[Ashley's POV]Totoo ba to?! tumatakbo ako na masaya? may kasama akong gwapong lalaki at naka hold hands kami? nasa forest ba kami? o nasa heaven ? hayss !!! wag ko na nga isipin ang saya ng moment ko e.
Pinipilit kong tignan yung mukha nung lalaki pero di ko makita, sinubukan ko ulit tignan pero di ko parin makita.Omygod! ito na ba yun? siya na ba yun? si true love na ba to? grabe ansaya naming dalawa habang tumatakbo. Nag e-enjoy ko na lang ang bawat moment na hawak ang kamay niya.
Nakita kong ngumiti siya sa akin. Mygod! heaven na to! ang sweet ng ngiti niya sa akin, makalaglag panty siya friend!.
Huminto kami sandali sa pagtakbo. nang bigla niya akong itinulak sa puno. Anong balak niyang gawin?! jusko napakabata ko pa po wag muna ngayon?! lord help me!
Papalapit na siya....
5 inches.........
4 inches........
3 inches.........
2 inches......
1 inches na lang.......
Balak niya na bang halikan ako? Pinikit ko na lang yung mga mata ko dahil sa sobrang kaba ko.
When I open my eyes. Panaginip lang pala yun akala ko totoo na -,- sayang naman yung moment ko dun nasira pa! kainis! hahalikan niya na sana ako, anubayan! ang tanga ko >.
Inaantok pa ako kaya natulog ulit ako baka sakaling ma resume pa yung moment na yun.
Idinilat ko na lang ulit yung mata ko, di na ako makatulog e.
Pagdilat ko ng mga mata ko may nakita akong dalawang bata na nasa kama ko, at may hawak silang balde. Nanaginip ata ulit ako e. Imposibleng may bata sa bahay namin.
Kami lang dalawa ni mommy nasa bahay, di kaya multo to?
Tatayo na sana ako nang bigla nilang buhusin yung balde sakin.
"Kyaaaaaaaaaa!"
tumili tuloy ako. paano ba naman binasa ako umagang umaga, napakaaga naman ng pagligo ko. Akala ko talaga nanaginip o minumulto ako, nasa reality na pala ako at basang basa."Hahahaha! Hahahaha!" tawa ng dalawang bata sa harap ko. tinignan ko sila ng masama.
"Hahaha! Hahaha!" aba tumatawa pa rin sila. di man lang sila natakot.
"Humanda kayo sakin!!!" sigaw ko sa kanilang dalawa.
Tumakbo sila palayo sakin.
"Hoy! Kayong dalawa. Bakit niyo ko binasa?" Takbo parin sila ng takbo, ako naman hinahabol sila.
"Hoy! Humanda talaga kayo sakin pag nahabol ko kayo" Sigaw ko ulit sa kanila. Aba! hindi sila natatakot sakin.
Pababa na sila ng hagdanan kaya bumaba rin ako pero pagdating ko sa dulo ng hagdanan. Nadapa ako -,- kalampaan na naman pinaiiral ko pero tumayo ako na parang walang nangyari.
Hinabol ko ulit sila hanggang sa mapunta na ako sa kitchen.
Tumigil ako sa pagtakbo kasi nasa harap na ako ni mommy at tita na kasalukuyang kumakain.
Tinitignan nila akong dalawa habang hinihingal ako.
"Ashley! bakit hingal na hingal ka?" sabi sakin ni mommy na nag-aalala.
"Mommy kasi yung dalawang bata hinahabol ko" sagot ko sa kanya, napatingin ako sa likod ni tita. Nakita ko yung dalawang bata nagtatago sa likod ni tita.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Forever
RomantizmStorya ng babaeng palaging iniwan ng mga taong mahal niya, paano kung ang pinaka mamahal niya mawala rin? Makakaya niya pa bang mabuhay mag-isa?