. She's taking up BS BA majoring in marketing and I am taking up BS IT and I don't even know why I ended up in this course.
Kasi In-demand? Malaki ang sahod? Madali lang? Haha its not really about those reasons. Now I am kind of regretting it. Joke hindi naman. Kaya naman at kakayanin.
Right now, we are auditioning for the university's dance troupe. Nauna ako sa kanya na nagperform, so I'm waiting for her. Kahit na natanggap na kami sa publication ng University and we both choose literature, total hindi pa naman busy eh. First year pa lang kami. So pwede pa.
"Lahat ng nag-audition, please line up." Sabi nung leader ng dance troupe. "Total iilan lang kayo na nag-audition, we are accepting all of you. Each of you passed. Congratulations guys! You may go." Napa-yes kaming lahat sa announcement na iyon.
"One thing, itetext na lang namin Kayo if may practice na bukas it's for the upcoming buwan ng wika. So congratulations ulit!" Nag-thank you na lang kami at saka umuwi na.
Naglalakad na kami ni Anne papunta sa dorm na school din ang may-ari. We decided to rent kaysa sa mag-uwian para hindi hassle medyo malayo kasi ang university na ito sa mga bahy namin. It's a ten-story building na magkatabi, one for girls and one for the boys but it shares one cafeteria at the ground because it is just an L-shaped. Then there is a wall that separates the buildings. Hinatid ko na muna siya bago ako tumuloy sa room ko.
Na-orient na rin kami na may apat pa kaming kasama sa rooms, bale lima kami lahat doon sa isang kuwarto. Para na rin daw masanay kami sa ibang tao o kaya naman ay matuto kung paano pa makibagay sa ibang courses. Which is a good thing for us.
BINABASA MO ANG
Breakthrough
RomanceJust a BL sotry. Hope that you'll like and enjoy it. ung cover Update ko later. Happy Reading!