Chapter 27

49 3 0
                                    

Nabitiwan ni Zandreaj ang baso ng gatas ni Zanther na tinitimpla nya sa kusina ng marinig ang malakas na sigaw ng anak. Tahimik ang buong bahay dahil ang mommy at daddy ni Zandreaj ay nasa baguio, ang lola naman nya ay umuwi na ng probinsya after mag1 year old ni Zanther. Iniwan nya ang anak sa sala na nanunuod ng tv.

"Daddy!!! Malakas na sigaw ni Zanther na lumundag mula sa sofa at tumakbo papunta sa ama. Mahigpit na mahigpit ang yakap nito sa anak. Ganun din ang bata sa kanya.

Lumabas mula sa kusina si Zandreaj na masayang- masaya. Sumugod ito ng yakap sa binata pero hindi gaya ng dati na agad syang yayakapin ng masuyo nito at hahalikan sa ulo, hindi ginanti ni Blyther ang yakap nya. Napatingala si Zandreaj sa boyfriend only to see distaste in his eyes. Napabitaw sya sa pagkakayakap sa bewang nito. Napayuko at pilit pinigil ang mga luha.

"Wait here."
Sabi ni Zandreaj pag-angat ng mukha nito at umakyat ng hagdan papunta sa kwarto nya.

Naiwang nakakunot ang mga noo ni Blyther na sinusundan ito ng tingin.

Nakaupo sa sofa ang mag-ama at nagkukwentuhan. Si Zanther ang nagkukwento na may pagmwestra pa at mataman namang nakikinig ang ama dito.

Makalipas ang ilang sandali ay bumaba si Zandreaj dala ang maleta ni Zanther na inimpake nya nung nakaraang araw.

"These are his things, I will just message you the details to his routines." Casual ang tono ni Zandreaj. Walang mabasang kahit anong damdamin si Blyther sa mukha nito.

"Momma said you'll gonna pick me up and bring me to my lolo and tita Xinni. Shall we go daddy?" At nauna nang tumakbo si Zanther sa pintuan. Bumalik ito nang maalalang hindi ito nakapagpaalam sa ina. Yumakap at humalik ito kay Zandreaj.
"Bye momma, I'm gonna miss you." At muling tumakbo palabas ng bahay.

Hinabol ito ni Blyther. Si Zandreaj ay umakyat sa kwarto nya at sinilip ang mag-ama sa bintana na sumakay ng  bagong itim na kotse. Tumingala si Blyther bago tuluyang sumakay sa driver's seat.

Nanlalambot na napaupo sa sahig si Zandreaj pagkatapos umiwas na makita ni Blyther sa bintana. Pagkatapos ay sunod-sunod na pumatak ang mga luhang kanina nya pa pinipigil.

Hindi nya kaya ang galit ni Blyther sa kanya. Ang sakit na ang tagal nyang hinintay ang araw na ito. Na muling salubungin ng masuyo nitong yakap. Na ikukulong sya nito sa mga braso nito, yayakap sya sa bewang at ihihilig ang kanyang pisngi sa dibdib nito at hahalikan naman sya nito sa ulo. At muli mararamdaman nya ung most comfortable and secured feeling na kay Blyther nya lang natatagpuan.

Pero ngayon sa halip na masuyong yakap ay masasakit na tingin ang pasalubong nito sa kanya. It breaks her heart to the point na nakalimutan nya lahat ng inihanda nyang paliwanag dito na ni hindi nya nagawang magsalita.

Hindi nya alam kung papaano ihahandle ang boyfriend sa ganong estado nito. She never saw him get mad. Kahit kailan, kahit kanino. Then when she saw him, it is on her he's mad with. Her always gentleman Blyther is now growing horns, because of her. Lalong napaiyak si Zandreaj.

Mula Cavite ay bumiahe ang mag-ama pauwi ng probinsya sa bahay nina Blyther. Alas otso ng gabi ng bumusina sya sa gate nila. Ang kasambahay ang nagbukas ng gate para alamin kung sino sya. Agad na sinenyasan nya ang babae na wag maingay ng makilala sya nito.

Iginarahe nya ang sasakyan ng maayos bago bumaba. Si Zanther ay nakatulog na sa baby seat na pinacustomized nya bago nya inilabas  ng casa ang bago nyang kotse kagabi.

Ibinilin nya sa kasambahay na isunod sa kanila ang mga maleta bago nya kinuha ang anak at inilabas ng sasakyan. Nagising si Zanther ng maramdamang binuhat ito ng ama. Bahagya itong nagpalinga-linga at humikbi ng manibago sa lugar.
"Momma." Hibi ni Blyther.
"Shhhh...Daddy is here Zan." Alo ni Blyther dito habang binubuksan ang pinto papasok ng sala.

Napamulagat si Brandon at si Xinni na napaangat sa kani-kanilang inuupuan ng bumungad si Blyther kalong ang anak. Sumugod si Xinni sa kuya nya pero natigilan ng magsink sa isip nya na may kalong na bata ang kapatid.

"Hi lolo! Hi tita Xinni!" Kumakaway ang maliit na kamay ni Zanther sa dalawang nakanganga sa pagkagulat.
Nagtatanong ang mga matang napatingin ang mga ito kay Blyther.

"Meet my son dad, Cat. What's your name Zan?" Paling ni Blyther sa anak.

"My name is Vyrr Zanther Valentine Sta. Maria del Sol. Nice to meet you lolo, tita Xinni." Pabulol-bulol na sagot ng bata.

"Holy shit!" Natakpan ni Xinni ang bibig nya sa pagkagulat. Agad nitong inagaw sa kapatid ang pamangkin at pinupugpog ng halik. Nagmano naman si Blyther sa naguguluhang si Brandon.

"Where is Zandreaj?"  Tanong nito sa anak. Mapait na ngiti ang isinagot ni Blyther sa kanya. Napailing si Brandon.

"What happened? You said the PT was negative?"

Umiling lang si Blyther.
"I don't know dad. I just found out we have a son." Gumuhit ang sakit sa mukha nito.

"What did Zandreaj tell you?"

"Nothing."

"Nothing?!"

"Nothing, she just gave me Zanther's things when I arrived. Then Zanther here said I'm gonna be bringing him here. So off we go." At pabagsak na umupo sa sofa si Blyther.

"Why do you know me and lolo, hmmm?" tanong ni Xinni kay Zanther na kasalukuyang lumalapit sa lolo nya para magpakalong.

"I see you always. Momma shows me your and lolo's pictures and videos everyday, just like daddy's. So I know you all." Nahirapang intindihin ng tatlo ang bulol-bulol at british accent na pagsasalita ni Zanther.

Kinalong ni Brandon ang apo at niyakap ng mahigpit.

"You are just like your daddy when he was your age. Carbon copy mo ang anak mo son. Only that I can see the smart Zandreaj in his eyes." Sabi ni Brandon na hindi maalis-alis ang tingin sa mukha ng apo.

"I am good at playing soccer too." Proud na sabi ng bata.

"Oh really! Then you'll gonna be like daddy when you grow up!"

"Yeah! But for now I wanna eat and drink milk."  Sabi ni Zanther na hinihimas ang tyan.

Napahalakhak ang tatlo. Saka lang naisip icheck ni Blyther kung nagmessage na si Zandreaj ng routines ni Zanther. Kanina sa biahe ay tumigil sila sa 7/11 at pinapili ang anak kung anong gusto nito. Chineck nya lang kung ano ang heathy at yun ang binili saka bottled water.

Ang haba ng reminders ni Zandreaj about daily routine ni Zanther. hinanap nya lang dun kung paano iprepare ang milk nito na nakita nya kanina sa maleta ng palitan nya ng diaper ang anak. Inabot nya ang maleta na nilagay ng kasambahay sa sulok ng sala. Kinuha doon ang gatas ng anak at dinala sa kusina para magtimpla.













PRETTY LITTLE DEVIL 2 (He's Ours)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon