Chapter 26

51 3 0
                                    

Nasa elevator si Blyther at pagod na nakasandal. Nakasoccer uniform pa sya at hindi na nagbihis. Pagod na pagod ang pakiramdam nya pero para syang idinuduyan sa ulap. Tapos na ang championship game kanina. kahapon ay nakompleto na nya lahat ng papers nya. Anytime soon makakauwi na sya. Makakauwi na sya kay Zandreaj.

Kalalabas nya ng elevetor papunta ng kanyang unit sa 6th floor ng condong nirerentahan nya nang makita nya si June na naghihintay sa pinto. Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki. Paanong nalaman ng babaing ito ang condo nya?

Tumigil sya sa harap nito at inilagay ang mga kamay sa bulsa ng kanyang mga pantalon. Wala syang balak na buksan ang pintuan at yayain ang babae sa loob ng unit nya. Ngumiti sya ng bahagya sa babae na nagtatanong ang mga mata.

"I guess it's time I give up on chasing you." Mahina at seryosong sabi ni June. Hindi naman nagreact si Blyther.

"I've been to Zandreaj's place."
Nagulat na napatingin si Blyther dito.

"Now I understand why you love her that much." Pilit na ngumiti si June pero hindi naitago nun ang sakit na nararamdaman ng puso nya.

"She is right, every woman deserves a gentleman, and she deserves you." Mapait ang ngiting muling bumalatay sa mga labi ni June.

Si Blyther ay nakikinig lang.

"I guess I have to go."  Isang mabilis na smack sa labi ni Blyther at hahakbang na sana paalis si June pero may naalala. May kinuha ito sa bulsa ng suot nitong coat at inilagay sa mga palad ni Blyther.

"Anyway I forgot to return this to your son, kindly give it back to him. He is just as gentleman as you." At mabilis nang lumakad palayo si June.

Naiwang nakakunot ang noo ni Blyther habang sinusundan nito ng tingin si June. Lumingon ito bago sumakay ng elevator, kumaway at ngumiti sa kanya. Ginanti nya ng sinserong ngiti ang babae at kumaway din dito.

Napabuntong-hininga si Blyther, para syang nabunutan ng tinik sa dibdib. Salamat nalang na kusa nang lumayo sa kanya ang babae bago pa maubos ang pasensya nya dito.

Pumihit si Blyther para buksan ang pinto ng condo unit nya. Kinapa nya ang susi sa bulsa ng kanyang pantalon ng masalat ang iniabot sa kanya ni June na nasa palad nya. Inilabas nya ito at binuklat. Puting cotton handkerchief un na may nakaburda sa laylayan na Vyrr Zanther Valentine.

Nagugulumihanang napatitig si Blyther sa pangalang nabasa sa panyo. Biglang umalingawngaw sa isip nya ang sinabi ni June kanina na hindi nya pinansin dahil akala nya ay namali lang sya ng rinig.
"Anyway I forgot to return this to your son, kindly give it back to him. He is just as gentleman as you."

Natitilihang nag-isip ang lalaki at nanlaki ang ulo nito sa konklusyong naisip. Dali-dali itong pumasok sa unit nya at kinuha ang kanyang cellphone. NagVC ito kay Zandreaj. Matagal bago sinagot ng babae ang tawag nya. Maya-maya ay nag-appear ang mukha nito sa screen.
Gaya ng dati ay matamis na ngiti ang bungad sa kanya ng babae.

"Hey Vyb! Why? KakaVC lang natin just a while ago, missed me again?" Malambing na tanong nito.

"Show me my son." Madiin at seryoso ang boses ni Blyther. Kumabog ng malakas ang natigilang si Zandreaj ng makita sa mukha ng boyfriend ang expression na ngayon nya lang nakita dito. Madilim na madilim ang mukha nito.

"Maybe, it's better if you see him in person. When will you be coming home?" Pilit pinacasual ni Zandreaj ang boses para kalmahin ang boyfriend.

"I want to see my son now!" Malakas na sigaw ni Blyther. Galit ito. Galit na galit.

Nawala si Zandreaj saglit sa screen, tanging ang kama ni Zandreaj ang makikita. Nakapatong patayo sa unan ang cellphone nito at nakasandal sa headboard. Maya-maya ay nag-appear si Zanther sa camera. Tumatakbo ito pagpasok ng kwarto at pagapang na umakyat sa kama ng ina. Kitang- kita sa mukha ng bata ang excitement.

Nanlalaki ang mga mata ni Blyther habang pinapanuod ang anak sa screen ng cellphone nya. Bumalong ang masaganang luha sa mga mata ng lalaki.

"Hi daddy! Momma said you wanna see me. I wanna see you too. Finally we can see each other now." Madaldal na bungad ni Zanther.

Napahagulhol ang hindi nakapagsalitang si Blyther. Si Zandreaj na nasa likod ng anak ay umaagos din ang luha. Halo-halo ang kanyang nararamdaman. Ramdam nya ang sakit na nararamdaman ni Blyther ngayon, ang saya ng kanyang anak na makita ang ama kahit sa VC lang, at ang takot sa mga matatalim na tingin ni Blyther sa kanya.

Kitang-kita ni Zandreaj kung paanong hirap na hirap pero pilit kinompose ni Blyther ang sarili para makaharap ng ayos sa anak. Ngumiti ito kay Zanther na punong-puno ng pagmamahal.

"Hi son! I missed you. Yeah, we can finally see each other now." At tumulong muli ang mga luha nito.
Tumingin ito kay Zandreaj na punong-puno ng galit at hinanakit ang mga mata. "What did you do Zandreaj Zameeraj?!" Mahinang sabi nito sa nagngagalit na mga bagang. Napaatras si Zandreaj mula sa likuran ng anak.

"Momma said you'll be coming home soon! I'm so excited! I'm gonna see you and hug you and kiss you."

"Oh yeah! We'll gonna see each other soon. Dad will be there the day after tomorrow." At tumingin ito kay Zandreaj na punong-puno ng galit ang mga mata.

"Yes! And we will play soccer dad!" Tumalon-talon si Zanther sa kama. Yumakap ito kay Zandreaj at humalik ng mariin sa pisngi ng ina. "Thank you momma." Emotional na sabi nito.

Ngumiti dito si Zandreaj at mahigpit din na niyakap ang anak para kumuha dito ng lakas. Hindi nakaligtas sa paningin nya ang nananaghiling tingin sa kanila ni Blyther.

"Can you go back to granny now? Dad and I will talk first, okay?

"Okay momma, bye daddy!" At nagflying kiss ito sa ama bago tumakbo palabas ng kwarto.

"Hey! don't run Zan, be careful." Paalala dito ni Zandreaj bago muling humarap sa cellphone screen nya pero wala na si Blyther at tinapos na nito ang VC with her.

She tried a VC with him but he never answered. She sent him message.

"Vyb you have to listen to me first."-Zandreaj

Nabasa ni Blyther pero hindi ito nagreply. Maya-maya ay inactive na ito.

Nakatulala si Zandreaj habang nakaupo sa kama. Nanlalambot sya sa nakitang reaksyon ng boyfriend. Pagkaalis ni June ay naisip na nyang mangyayari ito, pero umasa pa rin sya na sana naman ay hindi. Alam nyang one of these days ay uuwi na si Blyther at malalaman na nito ang tungkol sa anak, pero mas gusto sana nya na sa kanya mismo nito marinig ang lahat. Na sya ang magpapakilala kay Zanther dito habang personal na magkaharap ang mag-ama.

Inaasahan nyang hindi sya agad maiintindihan ng boyfriend at magtatampo ito, pero makikinig ito sa paliwanag nya at okay na sila. Pero hindi nya inaasahan na magagalit ang lalaki ng sing tindi ng mga galit sa mga mata nito kanina.

Nagugulumihanang napabuntong-hininga si Zandreaj. Kumuha sya ng maleta at pumunta sa aparador ni Zanther. Matapos ilagay sa pinakailalim ang baby journey album nito at isang flashdrive ay ipinatas nya ang mga mahahalagang personal na gamit ng anak. Matapos masigurong kumpleto ay isinara nya ito. Bumaba sya sa kusina at kumuha ng spare na gatas at vitamins ng anak dinala sa kwarto nila at isiniksik sa loob ng maleta.
















PRETTY LITTLE DEVIL 2 (He's Ours)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon