Chapter 1

34 4 2
                                    

Chandria POV


"Hilahin kaya natin?" Tanong ni Kuya Charles


"Wag baka magalit!" Saway ni Kuya Chance


"Hmm, oo nga noh?? Alam ko na!" Sabi ni Kuya Charles


"Ano?" Pagtatanong ni Kuya Chance


"Hawakan mo sa paa, tas ako sa kamay, tas hagis natin sa cr!" Sabi ni Kuya Charles.


"Sira ka charles! Edi nasaktan yan!" Sigaw ni Kuya Chance kay Kuya Charles.


"Hindi Chance!! Sa tubig naman natin sya ihahagis para gising agad!" Pagpapaliwanag ni Kuya Charles.


"Oo nga noh? Di ko naisip yan ahh, sige!" Pagsang-ayon ni Kuya Chance sa naisip ni Kuya Charles.


Naalimpungatan ako sa pagtulog ng marinig ko pinag-uusapan ng dalawa kong isip batang kuya kung paano nila ako magigising.


"Kuya chance!! Kuya charles!! Tigilan nyo nga ako!! Lumabas kayo sa kwarto ko!!" Sigaw ko sakanila kasi sinira nila beauty sleep ko!


"Baby naman, nagmamalasakit lang kami ni Chance sayo kasi baka malate ka! Transferee ka pa naman." Sabi ni kuya Charles.


"Oo nga naman baby, love ka namin kaya ayaw ka namin malate, diba Charles?!" Sabi ni Kuya Chance


"Oo nga baby." Pagsang-ayon naman ni kuya Charles -.-


Nagsabwatan pa sila, tsk mga isip bata.


"Tigilan nyo nga ako ang tatanda nyo na mga isip bata parin kayo!" Sigaw ko sakanila.


"Ouch!! Di na tayo kailangan ni baby!!" Pagdadrama ni Kua Charles.


"Oo nga charles, wala na tayong kwenta sa mundo!" Isa pa tong si Kuya Chance -.-


"Ewan ko sainyo ang dadrama nyo lumabas nga kayo ng kwarto ko!" Naiirita kong sabi este sigaw pala!


"Hehe, oo na nga baby, tara na Chance." Pagyayayang lumabas ni Kuya Charles kay Kuya Chance.




Pagkalabas nung dalwa kong kuya na may saltik ang utak ehh nagdiretso na ako sa banyo.


Habang nagbibihis ako napansin ko parang ang haba na ng buhok ko, magpapagupit nga ako.

So yun sinuot ko na uniform ko then kinuha ko na backpack ko saka lumabas.


*Sa school*



Waah! Ang laki pala nitong school na lilipatan ko!! Baka maligaw ako nito??!


Habang naghahanap ako ng room may nakabungo sakin na lalaki.


Ready na sana akong bungangaan kaso napansin ko ang gwapo pala.


"Ay sorry miss, may masakit ba sayo??"Tanong ni kuyang pogi. Omyghadd! Oxygen please?


Ay bobo, malamang yung puwit ko kasi natumba ako! Gusto ko sanang isigaw kaso pakabait muna ako first day of school palang naman eh.


"Hehe, okay lang ako." Sabi ko


"Ah, anong room mo hatid na kita?" Pago-offer niya sakin.


"Room B-A" Simpleng sagot ko.


"Talaga?? Magkaklase pala tayo, sabay ka na sakin." Nakangiti niyang sabi.


"Talaga?? Buti naman!! Sige tara na!" Nakangiti kong sabi din sakanya.


"By the way im skyler, and you?" Tanong niya. Ang gwapo talaga! Shetness overload.


"Im chandria." Sabi ko.


"Hmm, nice name, your also pretty," Sabi niya. Emeghed!


Tomato attack! Wahhhh! Namumula ako! Enebe! Weg me keng belehen!


"Ah, hehe, salamat." Nahihiya kong sabi


"Wala yun, so? Shall we go?" Tanong niya. Kung ibang tao to kanina ko pa to nabara.


"Sige tara na." Sabi ko kay Skyler.


And yun naglakad ba kami papuntang room.

Mukang mag-eenjoy ako sa new school ko ahh.

Forgotten Past (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon