Kathryn
Umagang-umaga, pag-aaway agad ng parents ko ang naririninig ko or more like asaran. Hays. Ang tatanda na e.
Ugh. Inaantok pa ko e. Maya-maya, bumaba na lang ako. No use, kung matutulog ulit ako, sa ingay ba naman nila mama, di na ko makakatulog. -__-
Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko agad na ang sweet nila. -_- aga-aga landian agad. Haha, di sa bitter. ^__^V
Di lang talaga ko naniniwala sa forever.
Pagkapunta ko sa kusina, tinanong ko agad si mama kung ano breakfast.
"Ma, ano breakfast for today?"
"Aba Kathryn, kelan ka pa naging bulag? Hahahahaha."
"Ang pilosopo mo ma." Sabay irap ko sa kanya. Tinatanong ng maayos, ba naman yung sagot. Edi wow.
Tinawanan lang kaming dalawa ni papa.
Pagkatapos kumain, nag toothbrush ako.
At nanuod ng tv. Katabi ko si mama at papa. Nag-uusap lang kami para sa dadating na pasukan.
"Kath, kelan mo balak mag-enroll?" Sabi ni papa habang nilalaro nya yung kamay ni mama. Hay, masyadong pda e.
"Sabay na lang siguro kami ni Juls, daddeh."
"Ah sige. Basta sabihin mo kung kelan, para mabigay namin yung pera ah?"
"Opo."
Pagkatapos nila kong kausapin, umakyat ako sa kwarto ko para maligo.
Namili ako ng damit sa walk-in-closet ko at nakita ko yung high waist short ko na ombre. At kumuha ako ng sando na black at ni tuck-in yun.
Kinuha ko yung phone ko at tinext si Julia na mag-mall kami.
To: Sissy Julia
Sis? Mall tayo. Sunduin kita sa inyo. Ngayon na. MwaIlang seconds lang, tumunog na yung phone ko. At nakita kong nag-reply na si Julia.
From: Sissy Julia
Sige sis. Ligo lang me.To: Sissy Julia
Sige sis.Pagka-reply ko, bumaba na ko para magpaalam at kinuha ko na yung susi ng Audi r8 ko.
Pagkapunta ko kila Julia, nag-beep lang ako, at lumabas na si Juls.
"Anong mall tayo sis?"
"Rockwell na lang us."
Nag-drive na ko at ilang minuto lang nakadating na din kami sa rockwell.
Nagpunta muna kami ni Julia sa forever21 para maghanap ng kung anong magandang damit na makita namin.
Nagpunta pa kami sa ibang store para bumili ng mga damit at sapatos.
Marami na din kaming nabili at pagod na sin kaming mag-ikot.
Julia and I decided na kumain muna sa isang italian restaurant.
Pagkapasok namin ng restaurant. In-assist naman kami agad nung waiter.
Pagkakuha ng order namin, umalis na yung waiter.
Nag-usap muna kami Juls, about stuff.
Ilang saglit lang dumating na yung order namin at agad kaming kumain ni Juls.
After namin magbayad, umalis na kami ni Juls.
Pumunta na kaming parking lot ni Juls at pinindot ko na yung susi ko para magbukas yung kotse ko.
Hinatid ko muna si Julia sa kanila.
"Di ka na papasok sis?"
"Di na sis. Next time na lang siguro. Pagod na din kasi ako eh."
"Ah okay, sige. Bye, take care okay?"
"Yeah. Bye."
Pagkatapos ko ihatid si Julia, umuwi na ko.
Pagkauwi ko, mukhang wala pa sila mommy at daddy. Kaya umakyat na lang ako.
Naglinis ako ng katawan at nagpalit ng pantulog.
Pagkahiga ko, chineck ko lang yung phone ko saglit kung may nag-text ba. Eh wala naman kaya pinikit ko na ang mga mata ko. At ilang saglit lang nakatulog na ko.