Chapter 15

1 0 0
                                    

"Ay giatay"


"Ilan score mo?" Auri asked


"5 over 20" dissapointed na sabi ko


"Tangina, six sa 'kin" she laughed. How could she laugh?! I studied so hard tapos ganito lang score ko?! Kingina!


"Ikaw, Kai, ilan sa 'yo?" Tanong ni Kyle na nasa likod ko kay Kaia na nasa tabi niya kaya napatingin naman kami sa kaniya


"15 lang" walang emosyong aniya


"LANG?!" Aniya naming tatlo. Well it wasn't a surprise to us that Kaia got a high grade. She's intelligent and very studious compared to me na kapag nag-aaral, parang napipilitan lang.



"How are your studies?" Dad asked while we were out in a family dinner at Cusina De Oro. My brother just got home from Canada so we're having a welcome home dinner for him. Everyone was there, even ate Lucy.


"I'm doing fine" yun nalang ang tanging sagot ko, kahit sa totoo lang gusto ko ng mag drop out. This isn't the course I wanted. At pinipilit ko lang ang sarili kong gustuhun at mahalin ang kursong ito para lang hindi ma-dissapoint ang pamilya ko. But it's so hard! Dalawang taon ba akong nagdudusa sa kursong ito, my job is to save lives pero mukhang mauuna pa akong mamamatay.


"You need to study more to get on the dean's list Lallaina. That will give you advantages on the future if you have a good resumé. Tignan mo ang ate at kuya mo," what's the point? Dean's lister o hindi, sa hospital na pag mamay-ari lang din naman namin ako magtatrabaho gaya ng mga kapatid ko.



Hindi nalang ako umimik at tumango-tango nalang sa mga sinabi nila mommy at daddy. Buti pa si Lars, andali niyang maka cope up sa course niya. Ako lang talaga yung nag-iisa sa pamilyang ayaw na ayaw ang kursong medisina. Like me, Lars is also taking up nursing. But he's in Velez. Ayaw niya na raw sa Veda. Gusto niya ng new environment. Yeah right, nandun lang talaga crush niya. Habang ako naman, nanatili ako dito kasi nandito naman ang mga kaibigan ko.

Hinatid lang ako nila daddy sa tapat ng condo building ko kaya kumaway na ako sa kanila. Kaya lang naman ako nagka condo dahil nakipag deal ako sa kanila. I told them that I'll take up whatever course they want me to take if they give me my own unit. It was so hard to persuade them at first but they said yes eventually. And now, I finally have my own space, freedom and life. Well not literally, but atleast I'm on my own now.



"Meow!"


I smiled when I opened my door and saw Lili behind the door waiting for me.


"Hello there precious, I brought you food!" Sabi ko at sumunod naman siya sa kusina. I got her little cat bowl at nilagay yung extra food kanina sa restaurant. Simula nung mag college ako, dahil sa influence ni Amarah at Auri, natutunan ko ang mamalot ng extra food or what they call BH. Nasanay narin ako sa ganun so that the next day I won't need to cook food but I could just heat up my BH. And also because I have my own cat and I need to feed her. May cat food naman pero that's so expensive! I actually got her as my 18th birthday gift from Lars. He said his friend's cat gave birth and he asked for one to give me since palagi raw akong nag kekwento tungkol sa mga pusa and how much I wanted one.


Hanggang ngayon iniisip ko parin kung buhay paba yung dalawang pusa niya? Well, I hope so.


Dumiretso narin ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay nagbihis narin. Wala akong pasok bukas kaya makakapagpahinga rin ako. I was laying on my bed at umakyat naman si Lili at humiga sa bandang tiyan ko. Hinayaan ko lang siya habang nag so-scroll ako sa Instagram ng mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na mukha sa isang post ng ka block mate ko.



My Greatest Adventure (BRKDA SERIES 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon