Nakarating na kami dito sa Manila. Sasamahan na lang daw ako ni Hayes sa OB-Gyn. Gusto din daw niya malaman kung may sakit ako o wala para alam daw niya yung dapat gagawin.
Nakarating na kami dito sa isang hospital kung saan ako dinala ni mama noon. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako dinala dito noon nung tinanong ko naman siya nilagnat daw ako. Pwede naman ako painumin ng gamot kung nilagnat diba.
"Hello po. Si Dra. Marie Forbes ba nandyan?" tanong ko sa secretary.
"Ma'am Riyana po?" tumango ako. "Pasok na po kayo." pumasok na nami ni Hayes sa clinic ni Dra. Marie.
"Hija kamusta?" pinaupo kami ni Dra.
"Okay lang naman po ako. Si Hayes po pala."
"Good afternoon, Dra."
"Good afternoon. Anong sa atin?"
"Magtatanong lang po kung may problema ba sa matres ko? Nagtataka po kasi akong kung bakit hindi ako nabubuntis." nakikita ko sa mga mata ni Dra ang awa.
"H-hindi ba sinabi sayo ng mama mo?"
"Ang alin po?" napabuntong hininga si Dra.
"Last year dinala ka niya dito sa clinic ko kasi may signs of pregnancy daw siyang nakikita. I tested your urine and nag positive siya." nag buntis ako? "Pero sabi niya sa akin wala naman daw tatay ang pinagbubuntis mo at hindi mo daw kayang buhayin ang bata kaya niya...pina-abort." napahawak ako sa bibig ko. Umiiling akong nakatingin kay Hayes kaya niyakap niya ako.
"Ilang months po siya buntis nun, Dra?"
"6...weeks." pinatay ng nanay ko ang anak ko. "I'm so sorry. Pinigilan ko ang mama mo hija pero pinipilit niya talaga ako." nilabas ko ang ni Hayes sa clinic ni Dra.
"H-hindi k-ko alam...h-hindi ko a-alam."
"Shhh I know. Pupunta tayo sa inyo gusto ko makausap ang mama mo." inalalayan ako ni Hayes palabas ng hospital hangang sa makarating kami dito sa kotse niya.
Tahimik lang ako buong byahe nagsasalita lang si Hayes kapag may itatanong sa akin. Hindi niya kasi alam yung bahay namin. Makakapatay talaga ako ng tao ngayon tangina. Hindi nag tagal ay nakarating na kami dito sa bahay. Nakita ko si mama ang saya-saya niya. Lumabas ako ng kotse at nilapitan siya.
"Nandito pala ang malandi kong..." *pak*
"Ayyy!"
"You killed my unborn child!" nanlaki ang mata niya. "How dare you!" Bakit mo ginawa yun ha?! Dahil wala siyang ama!? Ito..." tinuro ko si Hayes. "Siya ang tatay ng anak ko! Ipapakulong kita!"
"Bakit mo pina-abort ang anak namin? Anong kasalanan ng anak niyo sa inyo? Marami kang kaso alam mo ba yun?"
"Edi ipakulong niyo! Ang yabang..."
"Hindi ako mayabang! Mukha ka lang talagang pera! Pinatay mo anak ko pwes papatayin din kita." sinakal ko siya binaon ko talaga ang nails ko sa leeg niya.
"Babe tama na. Police na ang bahala sa kanya." bago ko bitawan ang leeg niya ay hinigpitan ko muna ang paghawak ko at tinulak sa may tae ng aso.
"Sisiguraduhin kong hindi ka makalabas ng kulungan. Killer!" pinapasok na ako ni Hayes sa kotse. Kakarating lang din ng police kaya kinausap niya muna sila. Nagpumiglas pa si mama pero wala siyang magagawa dahil maraming nakahawak sa kanyang police. Yung mga kapitbahay namin nakatingin lang sa kanya at pinaguusapan pa siya ng mga kaibigan niya.
"Hayes alam kong attorney ka, help me. Ipakulong natin si mama d-dapat hindi na siya makalaya pa."
"Relax baby, okay? Ako na ang bahala sa kanya. Babalik tayo kay Dra baka may ibibigay siyang gamot sayo para pwede kang magbuntis ulit." niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa labi. "Sa mansion muna ako habang wala sila mom or gusto mong sa mansion ko na lang?"
"Sa mansion mo na lang."
"Alright. Uuwi na tayo." nag drive na pauwi sa mansion si Hayes. Kung alam ko lang buntis ako noon buhay sana anak namin ni Hayes ngayon. Igaganti ko ang anak namin. Buhay ang kinuha, buhay din ang kapalit.
~••~~••~~••~
BINABASA MO ANG
𝐎𝐧𝐞 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐒𝐭𝐚𝐧𝐝
Historia Corta𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓 | 𝐑𝟏𝟖 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠: Not suitable for young readers and sensitive minds. It contains graphic sex scenes, adult languages and situations intended for mature readers only.