*Andrei's VP*
"Lalalalala"
"Mukhang masaya ka ata anak ha" sabi ni Mama habang nagmamadaling nag-aayos ng gamit.
"Parang ganun na nga po Ma" tugon ko.
"Oh sige anak ha mauuna na ako, huwag mong kalimutang ilock yung bahay pag-alis mo. Babay, mwah" nagmamadaling paalam sa akin ni Mama.
"Opo Ma" sagot ko habang naghahanda na rin sa pag-alis.
Oo aalis ako, ay hindi, its more like aalis kami. Oo, KAMI. Hihi.
Nagyaya kasi si SuperFlash este si Rein kagabi na lumabas kami. Tutal sembreak naman eh dapat sulitin kaya pumayag ako, at isa pa bonding na din namin to, sa tagal ba naman namin na hindi nagkita at nagkasama eh diba.
*pppppiiitttt pppiiitttt*
"Wait lang andyan na." Sigaw ko at nagmadaling lumabas ng bahay. At nilock ang bahay dahil bilin ni Mama diba.
Paglabas ko bigla akong naexcite kasi nakita ko ang kotse ni Keann. Teka totoo ba to? Si Keann? So hindi siya umalis? Yes, yes, yes. Sobra akong natuwa bigla.
"Tatayo ka nalang ba diyan at tititigan tong kotse. Hahaha" bigla akong nagising sa pagpapantasya ko, oo pantasya dahil imbes na si Keann ang makita ko ay si Rein ang lalaking lumabas mula sa kotse.
"Ah eh, may naalala lang kasi ako" palusot ko sabay ngiti na rin sa kanya.
Teka, bakit gamit niya tong kotse ni Keann? Hindi kaya magkakilala sila? Naku hindi naman siguro. Baka kapareho lang. Tama tama, kapareho nga lang siguro.
"Andito na nga ako iisipin mo pa ako." Banat niya sabay ngiti pa.
"Naku ikaw talaga, tara na kaya noh" aya ko sa kanya.
"Pinapatawa lang kita, ang seryoso mo kasi. Hahaha. Pasok na" sabi niya kaya sumunod na din ako at pumasok na sa kotse.
---------------
"Nagugutom ka ba? Do you want to eat first?" Tanong agad niya sa akin pagkapasok namin ng mall. Gusto daw niyang manuod ng sine eh.
"Ah eh, ikaw bahala. Hindi pa naman ako nagugutom" Sagot ko.
"Ok tara" sabi na sabay hila sa akin sa isang restaurant. "Mas mabuti pang maagang kumain kesa late na tayo kumain mamaya." Dugtong niya.
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
RandomSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...