"Pepero nalang ba?" Tanong ni Yuki saakin.Nasa may chocolate shop kami ni Yuki bibilhan namin ng chocolate si Ayane. Dadalwin namin siya dahil nilalagnat din sya. Uso talaga ang lagnat ngayon dahil sa panahon. Mabuti nalang gumaling na ako sana gumaling na din si Ayane.
"Oo favorite nya yan eh." Sabi ko. Tumango siya sakin at kumuha ng tatlong pepero na iba iba ang flavor tapos kumuha siya ng toblerone. Pumunta na kami sa counter para bayaran ang binili nya.
"Yumi?"
Sabay kaming lumingon ni Yuki sa tumawag saakin.
"Uy Khalil." Sabi ko sakanya.
Lumabas kami ng shop nakakahiya naman kung dun kami magkukwentuhan.
"Kamusta yung laro? Panalo ba?" Tanong ni Khalil.
"Oo. Salamat sa tulong nyo ni Janus." Sabi ko. Kinwento ko yung nangyari nung intrams.
Kahit paano hindi parin nawawala yung pagiging close namin ng mga dati kong kaklase nung elementary. Minsan kasi naggugroup chat kami sa facebook.
Nung natapos ng magbayad si Yuki nagpaalam na kami kay Khalil na aalis na. Nagtricycle nalang kami ni Yuki papunta sa bahay nila Ayane. Si Yuki nakatahimik. Siguro nag iisip na siya ng sasabihin nya kay Ayane.
"Sana gumaling na sya. Namimiss ko na sya." Sabi ni Yuki saakin pagkababa namin ng tricycle. Inabot ko na yung bayad kay manong at humarap kay Yuki.
"Gagaling na yun. Makakausap kana nya eh." Sabi ko.
Tumango sya saakin huminga muna siya ng malalim bago siya nagdoorbell.
"Yuki bakit nasa labas kayo?" Tanong saamin ni Ate Lorie kapatid sya ni Ayane mas matanda si Ate Lorie ng limamg taon kay Ayane. Binuksan nya ang gate at pinapasok kami.
"Ate Lorie si Ayane po?" Tanong ni Yuki sa Ate ni Ayane kakarating lang ni Ate Lorie kaya sinabay nya na kaming pumasok.
Pagpasok namin naabutan namin yung Lola nila Ayane na naka upo sa sala nila. Lumapit si Ate Lorie at nagmano.
"Lola si Ayane po?" Tanong ni Ate Lorie sa Lola nila kami naman ni Yuki lumapit kay Lola ni Ayane para magmano rin.
"Nasa kwarto." Sagot ng Lola nila.
"Tara samahan ko na kayo sa kwarto ni Ayane." Sabi ni Ate Lorie. Tango kami ni Yuki at sinundan si Ate Lorie papunta sa kwarto ni Ayane.
"Pasok na kayo." Sabi ni Ate Lorie. Tumango lang kami kay Ate Lorie naunang pumasok si Yuki sa kwarto ni Ayane sumunod ako.
Inilagay ni Yuki yung regalo nya sa tabi ng kama ni Ayane bago kami umupo sa may sofa sa gilid. Natutulog si Ayane habang may bimpo sa noo nya mukhang mataas yung lagnat nya. Namumula yung balat nya pinagpapawisan din sya.
Nakatingin kami kay Ayane hinihintay siyang magising. Simula nung dumating kami dito sa bahay nila hindi pa siya nagigising.
"Yuki?"
Mahinang sabi ni Ayane kaya biglang napatayo si Yuki sa sofa at lumapit kay Ayane. Ganun din ang ginawa ko tumingin siya saakin yung tingin na nagtataka nagkibit balikat nalang ako.
BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
Ficción GeneralHigh School Means Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat na kalokohan "Tara cutting tayo!" Sa gi...