Maaga akong nagising kahit na masakit pa yung ibaba ko. Gusto ko kasing mag luto ng breakfast namin ni Dark bago kami umalis.
Simple breakfast lang niluto ko. Kakagising niya lang at tamang tama naman na kakahain ko lang ng pagkain.
"Good morning, baby." Bati niya sabay patak ng halik sa labi ko. Bango niya, fresh na fresh kahit bagong gising. Sarap kagatin, rawr.
"Good morning,"
"How's your sleep?" Tanong niya sabay tingin sa ibaba ko.
"Dark!"
"Hahha, what?!"
"’yan mata mo," nakanguso kong saabi. Lumapit ito sa akin at pinulupot ang kamay sa bewang ko. Naka back hug kung baga.
"How's your feeling?" Nakapatong ang panga niya sa abaga ko,
"Medyo masakit, pero okay lang. Masarap naman e, hehehe."
"I love you." Hinalikan pa ako nito bago pinag hila ng upuan.
Kumain kaming dalawa at naligo muna sa dagat bago nag handang umalis. Ten am na at paalis na kami. Si Dark narin ang mag d-drive ng yate pabalik. Kaya nandito kami ngayon sa taas, kasama ko siya habang minamaneho niga yung yate. Sana all nga marunong e. Sabagay, lahat naman ata alam manihuin ng lalaking ’to e.
"Where here," aniya. Tanaw ko na nga din ang dalampasigan na dinaanan namin.
"Pano yan, iiwan ko nalang yung mga damit na nasuot ko dito?" Tanong ko,
"Yeah. Babalik pa naman tayo dito e." Excited akong bumaba, inalalayan niya naman ako kaya safe naman kaming nakabalik sa dalampasigan. Yung mga bodyguard ni Dark ay inayos na ang yate.
"Please, take care my yatch."
"Yes, boss!"
"Are you hungry?"
"Hindi pa. Kumain na tayo before tayong umalis a."
"Just wonder,"
**
Nakasakay na kami sa kotse ngayon pauwi. Pagod na pagod ako, parang ngayon ko lang naramdaman yung pagod. Well, sino ba makakaramdam ng stress at pagod pag nasa ganon kagandang lugar ka."May bibilhin ka pa ba for your family?" Tanong niya na nasa city na kami.
Gusto ko mang matulog pero pinipigilan ko lang kasi kawawa ’to pat tinulogan ko. Mabobored lang siya habang ako masarap ang tulog. Mabuti na'yung pareho kaming pagod mamaya.
"Uhm, ice cream nalang siguro. Paborito kasi sa bahay ang ice cream." Ani ko,
"Really? That's my favorite also." Hindi na ako nagulat kong paborito niya rin ang ice cream. Halos lahat ata fav. yun.
"What's your favorite flavor?" Tanong ko, baka same kami.
"Chocolate with strawberry, gusto ko yung sabay kong kakainin yung dalawa. Damn. Sarap,"
"Really?!" Gulat kong tanong,
"Yeah. Don't worry, ipapatikim ko sa'yo next time."
"Favorite din ’yan ni lynlyn," mahinang sabi ko.
Huminto kami sa isang convenient store para bumili ng ice cream. Bumili ako ng favorite ice cream ng anak ko, nag taka si Dark kong bakit yun binili ko, sabi ko favorite kasi ni Lynlyn,
"Who's lenlen?"
"Ahh-huh?" Bakit parang naging kabado ako sa pag sabi niya sa pangalan ng anak ko? Bakit parang kinabahan ako bigla?
"Is she your pamangkin?"
"Ah-no, yes. I mean, ehehe baby girl namin sa bahay." He just nodded.
"Let me buy this," kinuha niya sa akin yung dala kong ice cream at dinagdagan ng isang chocolate at strawberry, bale two chocolates and two strawberries yung babayaran niya. Hindi naman ako nag protesta dahil sanay na ako sa mga ganiyan niya.
"Let's go." Siya narin ang nag dala ng binili namin, malapit narin naman kasi kami sa bahay.
***
"Thank you for the ride and thanks for this ice cream. Salamat din dahil dinala mo ako sa magandang lugar, and I will never forget our first night." Ani ko sa kaniya. "Do you want to meet, Lynlyn?" I think this is the right time. I know na maintindihan ako ni Dark and I know he will accept my daughter.
"Sure. I want to met her also."
"Good. Pasok ka muna, nasa loob yun, nanunuod ata ng tv." Ani ko sa kaniya,
Akmang papasok na kami ng tumunog ang cellphone niya.
"Wait, let me answer this first." Lumayo siya at tiningnan ang cellphone, kita ko ang pagkahinto niya. Ilang minuto pa bago niya sinagot ang phone niya. Tumingin pa nga muna ito sa akin.
"Sino kaya yung tumawag?" Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko naman kasi pweding itanong sa kaniya yun mamaya.
Ilang minuto pa ang hinintay ko bago siya bumalik. Nag taka pa ako dahil salubong na ang kilay niya,
"You okay?"
"Yeah. Sorry baby, I really have to go. See you tomorrow," hinalikan niya lang ako sa noo at patakbong pumasok sa kotse niya at pinaharurot ito.
"Ano kayang problema?"
"Mommy!"
Napalingon ako sa anak kong patakbong pumunta sa akin. Miss na miss ko ang batang to.
Pumasok kami at binigay ko sa kaniya yung binili ni Dark, tuwang tuwa tuloy ang anak ko.
***
Kinabukasan ay pumasok ako, pero walang Dark na sumalubong sa akin. Pumunta ako ng penthouse niya pero wala siya, nag hintay naman ako dito hanggang hapon sa opisina pero wala paring dumadating. Nasaan na kaya ’yun?
Tinatawagan ko naman pero walang sumasagot. Bakit hindi niya sinasagot tawag ko?
"Asa'n na kaya ang lalaking ’yun?" Walang gana akong umuwi, bigo na makita siya today.
The next day ay ganon padin, hindi ko siya nakita buong araw sa opisina. Tinanong ko naman yung kapatid niya ang sabi may inaasikaso daw. Ano naman kaya inaasikaso nun?
Ngayon ay Saturday at bukas ay walang pasok, hopefully makita ko siya ngayon. Three days na siyang absent, ano kayang ginagawa nun?
Nakatutok ako ngayon sa laptop at nag tatrabaho, hindi porque iba na relation naming dalawa ay hindi parin ako mag t-trabaho diba.
"Dark!" Bigla akong napalingon sa bumukas na pinto. Pero ganon nalang ang pagka dismaya ng hindi si Dark ito.
"Hindi parin ba siya pumapasok?" Tanong ni Zander, kapatid ni Dark.
"Hindi pa," miss ko na talaga siya.
Kinausap lang ako ng kaunti ni Zander at umalis na. May kinuha lang siya sa office ni Dark. Hindi niya rin daw alam kung nasa'n ang kapatid niya.
Hapon na at ilang oras nalang uwian na pero hindi ko parin nasisilayan si Dark. Haytss.
Nakatungo lang ako sa lamesa ng biglang bumukas ang pinto ulit. Hindi na ako nag abalang lumingon dahil baka si Zander lang.
"Baby," nagulat ako ng bigla nalang akong higitin ni Dark patayo at yakapin. Gulat pa ako pero nakayakap narin ako sa kaniya, siguro dahil sa pagka miss.
"How are you? Bakit hindi ka pumasok ng dalawang araw?" Nag aalalang tanong ko.
"May inasikaso lang." Aniya at humilay na sa yakap.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko,
"Yeah." Mukang maayos naman siya, pero feeling ko hindi e. Muka lang siyang maayos.
"Kumain kana ba? Magluluto ako?"
"No, thanks. How about you? Did you eat already?"
"Oo," kahit hindi pa.
"Lier. Come on, I'll cook for you." Hinila ako nito paalis papuntang penthouse niya. I really miss him.
Nag luto lang siya habang ako ay nakatunganga habang nanunuod sa kaniya. Namiss ko talaga siya.
YOU ARE READING
The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)
RomanceJustine was orphaned earlier because of the accident that happened to her parents when she was 15 years old. She was the only one left in the family, giving her no choice but to work to survive in that phase of her life. The thought of work will sus...