Limang araw na ng makalipas nung natagpuan ni Mutya ang misteryosong lalake na nangangalang Hakashi, nasabi niya na sa kaniyag ate Florencita ang mga nangyari. Halo-halo ang reaksyon nito habang kwinekuwento ng kapatid ang mga naganap nung ito'y tumakas.
"Kailangan ko ng umalis, Hakashi." Napatakip ng bibig si Mutya dahil hindi kaaya-aya ang kaniyang tono at hindi niya din natawag na kuya ito. Halatang halata naman na mas matanda si Hakashi kay Mutya.
Wala namang reaksyon at nasabi si Hakashi, ngunit sa huli ay napatango nalang siya.
"Sige, paalam na. Maraming Salamat sa iyong pag-tulong." Mahinhing wika ng dalaga.Pag-labas ni Mutya ay may matandang ginang na nakatayo sa tapat ng pinto at muhkang may hinihintay sa loob.
"Nariyan ba si Hakashi?" Tanong ng matandang ginang kay Mutya.
"Kayo po ba ay ang kaniyang-"
"Hindi. Ako ay isang albularyo"
"Pintawag ako dito ni Hakashi."
"Kung gayon po ay maari na po kayong pumasok"
Nagtaka naman ang albularyo sa sinabi ng dalagita, tila hindi ito papapasukin pag hindi niya sinabi na isa siyang albularyo na pinatawag ni Hakashi.
Nakita ni Mutya na nahihirapan maglakad papasok ang matandang ale kaya tutulungan niya eto. Subalit mabilis na binitawan ng ginang ang kaniyang mga kamay na tutulong dito.
"Kaya ko na ang aking sarili hija. Nakayanan ko maglakad mag-isa patungo dito, pag-pasok pa kaya dito?" Wika ng albularyo.
Napangiti naman si Mutya sa sinabi nito. "Sige po, mag-ingat na lang po kayo" Tugon niya.
"Ikaw ang mag-iingat hija." Wika ng albularyo na walang reaksyon na makikita sa muhka.
Napatango nalang ang dalagita, akmang maglalakad na ito ngunit hinawakan ng matandang babae ang kaniyang pulso at may binulong.
"Ipapanalangin ko sa Diyos na ikaw ay kaniyang ingatan. Tila hindi maganda ang iyong magiging kinabukasan. Layuan mo ang binatilyong ito ngayon pa lang para ika'y hindi na mahirapan."
Tumango nalang ulit si Mutya at nagsimula ng maglakad papalayo sa kubo, habang naglalakad ay iniisip niya kung tungkol sa ano ang sinabi ng matandang albularyo. Ngunit naisip niya na hapon pala si Hakashi, kung kaya't maari siyang pagtaksilan at ipadakip.
Iniisip niya din kung may mas pinapahiwatig pa ang ginang sakaniya.
Pahiwatig na mas malalim ang ibig-sabihin.
"Ayun lang ang mga nangyari?" Tanong ni Florencita sa kapatid. "Opo ate...May kakaibang pakiramdam ako sa nasabi ng albularyo" Napakagat sa ibabang labi si Mutya, madalas niya itong ginagawa pag kinakabahan.
"Huwag mo masyadong alalahanin ang sinabi niya saiyo. May mas mahalaga pa tayong pag-uusapan"
"A-ano iyon ate?"
"Bakit ka tumakas?" Tanong ni Florencita habang nakahalukipkip.
"Ate gaya ng sabi ko saiy-"
"Nais mong iwasan si Mateo at Clarencia? Pati ang pinsan ng iyong kaibigan?"
Napatakip sa bibig si Mutya sa narinig. "P-pano mo-"
"Sinabi saakin ni Clarencia. Oo, may namamagitan sa iyong kaibigan at sa ating kapatid, nais ni Clarencia na humingi ng tawad dahil hindi niya agad nasabi sayo" Tugon ni Florencita kay Mutya.
BINABASA MO ANG
Something about Love and Us (ONGOING)
Historical FictionPilipinas 1941, taong sinakop nang mga Hapon ang Pilipinas. Disyembre 8 1941 ng biglang inatake nang mga hapon ang Pilipinas. Dinukot ng mga hapon ang mga pamilyang opisyal, at ang mga taong may kasangkutan sa gobyerno. Isa na doon and pamilyang Rox...