part 1

90 10 1
                                    

Jack Pov;

Andito ako sa pasyalan kung saan kami unang nagkita at nagkagustuhan ni joseph, and yes today is our 6th anniversary i fall for him everyday even he's mine now.

May biglang nagtakip sa mata ko, and malamang kilala ko na agad kung sino to

"wag mo takpan mata ko joseph" sabi ko "shh may ipapakita ako sayo" sabi ni joseph na tila'y kinakabahan "ano nanamanh kalokohan to hahaha" sabi ko habang nakatakip padin ang dalawang mata ko at lumalakad sa mabuhanging daanan

Unti unting tinanggal ni joseph ang kamay nya sa mata ko "surprise love, happy 6th anniv saatin" saad ni joseph na bakas ang saya sa bawat ngiting binibitawan nya

Puno nang bulaklak ang paligid na tila nakaukit na puso at may lamesang puti na puno ng pagkain "aw, angsweet mo naman love, pano yan wala akong gift sayo" sabi ko na nakasimangot "ayos lang, basta nandito ka sa tabi ko isang malaking regalo na sakin yun" sabi naman ni joseph, binigyan ko sya ng yakap " sumama kana sakin, love" sabi ni joseph " kahit saan mahal, sasamahan kita" tugon ko naman sa kanya ng may bakas ng saya

naglalakad na ako papunta sa direksyon ng puting lamesa kung saan nakaupo na si joseph ng may pamilyar na sigaw "Jackkk!! Anakkk!!" Sigaw ni mama kasama ang mga kaibigan ko at hinahatak ako "ma, pabayaan nyo na po kami ni joseph" sabi ko habang nagpupumiglas sa kanila

"Anak apat na taon nang wala si joseph, oras na para sarili mo naman ang palayain mo" sabi ni mama habang umiiyak "Ma andito si joseph ayun sya-" natigil ako ng mapagtanto kong walang bulaklak walang buhangin walang lamesang puti at walang joseph na nasa harap ko kundi dagat

Nasa gitna na ako ng dagat nung kunin ako nila mama, hindi ko mawari bakit ganto ang nangyayari saakin apat na taon mo na akong pinalaya joseph, oras naba para sarili ko naman ang palayain ko?

1week passed;
nandito padin ako joseph masayang tinitignan ang mga lugar kung saan tayo naging masaya, at magkasamang nangarap andito ako sa dagat kung saan kita nakita at kung saan kadin kinuha hanggang ngayon ay sariwa padin yung sakit pero wala na akong magagawa kung ang ganitong tadhana ba ang nararapat para saatin....

Kagaya ng dagat isa ka pading tanawin na gusto kong pagmasdan hanggang sa ako'y bawian ng buhay, ipapangako ko sa'yo na papalayain kita ngayon pero babawiin din kita pagdating ng tamang panahon

Hanggang sa muling pagtatagpo sa dagat, mahal ko.

i'm jack together with my love joseph nagsasabing hindi masayang magpalaya ng tao, ngunit kung ito ang paraan para matahimik ang mahal natin kailangan natin itong gawin Maraming salamat po sa nagbasa ng aking kwento, hanggang sa susunod na pahina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DAGAT (joshtin short story)Where stories live. Discover now