28

3 1 0
                                    


Third Person POV


Napalingon si Raver sa pintuan nang makarinig ito na ngiyaw ng pusa at mukhang pamilyar sa kaniya ito. Agad niyang pinuntahan ito at tumingin sa kaliwa at kanan ngunit wala siyang nakita na pusa o kahit tao na naglalakad sa hallway.

Hinayaan na lamang niya ito at agad bumalik sa loob. Umupo ito sa sopa sabay lingon sa gawi ng isang nurse na nakatingin sa puwesto ng kaniyang kapatid. Napansin niya na para bang gulat ito habang nakatingin sa barrier. Pinagtaka ito ni Raver ngunit hindi na niya pinatagal pa ito.

" Maaari ka ng umalis. Ako na lang muna ang magbabantay sa kapatid ko." Raver.

Ilang segundo bago nakabalik ng wisyo ang nurse. Yumuko ang nurse at nagmadali itong lumabas ng kuwarto.

Napatitig na lamang sa kisame si Raver dahil hindi niya alam ang gagawin kapag nalaman ng kaniyang mga magulang na may nangyaring masama sa kaniyang kapatid, maaaring magkagulo lalo na't iniingatan nila ito.

Problema ang pumapasok sa utak ni Raver dahil sa sunod-sunod nitong pangyayari na hindi niya inaasahan. Una, ang pusa nila na hanggang ngayon ay hindi pa rin mahagilap. Halos magwala ang kaniyang ina dahil sa nawawala nitong paborito niyang pusa. Pangalawa, ang kapatid niya na matapos pumasa ng pagsusulit ay nawalan naman ito ng Essence. Simula nang matapos ang pagsusulit, sa tingin niya ay marami pang mangyayari na mas malala kumpara ngayon.

Napabuga ng hangin si Raver at humiga na lamang ito sa mahabang sofa. Tumingin si Raver sa barrier na nakapalibot sa kapatid niya kasama ang enerhiya niya. Iniisip rin niya ang gaganapin na pagtitipon ngunit mas kailangan siya ng kapatid niya kung kaya't gumawa na lang ito ng kaparehas niya.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Lumipas ang ilang minutong pananatili nila Telesce sa isang kuwarto, napag desisyunan niya na lumabas ng kuwarto at pumunta sa isa pang kuwarto na pinagtulugan niya.

Sumilip muna ito sa bawat gilid at nang masiguro niya na walang tao sa hallway ay humakbang na ito palabas. Agad siyang dumiretso sa kuwarto niya at hindi pinansin ang pumepeste sa buhay niya.

Nararamdaman niya ang buntot na hinahampas sa kaniya ngunit wala itong reaksyon at diretso lamang ang lakad nito. Malapit na siya sa kuwarto nang bigla na lang kinuha ng peste ang card na hawak nito. Napalingon agad si Telesce kay Swiper na ngumingisi pa habang iwinawagayway ang card na hiniram nito.

Nainis si Telesce sapagkat ayaw siya tantanan nito kahit isang araw lang. Padabog itong humakbang palapit kay Swiper ngunit kumaripas ito ng takbo kung kaya't tumakbo rin si Telesce upang makuha agad ang card.

Pagbaba nila ng unang palapag ay maraming tao ang naglalakad sa hallway at sa waiting area. Halos lahat ng tao ay napapalingon sa dalawang nagtatakbuhan na akala mo ay naglalaro lang ng habulan.

" Kapag naabutan kitang hayop ka, malilintikan ka talaga sa akin!" Sigaw na saad ni Telesce.

Hindi niya pinansin ang mga tao na nakatingin sa kanila dahil nakapokus ito kay Swiper na malapit na niya ito maabutan. Bago pa man sila makalabas, narinig niya ang bulungan ng mga tao. Agad nagsitakbuhan ang mga tao papunta sa puting pintuan. Hindi alam nila Telesce kung anong ganap sa labas dahil lagi sila may sariling mundo.

Nainis si Telesce dahil ang akala niya ay matiwasay itong makakalabas ngunit halos lahat na nasa unang palapag ay nasitakbuhan rin palabas kung kaya't siksikan sila. Gustong sapakin ni Telesce ang tumutulak sa kaniya ngunit nakatuon ang mga mata nito kay Swiper na kasalukuyan nasa lobby.

Ilang segundo ang nakalipas, nakalabas si Telesce at agad tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Swiper ngunit kumaripas ito ng takbo palabas ng infirmary.

Adastrea: Journey to the Parallel UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon